JERRY OLEA
Inilunsad ng Beautederm sina Vice Ganda at Ion Perez bilang endorsers ng Belle Dolls noong Nobyembre 17, 2025 sa grand ballroom ng Solaire North, EDSA, Quezon City.
Ito ang first ever na sabay ini-launch ang mag-partner na Vice at Ion bilang ambassador ng isang brand.
Pahayag ng Unkabogable Superstar: “Sobrang laking bagay ito sa amin ni Ion at sa komunidad ko, na makitang may brand, malaking brand na katulad ng Beautederm…
“Na may nagtitiwala at nakakakita sa aming dalawa. Not just as individuals but as partners.
“It’s just very progressive. It’s so now, di ba?
“Marami dito, hindi lang yung Team Vice, kami nina Darla [Saurer], nina Jhai Ho, yung mga press, di ba, na masaya para sa atin, sa komunidad natin na may nag-a-acknowledge din sa atin at this point, 2025.
“We are seen. We are being trusted. We are being validated. We are acknowledged, di ba?
“Not just by ourselves, pero lumalampas na sa community. That our presence, our existence, our love, our relationship is being acknowledged — and that’s one great win. It’s really phenomenal. Thank you very much.”
Nang sabihin ng hosts na sina Darla at DJ Jhai Ho na mag-uumpisa na ang Q&A, naibulalas ni Vice: “Pawis na pawis na yung asawa ko! Ha! Ha! Ha!
“Stressed na stressed na siya! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: Senator Imee Marcos also names several prominent personalities in her drug-use allegations
VICE AND ION ON SELF-CARE
Pampaganda at pangkalusugan ang Belle Dolls drinks na ineendorso nina Ion at Vice. Gaano ba kahalaga kay Ion ang self-care?
Sagot ni Ion: “Kasi unang-una, nasa probinsiya pa lang ako, parang active na ako, e. Yung lahat ng ginagawa ko ngayon, yun din ang ginagawa ko dati sa probinsiya.
“So, ang pagiging healthcare, isa iyan sa mga priority ko sa buhay. Parang kadugtong na siya ng buhay ko.
“Na active ako. Hindi lilipas yung araw na wala akong ginagawa. And then, sa trabaho namin, siyempre kailangan pangalagaan yung pangangatawan ko.
“Dapat maging laging malakas. Huwag magpabaya. Kaya ayun, pinapangalagaan ko ang aking pangangatawan.”
Ano ang impluwensiya ni Ion kay Vice pagdating sa pangangalaga sa kalusugan?
Tugon ni Vice: “Ang laki! Kasi nga, I have been unhealthy. My lifestyle is so unhealthy. I sleep so late.
“I used to eat unhealthy food. I used to really stress myself. I used to overwork myself.
“Sobrang unhealthy talaga siya. Pero noong dumating siya [Ion], nakikita niya kung ano ang ginagawa ko sa mundo ko, sa sarili ko, sa kalusugan ko.
“And he was so seriously concerned about it. So, kinakausap niya ako. Hindi niya lang ako basta kinakausap. Ginagawa niya tapos nakikita ko, tapos ako mismo, nahihiya.
“Ako yung nahihiya. Tapos, nakikita ko kung paano siya kumakain, kung ano yung kinakain niya.
“Nung simula, pinapanood ko lang siya pero I admired him since then. Pero hindi ko naman siya sinasabayan.
“Hanggang sa umabot na siya ng ano, ‘Kailangang itigil mo na yang ginagawa mo. Itigil mo na yang pagkain mo ng sobrang baboy, sobrang prito, sobrang mantika! Ang lakas-lakas mong magkanin!’
“Tapos, he brought me to the gym. Oo, noong mga panahong nagkukubli pa kami, noong hindi pa open ang relationship namin.
“Pag nasa ibang bansa kami, I used to go to the gym with him. Sabi niya, ‘Hindi mo kinakailangang mag-weightlift or ano. Maglakad ka lang sa treadmill.’
“Habang nagbububuhat siya, pipindutin niya yung treadmill, tapos maglalakad lang ako doon.
“Tapos, bumili siya ng treadmill noong pandemic. May treadmill kasi sa bahay. So, sabi niya, ‘Kailangan dalawa yung treadmill para sabay tayo.’
“Bumili siya ng treadmill para sabay kaming nagte-treadmill noong pandemic. Tapos, pinag-box din niya ako. Lahat.
“Tapos, ine-encourage niya ako sa mga physical activities. Tapos, hindi niya lang ako na-convince mag-bike.
“Trinay niya isang beses, nasa Clark kami. Pinagbisikleta niya ako doon. Wala pang 10 minutes, ayoko na!
“Sabi ko, ‘Mamamatay ako! Mamamatay ako! Mamamatay ako!’ So, buti na lang, may nagpahiram sa akin ng electric bike para nasabayan ko siya.
“At least, ‘Dito, sige masasabayan kita pero wala akong nararamdamang hirap.’
“Pero yung totoong bike, yung paakyat pa lang, one inch lang yata ang inangat ng lupang iyon, hindi ko na kaya, mamamatay ako talaga.
“Tapos, ayun nga, he has always been reminding me to take care of myself because it is a fact na we are not getting any younger, di ba?
“Every single day, tumatanda tayo nang tumatanda, yung panahon at yung edad natin.
“Pero may paraan para mapanatili nating malusog at maganda yung sarili natin.
“Sobra niyang vain, sobra niyang vain. Yes, probinsiyano siya, pero alam niya kung ano yung tamang pamamaraan para alagaan yung sarili niya.
“Malinis siya sa katawan. Malusog siya.
"So, kung yung partner mo, ganoon, nakikita mo at ang ganda-ganda ng epekto sa kanya — lalo pa sa edad namin, mas matanda sa kanya nang very light. Nang very light.
“So, ayoko namang maging evident yon na pag nakikita kaming dalawa, mukha akong tiyahin.
“At hindi naman lahat, nadadaan sa make-up. Ibang bagay din talaga yung malusog ang pangangatawan mo at malusog yung kalooban mo at masaya ang puso mo.
“Yun ang impluwensiyang ibinigay niya sa akin. Binigyan niya ng kapayapaan at kaligayahan ang puso ko.
“At iyon ang lalong nakapagpabata sa akin.”
Mangiyak-ngiyak si Ion habang nagsasalita ang kanyang asawa.
Katuwiran ni Vice: “Mahiyain kasi siya talaga. Kaya nao-overwhelm siya. Kaya ako naman, natutuwa ako dahil nae-experience niya ito.
“Pag nararamdaman niya yung love ng ibang tao sa kanya at support, it really overwhelms him.”
Read: Ellen Adarna reveals husband Derek Ramsay’s alleged infidelity

NOEL FERRER
Bilang celebrity, gaano kaimportante ang pag-aalaga sa sarili at magkaroon ng partner na nag-aalaga sa iyo?
Pahayag ni Vice Ganda: “Kasi nga, unang-una, bahagi yon ng aming trabaho. Kailangan talagang alagain namin ang sarili namin dahil maraming bahagi ng trabaho namin ang physical, yung kalusugan namin.
“As entertainers, kailangan pag nakita kami ng tao, kaaya-aya kami. Kasi, ano kami, e, celebrities, idols. Di ba?
“So, hindi kami kakapitan ng tao kung hindi maayos at matino ang mga hitsura namin, di ba?
“Personal nating obligasyon sa sarili natin na alagaan ang sarili natin, di ba? Pero bukod sa personal, professionally obligasyon din natin.
“At malaking bagay na nandidito siya. Kasi, may katuwang ako. At may mga bagay akong natututunan dahil sa kanya.
“Kasi when it comes to health, healthcare, parang mas marami siyang alam tungkol sa akin at isine-share niya sa akin.”
Sambot ni Ion Perez: “Sinabi niya nga kanina na hindi na siya pabata. So, kailangan ko rin siyang tulungan doon sa alam kong ikakabuti niya, ikakatagal naming magkasama.
“Kasi, bilang partner ko siya, siyempre mahal ko siya. Gusto ko siyang makasama nang matagal.
“So, kailangan kong i-less yung mga nakasanayan niyang maling pagkain, yung maling gawain.
“Kaya iyon ang nase-share ko sa kanya na, ‘Ganito dapat gawin natin.’”
Sambit ni Vice, “Your heart becomes happier and healthier when your heart feels that someone is taking care of you.”
Read: Gladys Reyes, may pahayag sa pagsali niya sa INC rally
GORGY RULA
Maliban sa world peace, ano ang kanilang Christmas wish?
Sagot ni Ion Perez: “Siguro, maging payapa itong bansang ito. Maging payapa, umayos. Kasi, hindi usapang pangkasalukuyan ito, e.
“Usapan ng magiging future ng mga bata, mga apo natin, mga anak natin.
“Kaya iyon ang wish ko na maging maayos itong bansang ito hindi para sa atin kundi para sa future na mga bata.”
Pag-ayon ni Vice Ganda: “Ako din, I share the same wish. Kung ano ang wish niya, ganoon din sa akin.
“Kasi, sigurado ako, may noche buena kami sa Pasko. Sigurado ako, may maibibigay kaming regalo sa isa’t isa sa Pasko.
“Pero ngayon, anbabaw na nun, e! Di ba? Nandito rin kami sa posisyong ito ng buhay namin na yung mga iniisip namin at minimithi namin, hindi na lang sa pansarili.
“Kung ano na yung mas malaking picture. Ano yung mga bagay na bigger than us, bigger than my name, bigger than our popularity, bigger than our wants in life.
“So, feeling ko, lahat tayo we share the same sentiment na isang malaking regalo sa ating lahat kung magkakaroon ng katinuan, katiwasayan, kapayapaan itong bansang ito bago pa man din mag-Pasko.”
Read: Rosa Rosal: From movie queen to devoted humanitarian
RHEA TAN'S BIRTHDAY WISH
Iyon din daw ang hiling ng CEO ng Beautederm na si Rhea Tan.
Ani Miss Rhea: “Kasi, gaya niyan, magbi-birthday na ako, iyon din ang wish ko. Kasi, gaya nila [Vice at Ion], siyempre nagbabayad po tayo ng tax, at negosyante.
“Sabi ko nga, parang hindi ako CEO. Ako mismo, nagpi-picture ng paninda ko, nag-iisip.
“Yung pagod na pagod ka, tapos ganito ang nangyayari sa Pilipinas. Nakakalungkot.
“Pero sabi ko nga, blessing din na naging president ako ng Rotary. Kasi, kahit dati meron akong foundation, nagdo-donate lang ako ng trak-trak na pagkain, bigas, pera.
“Pero iba pala pag ikaw mismo, nasuong sa baha. Nagpunta ako sa mga lugar na andami palang kawawa.
“Andami talagang kawawang Pilipino… so sana nga, ngayong birthday ko at ngayong Pasko ay magkaroon na ng solusyon ang problema din ng bansa natin.
“Kasi, we all want a merry Christmas!”
Sa Nobyembre 26 ang kaarawan ni Miss Rhea, samantalang sa Nobyembre 27 ang kaarawan ni Ion.
Sa pagtatapos ng open forum ay may cake para sa dalawang celebrator at kinantahan sila ng Happy Birthday.
Read: Who is Gina Lima, Vivamax model who suffered a tragic death?

