JERRY OLEA
Bukod-tangi ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRREO) sa walong official entries ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito lamang ang trilogy, kaya ito ang pinakamabituin.
Sa tatlong episodes, tampok sina Carla Abellana, Janice de Belen, Ara Mina, Francine Diaz, Seth Fedelin, Fyang Smith, JM Ibarra, Alex Calleja, Kaila Estrada, Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Dustin Yu, at Manilyn Reynes.
Andiyan din sina Matt Lozano, Ysabel Ortega, Ashley Ortega, Arlene Muhlach, Elijah Alejo, Althea Ablan, Sassa Gurl, Karina Bautista, Dylan Yturralde, Arkin Lagman, Raven Rigor, Sarah Edwards, at iba pa.
Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend

Ito rin lamang ang horror entry. Tatlong klase ng horror ang hatid nito — supernatural, slasher, at survivor.
May iba pang horror movies na ipinasa sa selection committee ng MMFF 2025.
Nalaglag ang mga iyon dahil malayo ang kalidad kumpara sa SRREO, ayon sa insider na nakausap ng PEP Troika.
Yung pitong iba pang kalahok sa MMFF 2025 ay iba’t iba ang drama.
Consider UnMarry, Rekonek, I’mPerfect, Bar Boys: After School, Manila’s Finest na may action, Call Me Mother na may comedy, at Love You So Bad na may romance.
Malamang sa alamang na kasama ang SRREO sa top 3 topgrossers ng 51st MMFF!
Ito ring SRREO ang unang may bonggang payanig.
Pasiklab ang mediacon nito noong Biyernes, Nobyembre 21 ng gabi, sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Ang drinks menu sa cocktails, lima ang choices — Anino, Slasher, Bloody Cheesecake Latte, Vampire’s Kiss, at ang “passionate” na A Taste of Evil.
Read: Film industry mourns the passing of actor Dido dela Paz, editor Jess Navarro
DIREK SHUGO PRAICO ON THE NUNS OF "1775"
Present sa grand pauga si Direk Shugo Praigo na direktor ng "1775" segment, ganoon din si Direk Ian Loreños ng "2050" segment.
Kinumusta namin kay Direk Shugo ang mga madre at hermana sa "1775" segment — sina Carla Abellana, Janice de Belen, Ara Mina, Arlene Muhlach, Ysabel Ortega, Ashley Ortega, at Elijah Alejo.
“It’s the first time I worked with all of them po. Sobra po akong masaya sa lahat ng performances nila,” sabi ni Direk Shugo.
“Kasi, lahat po sila, sobrang game sa lahat ng eksena. Mahihirap yung mga eksena, kasi, medyo madugo. Bloody, literally. And very physical.
“Pero wala po akong naano na nagreklamo sila. And they came prepared, all of them.
“Most of the scenes, very quiet. Tahimik mostly. Kumbaga, close-ups, the nuances. It’s the eyes talking, it’s the eyes delivering the performances.
“And I find it, lahat sila, sobrang galing doon.”
Kumusta ang dynamics ng mga artista? Nagkatulungan, o meron ding nagkasapawan?
“Nagtutulungan po. Group sila, e. Maraming eksena, magkakasama sila,” tugon ni Direk Shugo.
“Dahil po doon, they have to work as a group. And I think, ako, wala po akong nakitang sapawan. All of them, really, were giving their best performances.”
Ito ang first period film ni Direk Shugo. Medyo challenging ang production design dito dahil 1775 ang setting. Integral sa horror story na ito ang religion.
“Kasama talaga sa script. Kasi, yung pinaka-idea… it’s about evil entering into this beaterio. So, kasama po talaga yung idea na iyon,” wika ni Direk Shugo.
“In fact, doon nag-o-operate lahat. Parang ano ang mangyayari? Paano kung ang isang evil entity, nasa loob na ng isang beaterio?
“It’s like doon nanggagaling yung fear na pinapanood natin, lalo na iyong mga madre. “And also, parang one of its themes, is how this fear is being used by this evil entity para lalong magpalaganap ng lagim.”
Challenge din siyempre ang pagtatahi-tahi ng tatlong episode ng SRREO na konektado.
“May sariling challenge po iyon. But I guess, iyon ang sinigurado na maalagaan, mababantayan nung creative team,” pahayag ni Direk Shugo.
“Ako medyo suwerte, kasi set-up. Although may sariling challenge din iyon, first episode. Pero the set-up, iyon ang pinakatrabaho ko.
“Setting up this horror trilogy, and then, episode 2 has to escalate it, I think. And episode 3 has to wrap it up.
“So, kanya-kanyang challenges. But I think, dahil sa proseso, sabay-sabay kaming umuupo, e. Script reading. Ahhmm scene deliberation.
“Maraming meetings lalo na on top sina Sir Keith [Monteverde] and si Miss Roselle [Monteverde]. On top talaga sila.
“So, the creative decisions, I think kaya nagkaroon ng malinaw iyung pagkadugtung-dugtong nung episodes 1, 2, and 3.”
Read: Loisa Andalio, Ronnie Alonte are now engaged

NOEL FERRER
Salamat sa lahat ng mga produksyon na nag-e-effort ngayon pa lang para makapag-promote ng kanilang mga entries sa MMFF 2025.
Magandang malaman na ang MMFF Execom ay mag-i-sponsor ng premiere nights ng lahat ng 8 entries sa festival ngayong taon with matching talkback pagkatapos.
Tapos, sana talagang sasayahan natin ang promo hanggang sa parada ng lahat ng mga pelikula sa Disyembre 19 sa Makati City.
Kailangan natin ito, lalo na sa panahong nagdarahop tayo ng mga pelikulang lokal na tatangkilikin ng marami nating mamamayan!
Patapos na ang buwan ng Nobyembre, handa na ba kayo sa 51st Metro Manila Film Festival? Harinawa!!!
GORGY RULA
Masigla ang takilya sa local cinemas mula nang mag-showing ang Meet, Greet & Bye noong Nobyembre 12, 2025, Miyerkules.
Ayon sa ABS-CBN Film Productions, as of November 23, Sunday, ay umabot na sa PHP215M ang worldwide gross ng family drama na bida sina Joshua Garcia, Piolo Pascual, Maricel Soriano, Belle Mariano, at Juan Karlos.
Yung event movie na Wicked: For Good naman, ayon sa source ng PEP Troika, ay naka-PHP164M mula Nobyembre 19, Miyerkules, hanggang Nobyembre 23, Linggo, sa takilya ng bansa.
Sa Nobyembre 26, Miyerkules, ay showing na ang dalawang pelikula ni Elijah Canlas—Salvageland at KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie.
Sa araw ring iyon ay streaming sa Netflix Philippines ang pelikulang Sunshine kung saan suporta si Elijah kay Maris Racal.
Co-stars ni Elijah sa Salvageland sina Richard Gomez, Mon Confiado, Cindy Miranda, McCoy de Leon, at Angela Morena.
Idinirek ito ni Lino Cayetano mula sa panulat ni Shugo Praico.
Sabi ni Direk Lino matapos ang special screening ng Salvageland noong Nobyembre 21, Biyernes, sa Fishermall Quezon City, magpapa-block screen sila ng Gabi ng Lagim.
“Let’s support all Filipino films! Pare-pareho nating panoorin!” sabi ni Direk Lino.
Sa Disyembre 3 ang playdate ng gay comedy film na Jackstone 5, pati ng Ang Happy Homes ni Diane Hilario.
Sa Disyembre 10 naman yung musical ni Gladys Reyes na The Heart of Music.
At sa Disyembre 25 ang umpisa ng MMFF 2025 kung saan walong pelikulang Pinoy ang kalahok.
Read: Dionela now engaged to non-showbiz girlfriend Meizy Mendoza
