GORGY RULA
Dalawang reliable source ng PEP Troika ang nagkumpirmang break na raw sina Gil Cuerva at Lexi Gonzales.
Hindi namin nasubaybayan ang relasyon ng dalawa, pero matagal din silang naging magkasintahan.
Ang sweet nila kapag nakikita sila sa ilang events, gaya sa nakaraang GMA Gala noon lamang August 2, 2025.
Read: Ellen Adarna reveals husband Derek Ramsay’s supposed infidelity
GIL CUERVA'S HUGOT POSTS ON X
Pero napagdudahang may problema ang dalawa nang mag-post si Gil sa kanyang X (Twitter) account ng ilang cryptic messages.
Tila galit ito sa post niyang: “Malapit na talaga ako maglapag ng resibo.”
Sunud-sunod ang posts ni Gil sa X noong Nobyembre 22, 2025, Sabado:
"The deception will be used as fuel for my comeback. I will rebuild from this. Just remember, what goes around comes around."
"Just completely hurt and blindsided, but I will channel all of this into something better. Just need time to heal. But damn, to be betrayed like this is an all time low for me."
Nahalata pang may kinalaman sa love life ang mga hugot niya dahil sa kanyang post noong Linggo, November 23.
Nakasaad dito: “Parang nananadya radio a. Puro heartbreak songs. Universe naman o.”
Read: Lexi Gonzales wary of boyfriend stealers: "Aminin na natin, marami diyan na ahas."
Marami siyempreng nahiwagaan sa X posts ni Gil.
Noong November 24, Lunes, ito naman ang emote niya: "All I can say is tho, if the roles were reversed, I would absolutely be persecuted and on the receiving end of a lynch mob.
"The energy is not the same when the roles are reversed. Double standards."
At noong Nobyembre 25, Martes ng madaling-araw: “Went on quite a reasonable crash out and I’m cringing a bit at myself, but cutting myself some slack because I am human and have feelings.
“But ok swear, ito na talaga beginning to healing arc ko guys no more sad boi stuff. Masakit ang nangyari sakin, but I will bounce back.”
Nagtanung-tanong ang PEP Troika sa ilang taong malapit kina Gil at Lexi, pero hindi ganoon kalinaw ang sagot.
May nagsabi sa aming ayaw raw muna ni Lexi magsalita sa ngayon. Tingnan na lang natin kung kailan sila aamin.
Pero makahulugan itong mga X post ni Gil na tila may kinalaman sa "betrayal."
Abangan na lang natin ang sinasabi niyang “resibong” ilalapag daw niya.
Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."
NOEL FERRER
Naku! Sumabay pa talaga sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva sa isyung hiwalayan?
Ang dami pang kuwento ng mga showbiz couple na naghiwalay, nakigulo pa silang dalawa?
Tila nanawa na nga tayo sa pagsubaybay sa isyung hiwalayan ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna.
Nilayasan na ni Ellen ang bahay nila ni Derek, pero tahimik pa rin ang aktor at hindi siya nagsasalita.
Read: Ellen Adarna packs up; ready to leave Derek Ramsay's house
Ayon sa ilang malapit na kaibigan ni Derek, hindi raw talaga ito magsasalita.
Gusto na lang daw ni Derek mag-focus sa mga sinimulan niyang negosyo.
Lumipad nga raw ito ng Jakarta, Indonesia para sa isang negosyong sinimulan niya. Hindi na sinabi sa amin kung anong negosyo ito.
Pero inaabangan kung matutuloy ba ang pagbabalik-showbiz nito.
Meron pa bang ibang hiwalay?
JERRY OLEA
Opo, may iba pang showbiz couple na naulinigan nating hiwalay na. Pero minabuti raw ng dalawang panig na tahimik muna sila.
May chance kaya na magkaayos sila bago mag-Pasko?
At kung may mga hiwalayan man na ikinalulungkot natin, meron ding mga nabuong relasyon na ikinatutuwa natin.
Take note, “mga.” Ayaw natin silang pangunahan lalo pa’t naiintriga na sila kahit paano.
Read: Kylie Padilla reacts to her sons bonding with AJ Raval’s daughter
