PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, bakit ayaw personal na makilala ang kanyang scholars?

Vice Ganda, sinubukang hanapin ang Japanese na nagpaaral noon sa kanya.
by PEP Troika
Published Nov 21, 2025
vice ganda scholars
Vice Ganda on his scholars: "Hindi ko na kinakailangang ma-meet yung bata. Hindi ko kinakailangang pasalamatan niya ako nang personal. I just need to send out help, and that’s it. Kailangang i-send ko lang yun sa mundo at hindi ko na kinakailangang babalik siya o kung paano siya babalik.”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

GORGY RULA

Noong Lunes, November 17, 2025, lang naging opisyal na brand ambassadors o new faces ng Belle Dolls ng Beautederm ang mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa media launch na ginanap sa grand ballroom ng Solaire North, Quezon City, ibinigay ni Vice Ganda ang moment na yun kay Ion Perez, na mahiyain daw sa ganung pagtitipon.

Pero naging kampante raw si Ion dahil kay Vice at pareho pa silang Kapampangan ng CEO ng kumpanya na si Ms. Rei Anicoche-Tan.

Read: Fatima Bosch of Mexico crowned Miss Universe 2025: PH bet Ahtisa Manalo is 3rd runner-up

vice ion rhea tan
Couple Vice Ganda and Ion Perez with Rei Tan.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE GANDA'S SCHOLARSHIP PROGRAMS

Matagal na kasing magkakakilala sina Ms. Rei at Vice dahil sa partisipasyon ng businesswoman sa scholarship program ng Unkabogable Star.

Nagsimula si Ms. Rei sa tatlong scholars ni Vice na tinutulungan niya, at matagal na raw silang nagpa-partner sa iba pang pinapaaral nila. Kaya naging magkaibigan sila dahil sa collaboration nila sa pagtulong sa scholars.

“Hindi ito pera-pera lang,” bulalas ni Vice.

“Dahil kahit walang TF, nagtutulungan na po kaming dalawa.

“Nakakatuwa na bonus na in-officialize namin ang partnership namin.

“Wala kaming kontrata, wala kaming anything, pero nagpapa-picture ako sa harapan ng logo ng Beautederm, nagpo-post ako sa kanya.

“Lahat ng mga… maraming activations ko ang sinusuportahan niya, kahit hindi kinakailangang pagsigawan yung pangalan at pangalan ng Beautederm.

Mensahe pa ni Vice kay Ms. Rei: “Just so grateful, ang daming bata at ang laking bagay sa edukasyon ng Piliipinas yung ginagawa mong pagtulong. At salamat dahil ginagawa mo akong instrumento dito, and yun lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Mr. Rei, “Actually, ang scholars namin ni Achi, pa-third year, pa-graduate na sa wakas.

“Talagang pinag-pray namin to, tapos nagme-message kami. ‘Ano na Chi,’ kasi Achi din ang tawag niya sa akin.

"Ganun kami nang ganun. Kasi busy din siya, nagkataon dami shows abroad.

“Tapos sabi ko, ‘Bakit paurong ang paurong na eksakto birth month ko pa.’

“Pag si Lord talaga gumawa ng way, the Lord is always on time. Dapat naniniwala tayo sa timing na yun.”

Read: Atty. Sandy Coronel passes away at 56

JERRY OLEA

Hindi raw kilala ni Vice Ganda ang lahat ng mga estudyanteng pinapaaral niya.

Ang ilan ay nakilala niya dahil may mga pumupunta minsan sa It’s Showtime para personal magpasalamat sa kanya.

Pero ayon kay Vice, hindi naman kailangang makilala niya lahat ng scholars niya. Ang mahalaga raw ay makapagtapos sila ng pag-aaral.

Saad niya: “Minsan may darating sa Showtime after, pag commercial o kaya after live.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos kakausapin ako, tapos magti-thank you, magpapakita ng certificate or ng diploma. 'Ahh, okay.'

"Kasi hindi ko sila personally nami-meet. Ayoko din, kasi ayokong ma-attach.

"Tapos ayokong sumama yung loob pag yung hindi nabayaran yung tulong. Kasi, may mga ganun din, e.

“Meron din kaming tinulungan na tinulungan mo na nga, hindi pinahalagahan, yung ibinagsak pa yung pag-aaral.

“Binigyan mo ng baon. Binigyan mo na ng pang-tuition, lahat ng kailangan, pero hindi pa... So, nakakasama ng loob. So, yun!

“Nakakataba ng puso na somehow, mare-realize mo na may nagagawa din akong tama.”

Read: Ellen Adarna's ex-boyfriends and the one she married

NOEL FERRER

Tipong paggi-give back ito ni Vice Ganda dahil naging scholar din siya noon ng isang Japanese woman na nagtustos sa kanyang pagpapaaral mula nung Grade 3 siya hanggang college.

Binanggit niya ang pangalan ng nagpaaral sa kanya, si Norigo Tokura. Kabisado pa raw niya ang address nito sa Japan dahil linggu-linggo ay nagpapadala siya ng sulat dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Vice Ganda na siya, sinubukan daw niyang hanapin si Norigo sa Kyoto, Japan.

Lahad ni Vice: “And then, when I had the capacity to look for her, we checked the address, hindi na siya residential.

“So, wala na sila dun. Hindi ko na sila mahanap.

“I was trying to know her, and to meet her, and to go to her. Pero hindi ko na siya mahanap. Kasi hinahanapan nila ako ng kanji.

“Kasi sa Japan, maraming magkakapareho ng pangalan. So, kailangan ng kanji — yung sulat. Kasi sa sulat daw nila malalaman kung sino yung Norigo Tokura.

“E, siyempre nung bata ako, nakatira ako sa squatters' area, laging sinusunog yung lugar namin.

“So, wala akong na-keep na letter niya. So, hindi ko ma-prove kung sino yung Norigo Tokura na Norigo Tokura na nag-sponsor sa akin sa school.

“Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa siya nami-meet. So, ganun yung na-experience ko sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sa mga estudyanteng pinapaaral niya ngayon, okay na raw sa kanya kung hindi niya makilala silang lahat.

“So ngayon, parang ako din, feeling ko, hindi ko na kinakailangang ma-meet yung bata. Hindi ko kinakailangang pasalamatan niya ako nang personal.

“I just need to send out help, and that’s it.

“Kailangang i-send ko lang yun sa mundo at hindi ko na kinakailangang babalik siya o kung paano siya babalik.”

Read: Ivan Cezar Ronquillo's cause of death revealed by QCPD

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on his scholars: "Hindi ko na kinakailangang ma-meet yung bata. Hindi ko kinakailangang pasalamatan niya ako nang personal. I just need to send out help, and that’s it. Kailangang i-send ko lang yun sa mundo at hindi ko na kinakailangang babalik siya o kung paano siya babalik.”
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results