Trigger Warning: Sexual content, abuse
GORGY RULA
Kagaya ni Salome Salvi, bisexual ang kapwa adult content creator na si Tina Slick.
“Unlike other creators, I’ve been fortunate enough na hindi ako galing sa sex work talaga,” saad ni Tina noong Nobyembre 13, 2025 sa CinePOP office, Sct. Gandia St., Quezon City.
“Yung iba kasi, ano sila, di ba? Nag-e-escorting, ganyan. Bumu-booking. Due respect to them, I love… naadik din ako sa babae. Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!
“Bi ako. Naadik din ako kumuha ng mga babae. Sinusuportahan ko sila. Pero negosyo ang forte ko talaga. Food business dito sa Metro Manila.”
Read: Salome Salvi not in exclusive relationship with bf Emil Sandoval
Natigil na ang food business niya. Noong pandemya, nagsulputang mga kabute ang adult content creators, babae man o lalaki.
“Yung kasama ko nito, noong nag-start ako ng p*rn, yung ex ko na black. So, wild na talaga kami,” pagtatapat ni Tina.
“Half-black American siya. Tagadito rin. Wild na talaga kami. We do threesomes. We do orgy…
“And then sabi namin one day, parang, ‘Bakit hindi na lang natin i-share? Kasi, gusto naman natin ipinapakita na... nagse-sex tayo.
“‘Gusto natin, may audience tayo. Gusto natin, nagsa-swap tayo ng mga couple. Bakit hindi na natin ipakita sa lahat na maganda yung ginagawa natin? Na very passionate tayo sa sex. General.’
“So, that’s how it started.”
THE ART OF ADULT CONTENT
Wala siyang hang-up o mental health problem nang sumabak sa pagiging adult content creator?
“Wala. Wala. Dahil gusto ko lang talaga siyang gawin,” malumanay na pahayag ni Tina.
“And then, money came after. Pero mas focus ko ngayon, art talaga siya for me. Like sex is an art for me that I really wanted to share to a lot of people.
“Na maganda siyang panoorin. Na hindi lang siya iyong straight na bubukaka ka lang, tapos iyan na.
“Gusto ko, pinapakita sa camera yung cinematic view niya. Yung gaano ka kapawis na pawis.
“Gusto ko, ma-feel nila yung nararamdaman ko na passion. Passion ko siya.”
Noong Hunyo nag-umpisang mag-CinePOP si Tina. Dalawa ang nagawa niya, Tubong Lugaw at My Wife’s BFF.
Noong una ay umakting lang siya. Sa kasunod, solo scene. Wala siyang ka-intimate.
Walang preference si Tina kung boy o girl man ang makakabayuhan niya.
Siyempre, mild lang sa CinePOP kumpara sa hardcore na content niya.
Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa CinePOP?
Napangiti si Tina: “I’m very open. I’m really open to doing it. Actually. Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!”
Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend
NOEL FERRER
Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya nang pasukin niya ang industriya ng p*rn*grapiya?
Lahad ni Tina Slick: “At first, they were mad… tapos sabi pa ng mom ko, ‘Dalawang babae kayo!’ Ganyan-ganyan.
“Tapos sabi ng mommy ko, ‘Hala! Baka finake lang yung mukha mo!’ Sabi ko, ‘No, Ma. It’s me. Hindi ko kailangang itago, Ma. Ako ang nag-upload niyan. It’s really me.’
“Siyempre noong una, nagalit siya. Pero eventually, she learned how to accept it. And then she’s like, ‘Mag-ingat ka sa mga ka-collab mo, ha?’ Ganyan-ganyan.
“E, dati, may ex pa ako noon, ‘Dapat siya lang ang ka-collab mo, o kaya mga babae lang.’”
ACCEPTAnCE FROM TINA SLICK'S FAMLY
Tumutulong siya sa kanyang family?
Mabilis na tugon ni Tina: “Yeah, ako ang nagpapaaral sa sister ko.”
Natanggap na ng family niya ang kanyang pagiging adult content creator?
“Yeah, and it brings food to the table. So, it’s OK. It’s OK with them,” sambit ni Tina.
“They learned to accept it, kasi minsan pag kasama ko yung mga tito-tita ko sa labas, bigla na lang may sisingit, ‘Ma’am, puwede po bang magpa-picture?’
“Siyempre nagugulat sila, 'Bakit ba gustong magpa-picture sa iyo iyan? Ano ba ang ginagawa mo?'
“And then eventually they knew. It’s OK.”
Parang mas tanggap ng mga tao ngayon ang industriya ng adult content creators dahil sa pinagdaanang pandemya?
“Yes, and I think na na-push ko naman ang sarili ko out there na hindi lang ako pabukaka na babae na kaya mong parang bastus-bastusin!
“Naano ko naman sa kanila na hindi ganoon iyong brand ko.”
Industriya talaga ng p*rn*grapiya? Nandoon na tayo?
Read: Vice Ganda, bakit ayaw personal na makilala ang kanyang scholars?
JERRY OLEA
Sa apat na taon niya sa industriya ng mga adult content creator, meron na ba siyang bad experience sa naka-collab?
“Ahhh not really, I’ve been really fortunate with the people I collab with,” pagmamatuwid ni Tina Slick.
“And very mapili ako compared to… mas babae kasi yung mga kino-collab ko, e.
“And girls are so nice to me. I love them. Tapos sa mga guys, parang recently lang naman ako nakipag-collab sa mga guy.
“Kasi, noong majority ng career ko, puro may mga boyfriend din ako noon. Tapos sila ang ginagawa kong partner ko.
“E, ngayong single na ako, iba-iba na iyong nagiging partner ko.”
Hati-hati sila ng kita ng mga naging boyfriend niyang ka-collab. Hindi raw tumuloy ang mga iyon sa pagiging adult content creator.
“Nag-stop sila. Hindi nila kinaya,” wika ni Tina.
“Ano kasi ako, when it comes to bashing, bago pa talaga ako totally mag-upload ng video, lahat ng paninira, sinabi ko na sa sarili ko.
“Like, ‘Kaya ko ba itong ma-take?’ ‘Kaya ko ba itong ganyan?’ Tapos nung sabi ko, ‘Huh! I don’t feel anything about it!’
“Wala naman akong magagawa kung hindi nila ako type. Alam ko, may market naman ako diyan somewhere.
“So why should I give a dam about what they’re telling me?”
TINA SLICK ON PRAYING IN HER OWN WAY
Nagsisimba ba siya?
“No, I don’t. I pray. I don’t really go to church. But I believe. I pray in my own way,” hinay-hinay na lahad ni Tina.
“I’m still a believer. Kasi, noong unang parts ng… I was really in a dark place of my life, then I prayed. Every day.
“And then I was able to pull myself in that situation I was in before because I think my prayers worked.”
Ano iyong dark place na pinaghugutan niya? Napariwara ba siya?
Napabuntong-hininga si Tina: “So the first… yung black na relasyon ko, he was very abusive. So he abused me a lot physically.
“During na ito nang gumagawa kami ng content, nagwo-work na ako in this industry.
“So, nagpe-pray talaga ako every day na, ‘Gusto ko nang umalis dito! Gusto ko na…’
“Kasi, para akong na-stuck sa kanya, and wala akong makausap. Wala akong malapitan. Hindi alam ng family ko what’s going on with me.
“So, nagdasal na lang talaga ako. Sobra. Everyday of my life. Gabi-gabi iyon, umiiyak ako na, ‘I just wanna be away from this.’
“And then I was rescued. By my neighbors. During that whole situation.”
Na-trauma siya?
Tumango si Tina: “Oh, yes. Kaya… ahhh I live in a… nag-isolate ako… nag-isolate ako sa everyone.
“I wanted a fresh start with myself to heal from that. To become stronger.”
Hindi totoo sa kanya iyong kasabihan na, “Once you go black, you never go back”?
Natawa si Tina, “No, no, no, no! I went back! Hi! Hi! Hi! Hi! I went back! I’m so sorry. Hi! Hi! Hi! Hi!
“And right now, andaming nagre-request sa akin ng BBC content… but I said, ‘No, I’m sorry, medyo nasa healing stage pa rin ako.’
“Na kapag nakakakita ako ng black guy, medyo may PTSD pa rin ako about it.”
Read: Resigned Miss Universe 2025 judge: "Miss Mexico is a Fake winner"
