Trigger Warning: Suicide, mental health
JERRY OLEA
Nag-post sa Facebook ang Vivamax star na si Athena Red aka Fhat Gonzales ngayong Nobyembre 19, 2025, Miyerkules.
Ani Athena, “Enough with the fake news. Delete every post saying he 'beat up Gina.' It's not true, and it shouldn't be used for content.
“Please respect the people involved. My friend is no longer with u —please let her rest in peace.”

Kaugnay ito sa pumanaw na modelong si Gina Lima, at sa kasintahan nitong si Ivan Cezar Ronquillo na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti.
Pumanaw si Gina noong Linggo, Nobyembre 16.
At pagkalipas lamang ng tatlong araw, ngayong Nobyembre 19, si Ivan naman ang pumanaw.
Read: Police rule out foul play in Gina Lima's sudden death
IVAN CEZAR RONQUILLO'S DEATH
Ang digital creator na si Prince Umpad ay nag-post din sa Facebook ngayong Wednesday kaugnay sa pagkamatay ni Ivan.
Ani Umpad: “Rest in peace, brother.
“What happened to him became a topic online, and many things were said even though nothing was ever confirmed. Ang daming kwento, ang daming haka-haka, and sadly, people were quick to judge without knowing the full truth.
“No one deserves to carry the weight of rumors, especially someone who was already struggling silently.
“Mental health matters and men’s mental health matters too. Words can break a person. Unverified stories can ruin someone’s peace. False assumptions can destroy a life.
“Let this be a reminder to everyone to be kinder, to think before speaking, and to stop spreading things that are not proven. We never know what someone is going through behind the scenes.
“I pray that his name is cleared, that the truth comes out in time, and that he finally rests in peace.”
Facebook post naman ng VMX actor na si Victor “VR” Relosa ngayon ding Wednesday: “Marami kaming mutual friends ni Gina kaya nasubaybayan ko pano nag unfold lahat. Nakita ko kung pano umangat ang emosyon ng mga tao at nagturuan.
“Nakakalungkot ang mga tao sa Pilipinas. Hindi lang pala sa eleksyon madaling maniwala ang mga tao sa influencers, nasa kaibuturan yata ng pagkatao ang pagka uto uto.
“Naging dalawa ang dapat isang buhay lang na nawala.
“Soc med can kill.
“Pakikiramay sa kanilang mga pamilya.”
Read: Ivan Cezar Ronquillo, boyfriend of Gina Lima, found dead at his home
GORGY RULA
Nakababahala itong mga balitang nagagawa ng ilang mga kabataan ngayon na nagpapatiwakal na lang sila kapag hindi na nakayanan ang sobrang kalungkutan at hirap na pinagdaanan nila.
Nakakalungkot na ang mga kabataang ito ay wala nang ibang naisip kundi wakasan ang kanilang buhay kapag hindi na nila nakakaya.
Naka-text ko si Dr. Lilian Ng Gui na isang psychologist, counselor, at MTRCB board member.
Nalulungkot din daw siya sa ganitong pag-iisip ng mga kabataan.
Aniya: “Yes this is so terribly sad. Many of our youth today feel overwhelmed by pressures, loneliness, and the heavy weight of acceptance and expectations.
“Some sadly choose to end their lives because they cannot see beyond the pain of the present moment.
“But let us remind them — and ourselves — that life is precious gift. Every sunrise is proof that God is giving us another chance, another opportunity to grow, to heal, and to discover our purpose.
“The struggles of today are not the end of the story; they are chapters that shape strength, compassion, and resilience.”
Dagdag niyang mensahe sa mga kabataan: “You are valuable. You are loved. You are needed. The world cannot afford to lose your light.
“Let us be the voice that tells them: ‘Hold on. Better days are coming. Your life has meaning beyond what you see now.’”
Malaki talaga ang epekto ng social media sa mga pinagdadaanan natin, lalo na ang mga kabataan.
Malaking bagay ang presensya ng magulang para gumabay at sumuporta sa kung anuman ang mga pinagdadaanan nila.
NOEL FERRER
Mahirap makisawsaw sa mga usapin kung hindi mo nasaksihan ang buong pangyayari.
Matatandaang kinuyog ng netizens si Mark Christian Ravana at ang mga pulis na umaresto kay Awra Briguela noong Hunyo 29, 2023 sa Brgy. Poblacion, Makati City.
Ito ay matapos i-post online ng content creator at kaibigan ni Awra na si Zayla Nakajima ang bersyon niya sa nangyari bago arestuhin si Awra.
Meron pa noong panawagan na hashtag "Justice For Awra."
Kabilang sa mga kumampi kay Awra sina JC Alcantara, Alex Diaz, Jerald Napoles, Barbie Imperial, Riva Quenery, Zeinab Harake, Ayn Bernos, Mika Salamanca, at Sassa Gurl.
Nang lumabas ang CCTV footages ng mga ginawa ni Awra sa bar ay nasupalpal ang mga kumampi rito.
Kinasuhan kapagkuwan ni Mark Christian si Awra sa Office of the City Prosecutor ng Makati City.
Nag-message ang PEP Troika sa abogado ni Mark na si Atty. Nick Nangit ngayong Nobyembre 19, 2025, Miyerkules, para humingi ng update sa kaso ni Mark kay Awra.
Sabi ni Atty. Nick, wala pa siyang maibibigay na update. Sub judice kung magkokomento siya.
Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline
Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.
Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.
