GORGY RULA
Nakakatuwa ang nabuong samahan ng buong cast ng afternoon drama ng GMA-7 na Cruz vs. Cruz.
Solid ang suportahan nila sa isa’t isa na kanilang ipinakita sa special screening ng pelikulang pinagbibidahan ni Gladys Reyes, ang The Heart of Music.
Ginanap ang special screening ng pelikula sa Cinema 3 ng SM Megamall noong nakaraang Huwebes, October 23, 2025.
Read: Claudine Barretto flaunts sweet photo with brother of Korina Sanchez
Dinaluhan ito ng mga kasamahan ni Gladys sa Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales, Lexi Gonzales, at Neil Ryan Sese.
Pati ang ilang executives at staff ng Cruz vs. Cruz ay dumalo rin, kabilang ang direktor nilang si Gil Tejada.
Halos 30 daw silang lahat na dumating para sumuporta kay Gladys.
Sobrang touched si Gladys kay Vina na nag-Grab pa para makahabol bago mag-screening ng pelikula.

BONDING OF TEAM CRUZ VS. CRUZ
Iba naman daw talaga ang samahan nilang lahat, lalo na’t na-extend pa sila at magtatagal pa ang kanilang pagsasama sa taping.
Kinabukasan ay nagkita-kita na naman sila at nag-party-party sa That’s Diner ni Gladys para i-surprise doon si Cathy Ochoa, ang kanilang senior program manager na magre-retire na.
Nag-enjoy sila sa pagkanta at iba raw talaga ang nabuo nilang friendship.
Aliw ang pagmamaldita ni Gladys bilang si Hazel na lumapit kina Vina bilang si Felma na masayang kumakanta kasama si Manuel (Neil Ryan Sese).
Thankful si Gladys sa maganda nilang samahan sa Cruz vs. Cruz na all-out ang suporta sa first musical film niyang The Heart of Music na magso-showing na sa December 10.
Read: Marjorie Barretto laments mom Inday Barretto's statement against her
NOEL FERRER
Pati ang young actress na si Caprice Cayetano ay suportado rin ng buong team ng Cruz vs. Cruz.
Kabilang siya ngayon sa housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0.
Si Caprice ang gumaganap na anak nina Gladys Reyes at Neil Ryan Sese.
Na-extend ang kanilang drama series kaya pinatay na lang ang karakter na ginagampanan ni Caprice.
Pero ngayon pa lang ay nagpo-post ang mga taga-Cruz vs. Cruz na suportahan si Caprice sa PBB.
Consistent pa ring toprater ang Cruz vs. Cruz kaya mukhang magtatagal pa ito.
Noong Martes, October 28, ay ito pa rin ang pinakamataas sa tatlong afternoon drama ng GMA-7. Naka-7.7% ito.
Ang Hating Kapatid at Akusada ay parehong naka-7.3%.
Noong Miyerkules, October 29, ay naka-8% ang Cruz vs. Cruz; 7.1% ang Hating Kapatid, at 7.9% naman ang Akusada.
Read: Former actor Patrick dela Rosa dies at 64
JERRY OLEA
Naaliw ako sa ending ng trailer ng The Heart of Music kung saan natisod ang karakter ni Gladys Reyes at nag-hanash siya.
Nakakatuwa rin ang kulut-kulutan niyang buhok, huh?!
Pero nag-aagam-agam ako sa December 10 playdate ng movie.
By that time, aligaga na ang mga tao sa paghahanda para sa Kapaskuhan. Panay-panay na ang mga Christmas party.
Ang moviegoers, abang-abang siyempre sa pelikulang Avatar: Fire and Ash at sa official entries ng 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kaya sa solid fans ni Gladys, utang na loob, ipakita ninyo ang pangmalakasang suporta sa kanya!
Or else, humanda kayo kay Hazel Cruz!!!
Read: Raymart Santiago breaks silence on Inday Barretto's allegations
