PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elijah Canlas, aminadong "hindi okay" sa mga naririnig na balita

Tungkol sa mga kabataang hindi nakayanan ang depression at nagpatiwakal.
by PEP Troika
Published Nov 23, 2025
Elijah Canlas
"Hindi ako okay dahil sa maliban sa mga naaalala ko yung mga nangyari kung paano nawala yung kapatid ko, at yung pagsisi na kasama dun, di ba? Sana, mas natulungan ko. Sana, mas naligtas pa," pagbabahagi ni Elijah Canlas tungkol sa kanyang nararamdaman kapag nakakabalita ng mga kabataang winawakasan ang sariling buhay dahil sa depression.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Dalawang pelikulang lokal ang magso-showing sa November 26, 2025, Miyerkules at parehong isa sa bida rito si Elijah Canlas.

Andiyan ang Salvageland ng Rein Entertainment at Viva Films na dinirek ni Lino Cayetano, at ang KMJS’ s Gabi ng Lagim ng GMA Public Affairs.

Napangiti na lang si Elijah nang sinabi naming parang may pa-filmfest siya sa Miyerkules.

“Nagkataon lang po na lalabas siya on the same day. Hindi naman yata sinadya ng mga producers and I’m not involved with it,” sabi ni Elijah.

“But I’m very grateful and it’s a dream of mine to have a film to be in a starring role sa dalawang pelikula na ilalabas nationwide.

“I mean, sanay ako in starring role sa art films, indie films na hindi nadi-distribute nationwide, pero this time around, first time ko nga actually na maging isa sa mga bida.

“'Tapos dalawa pa ang ilalabas at idi-distribute nationwide. So, isang karangalan po para sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited si Elijah sa Salvageland, dahil parang nakaka-relate siya sa karakter na ginagampanan niya — si Jules, isang pulis na pinanindigan at ipinaglaban ang prinsipyo.

“Si Jules, isa siguro ito sa karakter na pinakamalapit sa tunay na ako. Wow! Sino ba ako!” natatawang bulalas ni Elijah.

“Genuinely, yung mga prinsipyo… he’s one of the purest characters I’ve ever portrayed.

“Napakabuti ng puso at ng intensyon. Ahhh, siguro yung kaibahan lang namin yung pagiging stubborn, and yung recklessness din and yung padalus-dalos na desisyon.

“Pero dahil sa malapit sa akin, mas malaki yung pressure. Siguro, kasi nga I’m representing a character with the ideas that I really believed in and a perspective na gusto kong i-champion.

“And sana ma-inspire… siguro kabataan o kung sino man, sa mga aksyon at paniniwala ni Jules.”

Dagdag-excitement pa sa kanya na si Cong. Richard Gomez ang gumaganap na tatay niya rito. Isa ring pulis si Cong. Goma rito na magre-retire na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Elijah Canlas, Richard Gomez
Elijah Canlas kasama ang gumaganap na ama niya sa "Salvageland" na si Cong. Richard Gomez.
Photo/s: Jerry Olea

Siyanga pala, sa Miyerkules din ay streaming na sa Netflix Philippines ang pelikulang Sunshine kung saan gumanap si Elijah bilang estudyanteng nakabuntis sa karakter ng bidang si Maris Racal.

Gumanap bilang tatay ni Elijah sa Sunshine si Piolo Pascual.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Pagkatapos ng screening ng Salvageland sa Fishermall Quezon City, noong Biyernes, November 21, isa sa napag-usapan namin ni Eijah ay ang malulungkot na balita sa mga kabataang madaling wakasan ang buhay kapag hindi na nila nakayanan ang depression.

Naka-relate si Elijah dahil sa nangyari sa kanyang bunsong kapatid na si JM noong Agosto 2023.

Read: Elijah Canlas, ginunita ang death anniversary ng kapatid na si JM

Nagkaroon ng adhikain ang kanilang pamilya na tinawag nilang “Kulit” organization na tumutulong sa paggabay sa mga kabataang may pinagdaraanan, at para mapigilan sakaling maisip nilang magpatiwakal.

“Actually, bumabalik ang memories kapag may mga news na lumalabas na medyo triggering siya,” pagtatapat ni Elijah.

“Lalo na para sa mga magulang ko, at kahit para sa akin. Pero siyempre busy, walang oras masyado para magmukmok, pag-isipan, ganyan.”

Kahit busy ang schedule ni Elijah, nagbibigay siya ng panahon para sa “Kulit” The JM Canlas Organization na hango sa palayaw ng namayapa niyang kapatid na tinatawag nilang si Kulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero patuloy pa rin po kami sa organization namin, sa Kulit organization,” sabi ni Elijah.

“Yung non-profit organization namin para po makatulong sa mga namumroblema sa mental health lalo na sa mga adolescents, sa youth para magbigay din ng mga seminar sa mga magulang or guardians na dumadaan din sa kanilang mental health struggles. Para mawala yung stigma.

“Kasi, the more we talk about it, di ba? Itong mga news na ito, it’s terrible, di ba?

“Parang sana, huwag na po nating hayaang mawala pa ang kabataan sa ganitong paraan.

“Kasi magkakasama naman tayo sa mundo and kaya naman natin to be there for each other, and to be kind for each other, and alamin kung ano yung pinagdadaanan ng isa’t isa.

“Kung hindi man, alam mo yun… of course, I suggest seeking professional help.

“But other than that, it is a real problem that we have to talk about, we have to face, and sana hindi na siya dumami pa. Parang magkasunod masyado yung nangyari, no?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kaya iba raw talaga ang nararamdaman ni Elijah kapag nakakarinig siya ng mga ganitong balita.

“Mas naging urgent lang po for me,” pakli ng premyadong aktor. “Kasi, alam ko how it feels. It’s the worst thing that ever happened to me and I’m sure to my family as well at sa lahat na nagmamahal sa kapatid ko na si JM.

“And, alam mo yun, may nagtatanong nga din po sa akin kumusta, kumusta dahil nga sa mga news na lumalabas.

“Siyempre, hindi ako okay. Hindi ako okay dahil sa maliban sa mga naaalala ko yung mga nangyari kung paano nawala yung kapatid ko, at yung pagsisi na kasama dun, di ba?

Read: Elijah Canlas Honors Late Brother JM

“Sana, mas natulungan ko. Sana, mas naligtas pa,” saad ni Elijah.

Hangad niyang huwag ito mangyari sa iba pang pamilya dahil alam niya kung gaano kabigat dalhin ang ganitong klaseng pakiramdam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I don’t want anyone to go through what I went through. I don’t want any other family, any other father, mother, brother, sister na pagdaanan nyo ang pinagdaanan ng pamilya namin.

“And eto, like moment like this, eto yung tinatanong nyo sa akin, nakakapag-express ako. Nakakapag-open up ako honestly and be transparent.

“Maganda siya, kasi pag the more na napapag-usapan pa natin, the more na mas nagiging aware yung mga tao, the more na siguro maudyok yung mga tao na tulungan ang isa’t isa,” seryosong pahayag ni Elijah.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ako okay dahil sa maliban sa mga naaalala ko yung mga nangyari kung paano nawala yung kapatid ko, at yung pagsisi na kasama dun, di ba? Sana, mas natulungan ko. Sana, mas naligtas pa," pagbabahagi ni Elijah Canlas tungkol sa kanyang nararamdaman kapag nakakabalita ng mga kabataang winawakasan ang sariling buhay dahil sa depression.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results