PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Panalo ni Vice at ng I'mPerfect sa MMFF, may hatid na mensahe?

Vice Ganda, topgrosser ulit ang pelikula sa MMFF.
by PEP Troika
Published Dec 29, 2025
vice ganda and krystel go at mmff 2025 gabi ng parangal
Vice Ganda (left), a member of the LGBTQIA+ community, and Krystel Go, a newbie actress with Down syndrome, win top acting honors at the MMFF 2025 Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Makasaysayan ang 51st MMFF Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, 2025, Sabado, sa Dusit Thani Hotel, Makati City.

Best Actor si Vice Ganda para sa Call Me Mother.

Taob sina Zanjoe Marudo ng UnMarry, Piolo Pascual ng Manila’s Finest, at Carlo Aquino ng Bar Boys: After School.

Best Actress ang may Down syndrome na si Krystel Go para sa I’mPerfect, kinabog si Angelica Panganiban ng UnMarry.

Read: Vice Ganda and Krystel Go's monumental wins at MMFF 2025 Gabi ng Parangal

I'M PERFECT'S BEST PICTURE AND BEST ENSEMBLE WIN

Bukod sa pagiging Best Picture ng I’mPerfect, nagkamit ito ng jury prize na Best Ensemble.

May statement ba ang MMFF 2025 kaya ganoon ang napili ng mga hurado?

“Hindi naman yan sinadya. I mean, kita niyo naman yung lineup ng jurors natin, very credible,” pahayag ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Overall Chairman Atty. Romando “Don” Artes.

“Walang interference from anyone. Fair judging yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I encourage everyone to watch, itong mga movies na nanalo. Or lahat even.

“Para makita niyo for yourself kung tama ba yung naging decision ng ating mga hurado.

“Tama kayo, medyo historic ito dahil very inclusive and very diverse yung mga nanalo.

“Best Actor, queer. Best Actress is merong Down syndrome. At ang Best Picture, ang main characters… may Down syndrome.

“So I’m happy and proud na ang kinalabasan nito, na makikita yung selection natin ng films ay paganda nang paganda.

“Yung mga sumasali rin ay paganda nang paganda yung lineup natin, at siguro ang naipapakita rin niyan ay yung results sa first day na lahat sila, na-break yung PHP1M-mark on the first day.

“Which is also a first sa 51-year history ng MMFF.”

Read: Vice Ganda, Krystel Go, Manila's Finest, UnMarry big winners at MMFF 2025

MMFF 2025 BOARD OF JURORS

Ang chairman ng MMFF 2025 Board of Jurors ay si Dr. Clodualdo del Mundo Jr., at ang vice chairman ay si Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang pa sa mga hurado sina Direk Jerrold Tarog, Ericson Navarro, David Angelo Vargas, Dr. Judy Taguiwalo, Prof. Anne Frances Sangil, Gladys Reyes, Ricky Orellana, Nathalie Tomada, John Bryan Diamante, Alemberg Ang, Bing Advincula, at Irene Jose.

Katulad last year ay matagal ang deliberations ng mga hurado sa MMFF 2025.

“Yes, matagal din. Kasi, nag-start, 10:00 A.M. I passed by around 4:00… 4:30… hindi pa sila tapos,” sabi ni Chairman Don Artes.

“So, mukhang mahaba yung naging discussion, maybe because magaganda rin yung mga pelikula.

“At kumbaga, walang nag-stand out na isa, or dalawang pelikula lang. So, lahat ng kalahok ay masasabi nating de kalidad kaya siguro nahirapan iyong ating mga jurors.

“And what we can assure the public, especially viewers, talagang pinag-isipan, pinag-usapan nang matagal itong deliberation…”

MMFF 2025 TOPGROSSER

Ang tema ng 51st MMFF ay “A New Era for Philippine Cinema.”

Malalagpasan kaya ng kita ng MMFF 2025 ang hinamig sa golden edition last year?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hopefully na mangyari iyan at matapatan or malampasan yung gross receipts natin, yes,” sambit ni Chairman Don Artes.

Ang pelikula ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is… ang topgrosser sa MMFF last year, at ngayong Disyembre 29, Lunesa, y bumalik iyon sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines.

Ang topgrosser ng MMFF this year ay pelikula pa rin ni Vice Ganda, ang Call Me Mother with Nadine Lustre and MMFF 2025 best child performer Lucas Andalio.

Read: MMFF 2025 Gabi ng Parangal sidelights

call me mother
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ang sabi pa ni MMDA Chairman Don Artes, yung first day ng kita ng MMFF 2025 ay halos kapantay ng hinamig ng first day ng MMFF 2024.

This year ay walo lamang ang official entries ng MMFF. The previous two years ay sampu ang kalahok.

Pahayag ni Chairman Don Artes: “Ang kagandahan nito, lahat ng pelikula, yung walong pelikula [ng MMFF 2025], naka-more than PHP1M.

“Na never nangyari sa history ng MMFF. Dati, three to four entries, hindi man lang nakakaisang milyon yung gross receipt sa first day.

“This time, iyon pong lahat ng entries, sa first day naka-break po ng PHP1M. At spread evenly — except doon sa topnotcher — halos spread evenly yung gross receipts.

“So I can say na this year, successful lahat yung pelikula na kalahok dahil lahat sila ay tinatangkilik ng ating mga manonood.”

Mas gusto nila na lahat ng kalahok ay kumita, kesa mahigitan ang kabuuang kita ng lahat ng entries last year?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na tugon ni Chairman Don Artes: “Yes! Definitely. Kasi kung lahat kikita, kesa may isang mataas na mataas tapos mabe-break iyong record — I prefer na lahat na lang kumita.

“Dahil para ma-insure na the following year, marami pa ring gagawa ng mga de kalidad na pelikula, na tatangkilikin ng ating mga kababayan.”

NOT EXPECTING php1-b TOTAL GROSS

Last year ay PHP800M+ ang kabuuang kita ng MMFF. Two years ago na umariba ang Rewind, mahigit P1B ang hinamig ng December filmfest.

Nag-e-expect ba sila na maka-P1B ang kita ng MMFF this year?

“Hindi naman siguro PHP1B. Kasi naka-P800M+ tayo [last year], hoping ako na at least ma-break naman, or at least mapantayan yung last year,” sey ni Chairman Don Artes.

“So hopefully, mapantayan man lang, OK na ako. Pero again, yung kumita yung walong pelikula, mas gusto ko yon kesa sa ma-break natin yung record then may maiiwan na pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga kalahok na nabawasan ng sinehan, at ang iba’y nadagdagan siyempre…

“Meron din naman. Kasi may mga demands din sa mas malalakas na pelikula,” saad ni Chairman Don Artes.

“Pero very minimal. Hindi ganun ka-abrupt na mahigit kalahati, nababawasan. Ngayon, talagang gradual ang pagbawas.

“Kasi, halos lahat nga sa kanila ay tinatao naman. So, wala rin kaming nare-receive na reklamo tungkol sa placement noong ating mga pelikula.”

Mukhang mas OK sa producers na walo lang ang official entries ng MMFF?

“Well, siguro nga, maganda pa rin yung formula na walo lang kesa sa sampu,” sabi ni Chairman Don Artes.

“Kasi nga, mas nabibigyan natin ng mas maraming pagkakataon yung ating mga pelikula na maipalabas sa mas maraming sinehan.

“So, mas hindi kami nahihirapang mag-place ng mga pelikula sa mga sinehan.

“Kaya rin siguro as I’ve said, wala kaming nare-receive na reklamo so far regarding sa placement ng mga sinehan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angelica Panganiban after Best Actress loss: "Naghanda ako ng speech, hindi ko nasabi."

NOEL FERRER

Sa Netflix ang streaming ng sampung kalahok ng MMFF 2024.

Bukas, Disyembre 30, Martes, ang Netflix streaming ng The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual.

Ang naunang nag-Netflix streaming this year ay Hold Me Close noong Mayo 8, na sinundan ng My Future You noong Mayo 15.

Ang mga sumunod pa ay Espantaho aka Scarecrow noong Mayo 22; Uninvited noong Hunyo 5; And The Breadwinner Is… noong Hunyo 12; Green Bones noong Hunyo 19; Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital noong Setyembre 4; Isang Himala noong Nobyembre 6; at Topakk aka Triggered noong Disyembre 23.

MMFF 2025 MOVIES STREAMING

May message si MMDA Chairman Don Artes sa mga nag-aabang sa streaming ng walong MMFF 2025 entries.

“Maiinip po kayo!” bulalas ni Chairman Don Artes.

“Kasi po, medyo mahaba po yung prohibition natin. Parang five months before nila puwedeng ipalabas [sa streaming platform].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At minimum four months after saka lang nila puwedeng i-promote.”

Ipapalabas ang walong entries ng MMFF 2025 sa Enero 10-13, 2026 sa Dubai.

Inaayos na rin ang showing ng mga iyon sa Hong Kong.

“Sa atin pong mga kababayan sa Dubai at sa Hong Kong, abangan niyo po dahil dadalhin po natin ang Metro Manila Film Festival doon sa Dubai at sa Hong Kong.

“Abangan nila sa January,” sabi ni Chairman Don Artes.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left), a member of the LGBTQIA+ community, and Krystel Go, a newbie actress with Down syndrome, win top acting honors at the MMFF 2025 Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results