JERRY OLEA
Sponsor-studded ang pre-wedding bash nina Kiray Celis at Stephan Estopia noong Nobyembre 13, 2025, Huwebes, sa Caffe Allor Ristorante, Sct. Reyes St., Brgy. Paligsahan, Quezon City.
Pinost ni Kiray sa Instagram ang ilang litrato sa kanilang pauga at ang kanyang hanash: “What if pagsabayin ang BRIDAL SHOWER at STAG PARTY sa mga babae at lalaki? EH DI RAMBOL! Isa sa pinaka masayang gabi ng buhay namin! Bago ikasal! Salamat sa pamilya at kaibigan namin na pumunta!”
Sa isang litrato ay kasama ng engaged couple sina Ayrah at Wynn ng Stag Party Girls, at ang indie actor na si Kenzuki “Ken” Laxa na isa sa Bridal Shower Boys PH.
Read: Kiray Celis, naloka sa lumolobong budget para sa kanyang kasal

KEN LAXA'S "PAKITA" IN INDIE MOVIES
“It’s a blast po!” sabi ni Ken nang makatsikahan ng PEP Troika nitong Nobyembre 19, Miyerkules ng hapon.
“Napakabait po nina Tepan at Kiray, sobrang magaling makisama. Down-to-earth at game sa lahat. Kalog sila.”
Humigit-kumulang sampung indie movies ang ginawa ni Ken, kabilang ang Haplos, Wanted: Houseboy, Sagad, Gigolo, at Tuhog.

“Nag-umpisa po ako sa mga bikini contest. Tapos, noong 2013, gumawa na po ako ng indie movies kay Direk G. A. Villafuerte,” sabi ni Ken.
“Halos lahat po ng indie movie ko, may pakita. Pag naliligo po, saka sa bed scene.”
Pinaka-unforgettable kay Ken ang bathtub scene kung saan babae ang kaeksena niya.
Pagtatapat ni Ken: “Pareho po kaming walang plaster. Doon po sa sexy scene namin, muntik nang pumasok. Kasi, basa, e.
“Nakapatong po siya sa akin. So siyempre, na-arouse po ako.”
Anong sabi ng indie actress na kaeksena niya?
“Gusto niyang ituloy namin sa labas. Ha! Ha! Ha! Ha! Pero hindi po natuloy, kasi po, nandoon yung nanay niya,” tugon ni Ken.
Sa mga indie movie na ginawa niya ay wala raw totohanang penetration on camera dahil professional siya.
Sa tingin din ni Ken ay maraming aktor sa indie ang silahis o kloseta. Natatawa na lang daw siya kapag kasama ang mga ito sa mga mapangahas na eksena.
Aniya pa, madalas ay parang gustong totohanin ng mga klosetang aktor ang maselang eksena.
“Ramdam mo sa katawan ang init, e!”
Read: Who is Ivan Cezar Ronquillo?
BRIDAL SHOWER STINT
Kumusta ang raket sa bridal shower? OK ba?
Pahayag ni Ken: “Sobrang OK. Iyon ang bumubuhay sa amin. Noong kasagsagan ng pandemic, nag-online kami sa bridal shower. Virtual.
“Noong wala nang quarantine, sobrang lakas ang bridal shower namin.”
Mga babae lang ba ang nasa briday shower, o may mga bading din?
“May mga bading din. Mas gusto nga namin na may mga bading. Mas malakas silang magbigay ng tip,” saad ni Ken.
“Saka mas buhay yung crowd. Pag mga babae lang, nagkakahiyaan pa kasi minsan. Pag may gay, sigurado, buhay yun! Ginaganahan kaming sumayaw.”
Marami-rami na raw female celebrities na kinuha ang grupo nila para mag-bridal shower.
“Maganda yung treatment nila sa amin. Naiintindihan nila iyung trabaho namin,” saad ni Ken.
“Naa-appreciate nila kami.”
Nakaranas ba siya ng pambabastos sa larangan ng bikini contest, indie movies o bridal shower?
“Sa bikini at indie, wala. Pero sa pagsasayaw, marami. Like yung bigla ka na lang hahawakan,” salaysay ni Ken.
“Kung babae, OK lang, e. Ha! Ha! Ha! Pag gay minsan, sobrang agresibo, e. Yung hihilahin ang underwear mo, ganun.
“OK lang naman na hawakan pero puwedeng magpaalam, oo. Magpaalam lang.”
Read: Gina Lima at Ivan Ronquillo, ipinagluluksa ng kanilang mga kaibigan
PINTADOS BIKINI CONTEST
Isa si Ken sa mga kalahok sa 2nd edition ng Pintados bikini contest, na nag-preliminary elimination noong Nobyembre 14, Biyernes, sa Bar Zero, Greenfield, Mandaluyong City.
Ang finals ng Pintados 2025 ay sa Nobyembre 28, Biyernes, doon din sa Bar Zero.

Kalahok din sa Pintados 2025 ang mga kasamahan ni Ken sa Bridal Shower Boys PH na sina Anton Imperial, Henry Cruz, Sab Datu, at Jayson Suicon.

Finalists din diyan sina Mark Cortez, Xian Pascual, Sebastian Dacles, John Zafe, MJ Labs, Alfred Natividad, Gio Maniego, Mart Saba, Jake Feliciano, at Giro del Rosario.
Punong-abala sa paligsahan si June Laxa.
Ang nagwagi last year ay si Denver Argana, na second runner-up sa Mr. Fitness Supermodel World 2025.
Read: Salome Salvi, inaming nagkaroon ng suicidal thoughts dahil sa bashing
NOEL FERRER
Indie actor din si Anton Imperial, na nag-frontal nudity sa launching film ni Sean de Guzman na Anak ng Macho Dancer.
Naging body double siya ng ilang aktor sa eksenang walang saplot.

Pahayag ni Anton sa photo shoot ng Pintados 2025 kamakailan sa SMDC Light Residences Tower, Mandaluyong City: “Kami talaga ang pioneer ng Bridal Shower Boys Philippines. Marami kami dati, dose kami dati.
“Lima na lang kaming naiwan. Ako, si Ken, si Sab, si Jayson at si Henry. Iyung iba kasi, may pamilya na, may negosyo na.
“Pinagbabawalan na siguro sila ng misis nila kaya kumalas sila sa grupo.
“Sa ngayon, bihira na lang akong mag-bridal gawa ng may regular work ako. Nasa Harapan: Face to Face ako ng TV5.
“Kami ni Mark Cortez yung yummy bouncers doon ni Ate Korina [Sanchez]. Naka-one year na kami doon.”
GORGY RULA
Bikini kontesero si Sab Datu bago sumali sa Bridal Shower Boys Philippines five years ago.
May acting projects din siya sa streaming platform na HeyPogi. Hanggang butt exposure lang daw siya at walang frontal nudity.
Nag-sexy interview siya kay Mr. Fu.

Pinagkakaabalahan niya ang pag-aalaga ng mga anak.
Isinisingit na lang niya ang raket sa bridal shower at bikini contest na gaya ng Pintados 2025 kung saan ang finalists ay pawang may tattoo.
Kuwento ni Sab sa PEP Troika: “Memorable sa akin ang pagba-bridal shower dahil marami akong nakilala. Iba-ibang tao.
“Daring yung suot namin sa bridal, at nagre-rehearse kami ng production numbers. May mga video kami pam-promote.
“Iyung interview ni Mr. Fu, nakatulong sa akin. Nadagdagan ang followers ko. Saka may mga inquiry sa bridal dahil doon.”
Masaya raw yung tropa nila nina Ken Laxa, Anton Imperial, Jayson Suicon, at Henry Cruz bilang Bridal Shower Boys PH.
Read: Influencer spends PHP33M on hyaluronic acid shots for 8-pack abs
