GORGY RULA
Nakatakda nang ikasal si Kiray Celis sa kanyang fiancé na si Stephan Estopia.
Hindi pa ibinabahagi ni Kiray ang eksaktong date ng kasal, pero sa December daw ng taong ito magaganap.
Hindi raw sila mag-i-invite ng marami, at gusto nilang gawin itong pribado.
“Kasi konti lang yung tao,” pakli ni Kiray nang nakatsikahan ng PEP Troika sa launching ng bagong produkto ng kanyang Kiray’s Brands na Hot Babe Green at Skin Vibe.
Kung puwede lang ay gusto na sanang itago ito ni Kiray, pero hindi siya nakatanggi sa pangungulit ng mga kaibigang press.
Saad niya: “Parang, magulat na lang kayo kinasal na lang ako. Ayoko na magyabang. Parang hintayin niyo na lang kung ano yung kasal.
“Para pag... tsaka yung kasal namin, bahala kayo sa buhay niyo. At least, hindi ako nagyabang.”
Read: Kiray Celis now engaged to non-showbiz boyfriend
SOARING WEDDING EXPENSES
Naloka raw si Kiray sa paghahanda ng kasal niya dahil palaki nang palaki ang gastos.
Naghanda sila ng PHP500,000 na budget, pero lumobo nang lumobo na raw ang gastusin.
Lahad ni Kiray: “Hindi ko ini-expect na sobrang gastos pala magpakasal. Tapos, maarte pa ako.
“Maarte kasi ako. Yung dyowa ko, sobrang bait talaga. Parang... at ayokong maging pabigat, ano?
“Sabi ko sa kanya, ‘Since may business ka, may business ako, babayaran ko yung gusto kong bayaran. Pero ibibigay ko sa iyo kung ano ang dapat mong bayaran, ganun kami. Hati kami.’
“Ang bigat na ng puso ko. Inaayos ko yung wedding — grabe, ganito pala ikasal? Sana, naging tomboy na lang ako.
“Oo, may ikinasal na tomboy, pero hindi kasing-arte naming mga babae, di ba?
“Sa amin, palit ng gown! Iba pa yung sa reception, iba pa yung… di ba?
“Iba pa yung parang nag-aayos pa lang. Parang prep gown, iba pa yung gown sa church. Sabi ko, sana nag-suit na lang ako.”
Mabuti at may ilang ninong at ninang daw silang sinagot na ang ibang gastusin.
“Yung goal kasi namin, mga PHP500K. Pero kasi, sobrang dami ng mga nagmamahal sa amin. Sa mga ninong pa lang, parang, ‘O, kami na sagot sa ganyan, ha?’
“Sobra-sobra kaming suwerte sa mga ninong at ninang namin,” bulalas ni Kiray.
Marami raw siyang ninong at ninang.
Kabilang na ang mga kilalang personalidad na sina Senator Bong Go, Governor Chavit Singson, Mayor Isko Moreno, Sharon Cuneta, Vice Ganda, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Maricel Soriano, Ai-Ai delas Alas, Eugene Domingo, Gabby Concepcion, Boy Abunda, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Maricel Tulfo, Veanna Fores, at Boy So.
Read: Box office: Meet, Greet & Bye naka-PHP10.5M sa first day
NOEL FERRER
Catholic wedding ang seremonya ng kasal nina Kiray at Stephan na gaganapin sa isang simbahan sa Maynila. Hindi niya binanggit kung anong simbahan.
May mga nagsa-suggest daw ng destination wedding, pero mas magastos. Kaya dito na raw sa Maynila gaganapin ang kanilang kasal.
Sabi ni Kiray: “Kinunsider ko rin yung mama at papa ko na senior na, na hirap na sa travel.
"Tapos, parang ganun din yung expenses, kasi patutulugin ko rin sila kung out of town pa.
“Hindi ko naman puwedeng… ‘Umuwi na kayo, ha? Kasi walang hotel, e.’
“So, parang ganun din yung babayaran mo na… at least dito, darating na lang sila sa church, sa reception kung gusto nila.
“Hindi na yung mag-travel nang matagal pa.”
IS THERE A PRENUP AGREEMENT?
Tinanong din ng PEP Troika si Kiray kung meron ba silang prenup agreement ni Stephan.
“Wala!” kaagad niyang sagot.
Kumikita na siya ngayon bilang CEO ng Kiray’s Brands. Pero nilinaw ng aktres na kumikita at may sariling negosyo si Stephan.
“Kasi, lagi ko ngang sinasabi, hindi ko nga kailangang ipagmalaki kung ano yung business ng dyowa ko. Kasi, sobrang private niya.
“Alam niyo, parang gusto ko na… sabi ko nga sa kanya, ‘Alam mo, parang gusto ko nang patulan minsan na may paupahan ka, may ganito ka, may ganun ka.’
“'Hayaan mo na.' Hindi na raw kailangang i-explain, at saka hindi naman daw siya kilala. Wala siyang paki!
“Very private lang siya. Ayaw niya talagang lumabas,” sabi pa ni Kiray.
Read: Eman Pacquiao opens up about being acknowledged by dad Manny Pacquiao
JERRY OLEA
Sinagot din ni Kiray ang pinag-usapang prenup pictorial nila ni Stephan na kinunan sa Japan.
Ang gusto raw sana ni Kiray ay sa Cappadocia, sa Turkiye, gawin ang prenup pictorial nila.
Kuwento niya: “Actually, ang unang plano, sa Cappadocia. Sabi ko, parang gusto ko mag-Turkiye, yung mga may hot air balloon sa likod, tapos nagki-kiss tayo, ganun.
“Parang ang mahal pala dun. Parang hindi naman kaya ng budget.
"Tapos, parang sumikip na yung oras namin, kasi may visa pa.
“Tapos, siyempre dadalhin ko yung make-up artist, dadalhin ko yung photographer. Ay, Lord, hindi ko kaya!
“Buti na lang, nagbago yung isip ko na Japan. Siyempre, mas mura po nang konti, kasi ang layo din ng flight nun.
“May nag-sponsor po sa amin na travel agency, which is isa po sa mga ninang ko.
“Kaya pala, malaking tulong po. Sige, mag-Japan tayo, ganyan.”
THE CONTROVERSIAL PRENUP PHOTO
Maayos daw ang pictorial nila sa Japan. Walang aberya.
Nagulat na lang daw sila sa dami ng bashing na inabot niya pagkatapos niyang i-post ang mga litrato nila sa social media.
Pinuntirya ng netizens ang kuha ni Kiray kung saan nakaupo siya sa ibabaw ng isang vending machine.
Read: Kiray Celis, binatikos dahil sa prenup photo niya sa Japan
Lahad ni Kiray: “Pagdating namin dun, full of love. Pagkauwi, 'Ahh, post na natin mga pictures natin.'
“Next day, pagkagising ko, 'Ano ito? Bakit ako viral? Anong nangyari?' So, nagulat ako.
“Tapos pagkatingin ko, yung sa vendo machine pala.
“Nakakatawa, kasi nung sinyut namin yung vending machine na yun, yun yung pinaka talaga, promise, na kinasiyahan ng mga dayuhan.
“Kasi sa Shibuya, maraming tao, e. So, mga dayuhan dun, mga ibang lahi, nag-stop sa shoot namin.”
Akala raw ng mga taong nanonood ng pictorial nila ay model si Kiray.
At ipinaalam daw nila ang mga lugar na pinag-pictorial-an nila, pati yung sa vendo machine na tinuligsa ng netizens.
“Ang saya lang! Kaya nagulat ako nung nag-trending. Anong nangyari?
“E, pero sana... hindi na sana aabot na mag-e-explain po ako, kasi ang saya nung prenup namin. Sobrang ganda ng photos namin.
"Ang galing ng videos namin, ang ganda ng make-up ko na mukha akong nagpagawa ng ilong dun sa mga pictures ko.
“Cool lang, kasi marami na pong shoots na gumawa ng ganun.
“Parang hindi siya first time. Kasi may nakita rin ako. Bago yan pinagawa sa akin, nakita ko na po talaga na may mga gumawa ng ganun."
Diin pa ni Kiray, “Meron po tayong permission sa mga authority po. Kaya parang, 'Anong nangyari? Ba’t parang ganito?'"
Para matapos na, tinanggal na lang daw niya at humingi na siya ng paumanhin sa mga tumuligsa sa naturang pictorial.
“So, nung lumabas, I deleted the photo," sabi ni Kiray.
"Pero hindi lahat ng photos. Yun lang talaga. Kasi, yun po talaga ang pinagdiskitahan nila.
“Nagulat ako dun sa vending machine, yun po yung pinakapinagkakaguluhan na shoot namin. Kasi nga, lahat ng mga dayuhan, parang, 'Wow! Ang taray naman nito!'
“'Ang cute niyo naman, ang tapang tapang niyo naman.' Parang ganun.
“Kahit may permission, kahit puwede, intindihin mo rin yung nararamdaman ng mga makakasama mo o makakakita nun.
“Iyon yung lesson na naisip ko. Kaya no harm done. Hindi po kailangang mag-worry.
“And sa mga Filipino and OFW, lalo na sa mga taga-Japan po, pasensiya na po kayo. Pero hindi niyo po kailangan na magalit.
“Tama na po yan. Kasi, wala pong naagrabyado, at wala pong nagalit nung nag-shoot po kami.”
Read: Kiray Celis, handang mag-sorry sa na-offend sa prenup photo niya
View this post on Instagram
