PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Box-office Update: Meet, Greet & Bye; Wicked: For Good

Meet, Greet & Bye, inaasahang lagpas sa PHP200M ang kikitain sa takilya.
by PEP Troika
Published Nov 20, 2025
meet greet & bye wicked for good box office
Meet, Greet & Bye—starring Maricel Soriano, Piolo Pascual, Juan Karlos, Belle Mariano, and Joshua Garcia—is expected to surpass PHP200 million in worldwide earnings. (Right) Wicked: For Good, featuring Ariana Grande and Cynthia Erivo, posted strong box-office numbers in its first two days in Philippine cinemas.

JERRY OLEA

Ipinagmalaki ng TBA Studios na three consecutive weeks na No. 1 sa takilya ng bansa ang historical film na Quezon na bida si Jericho Rosales, sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

Oktubre 15, 2025, Miyerkules, nag-open sa local cinemas ang Quezon, kasabay ang Black Phone 2, Good Fortune, Kiss of the Spider Woman, at The Marianas Web.

Read: Ellen Adarna's ex-boyfriends and the one she married

quezon poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sandamukal na pelikula ang ipinalabas noong Oktubre 22, kabilang ang Walong Libong Piso ni Paolo Gumabao sa direksiyon ni Dante Balboa, at ang smorgasbord na Everyone Knows Every Juan ni Alessandra de Rossi.

Nag-showing din noon ang Dracula: A True Tale, Xeno, Regretting You, Roofman; ang mga exclusive sa SM Cinema na Mitski: The Land at Pretty Crazy; at ang mga reissue na The Goonies, IT, IT Ends, at Paranorman.

CINESILIP FILM FESTIVAL

Oktubre 22-28 ang inaugural CineSilip filmfest sa apat na sinehan ng Ayala Malls.

Pitong R-18 movies ang kalahok dito — Salikmata, Ang Lihim ni Maria Makinang, Maria Azama: Best P*rn Actress, Halik sa Hangin, Babae sa Butas, Pagdaong, at Dreamboi.

Topgrosser ang controversial na Dreamboi nina EJ Jallorina, Tony Labrusca, Migs Almendras, Sassa Gurl, at Jenn Rosa, sa direksyon ni Rodina Singh.

Dalawang beses na-X ng MTRCB ang Dreamboi, na kapagkuwan ay humakot ng walong tropeyo sa awards night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Extended ang showing nito outside the filmfest.

May special screening ang Dreamboi sa Nobyembre 24, Lunes ng 6:30 P.M., sa Cine Adarna, UP Diliman, Quezon City. PHP200 ang tiket, at may talkback with Direk Rodina at cast members Tony, EJ, Miggs, and Jenn.

dreamboi cinesilip

OCTOBER 29 PLAYDATE

Sandamakmak din ang pelikulang nag-open noong Oktubre 29, pinakamarami yata for 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Andiyan ang No Other Choice, Shelby Oaks, Depeche Mode M, G-Dragon Ubermensch, at Halloween Ends. Ni-reissue ang Sinners.

Ang Ayala Malls ay nagpa-marathon ng walong Harry Potter movies, at may pa-A-Rewind ng T2 at Wag Kang Lilingon in partnership with ABS-CBN Sagip-Pelikula.

Ang Robinsons Movieworld ay may apat na pelikula sa Horrorkada Filmfest — The Conjuring, The Conjuring 2, Annabelle Comes Home, at The Conjuring: The Devil Made Me Do It.

Ang SM Cinema ay merong Sine Sindak: Ika-6 na Kabanata, tampok ang anim na pelikula.

PHP150 bawa’t tiket, PHP300 ang all-day pass.

Handog sa 6th edition ng Sine Sindak ang Near Death, Hidden in the Dark, No Tears in Hell, 1978, The Fetus, at Push.

Read: Indie actor Ken Laxa, "inunahan" ang groom sa bride sa bridal shower

LAKAMBINI

Nobyembre 5 nag-open ang Lakambini nina Lovi Poe, Elora Españo, at Gina Pareño.

Naghimutok ang Team Lakambini online dahil nabawasan agad sila ng mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipagsagupaan ang Lakambini sa Predator: Badlands, Die My Love, Bugonia, Worldbreaker: The Demonic Invasion, Peppa Meets The Baby, at The Grieving.

lakambini poster

MEET, GREET & BYE

Nobyembre 12 nagpasiklab ang Meet, Greet & Bye ni Joshua Garcia, co-starring sina Piolo Pascual, Maricel Soriano, Belle Mariano, at Juan Karlos, sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinabog nito ang mga kasabayang The Running Man, Now You See Me: Now You Don’t, Hope on the Stage The Movie, Springsteen: Deliver Me From Nowhere, at Jujutsu Kaizen: Zero — Survival.

Meron ding 13th QCinema filmfest mula Nobyembre 14 hanggang 23, kung saan mostly banyagang full-length films ang kalahok.

Kasali sa QCinema ang Cinemalaya 2025 film na Open Endings, na pangalawa sa Child No. 82: Anak ni Boy Kana bilang pinakamalakas sa takilya ng 21st Cinemalaya filmfest.

Ayon sa source ng PEP Troika, more than PHP108M na ang Meet, Greet & Bye sa takilya ng bansa matapos ang isang linggo. Rumaratsada rin ito internationally.

Malamang sa alamang na lumampas sa PHP200M ang global gross ng Meet, Greet & Bye.

Pahayag ng source ng PEP Troika: “Baka maraming pera na sa bonus ang mga tao kaya ang lakas ng Meet, Greet & Bye noong weekend. Naka-PHP24M noong Sabado, at PHP29M noong Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong Lunes, naka-PHP12M, mas mataas sa opening day na PHP10.5M. Mukhang walang paki ang moviegoers sa mga pasabog ni Senadora Imee Marcos.”

Read: Son Ye Jin, Hyun Bin clinch top acting honors at the 46th Blue Dragon Awards

meet greet & bye

WICKED: FOR GOOD

Kahapon, Nobyembre 19, Miyerkules, nag-open sa local cinemas ang Wicked: For Good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang projected na hahamigin nito sa first day sa bansa ay PHP20M.

Ayon sa dalawang sources ng PEP Troika ay naka-PHP30.25M kahapon sa Pilipinas ang bagong musical fantasy film nina Cynthia Erivo, Ariana Grande, at Jonathan Bailey.

Very good ang pagganap dito ni Ariana bilang Glinda the Good.

Naalala ko tuloy si Antonio Salieri na ginampanan ni F. Murray Abraham sa 1984 period drama film na Amadeus kung saan title role si Tom Hulce bilang Wolfgang Amadeus Mozart.

Kasabay ng Wicked: For Good ang opening ng Finding Santos at Wildcat, at nasa A-Rewind ng Ayala Malls ang Karnal at Sa Aking Mga Kamay.

wicked for good
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEXT ATTRACTION

Sa Nobyembre 26, Miyerkules ay dalawang pelikula ni Elijah Canlas ang magsasalpukan sa takilya, Salvageland at KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie.

Nasa December 3 playdate ang masayang gay comedy film na Jackstone 5, at ang pelikula nina Angeline Quinto at Eugene Domingo na Ang Happy Homes ni Diane Hilario.

Nasa December 10 playdate naman ang musical film ni Gladys Reyes na The Heart of Music.

At sa Disyembre 17, tingnan natin kung gaano kainit sa takilya ang Avatar: Fire and Ash.

Read: Ellen Adarna disputes Derek Ramsay’s "I never cursed my wife" claim

NOEL FERRER

With the box-office earnings ng Wicked: For Good, pinapatunayan nitong kung gusto talaga ng Pilipino ang pelikula, papanoorin nila ito at pagkakagastusan, kahit magkano pa ang presyo ng ticket.

Hindi ba’t ganyan din sa mga concerts lalo pa ng mga Korean fan meets at yung mga talagang gusto ng tao na may pera?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

That means, kung ang pagbabasehan ay presyo ng ticket, hindi na masa ang benchmark ng nagpupunta at gumagastos para sa tickets sa pelikula at concerts.

Yun nang Upper C at AB crowd ang makaka-afford nito at may lakas ng loob na gumastos.

Kaya naman kung napansin ninyo, ang pelikulang tulad ng kina Piolo, Joshua, at Marya, English na ang title at may realidad ng OFW at Korean meet-and-greet.

Mas open na rin ang viewers sa bagong paraan ng paglalahad ng istorya.

Dahil na rin sa exposure sa streaming, hindi na nila pipilahan ang mga makalumang treatment sa pelikula.

At sa huli, ang may driving force ay ang mga batang audience kung napapansin ninyo.

Good luck talaga sa mga magbubukas na sine sa mga susunod na linggo bago mag-Pasko.

Naibigay na yata ang mga Christmas bonus at 13th month pay, sana ay gamitin pa rin sa panonood ng sine bukod pa sa nakasanayang shopping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sana, marami pang matira para sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon!!! Harinawa!

GORGY RULA

Maganda ang kinalabasan ng Meet, Greet & Bye.

Wala pang katiyakan kung maganda rin ba ang resulta ng mga susunod na local films na magso-showing.

HELP THE LOCAL FILM INDUSTRY

Noong nakatsikahan namin sa press preview ng pelikulang Ang Happy Homes ni Diane Hilario ang direktor nito na si Marlon Rivera, pakiusap niya na sana’y tumulong tayo kung paano palakasin ang mga pelikulang atin.

happy homes ni diane hilario poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Direk Marlon: “Mahirap talaga ang cinema viewing… it’s not because of streaming but culturally and economically, mahal manood ng sine.

“Ayoko nang sabihing pinaghirapan namin ito. Pero kailangan paghirapan ang lahat, di ba?

“Hindi ko alam kung kailangan ng tulong sa inyong lahat na para manood sila. Ang daming magagandang pelikulang hindi nakakabawi.

“For the past five years, alam natin ito, yung ilan o yung tatlo na kumita, di ba? Kaya kahit anong engganyong gawin natin, wala talagang…

“Kahit sabihin kong naghubad si Angeline dito—alam mo yung ganun—o ano, na nakakatawa si Uge, nothing seems to work on a marketing level.

“So, the only thing we’ve seen right now is we have to engage people on a conversational level.

“Kasi, madali ka ma-cancel, di ba? Paglabas pa lang ni Goldwin, bukas wala na yan, di ba? O pag may manonood na lang, kinansel na, di ba? So, kailangang magtulungan lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko sinasabing kailangang pilitin natin ang mga taong manood ng pangit na pelikula. Pero huwag tayong humarang sana, alam mo yung ganun?

“Kasi yun ang naging… I mean… I can show a number on who earn, what and how much, at magkanong ikinalugi ng mga tao.

“This is really a problem of Philippine cinema and the whole industry.”

Nasa pag-uusap na lang daw ang puwede nating maitulong para panoorin ang isang pelikula.

Magdala ka ng isa, o dalawa o tatlo para panoorin ang isang pelikula ay malaking tulong na raw yun sa ating industriya.

Dagdag ni Direk Marlon: “Ano ang sasabihin ko sa inyo, ‘Manood kayo.’ Ganun lang yun, di ba?

“But we cannot stop there. We have to engage in a conversation.

"Kasi pag kayo mismo ang press, pag sinara niyo na, tapos na, di ba? Kayo din naman ang magsasara ng promotions, di ba?

“Of course, we’re all complicit in this, right? The promotions, the marketing team, di ba? How much we gain out of it, clout, money, whatever it is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag sinara niyo yan at sinabing, ‘Ay, huwag niyong panoorin yan,’ walang magaganap, di ba?

“So I can only ask you to invite… baka may tatlo kayong manood, baka maka-28 tayo, may dalawa pa, di ba? You get it?”

Read: Gina Lima at Ivan Ronquillo, ipinagluluksa ng kanilang mga kaibigan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet, Greet & Bye—starring Maricel Soriano, Piolo Pascual, Juan Karlos, Belle Mariano, and Joshua Garcia—is expected to surpass PHP200 million in worldwide earnings. (Right) Wicked: For Good, featuring Ariana Grande and Cynthia Erivo, posted strong box-office numbers in its first two days in Philippine cinemas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results