PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX sexy star Astrid Lee, nag-audition noon sa StarStruck at PBB

VMX sexy star Astrid Lee, first time mapapanood sa big screen
by PEP Troika
Published Oct 23, 2025
astrid lee vmx sexy star
VMX sexy star Astrid Lee on her first GL movie: "Mahirap din po para sa akin, kasi siyempre, medyo may pressure. Dahil of course, for film festival. Hindi basta-basta. Kumbaga, big screen siya ipapalabas. And naging OK naman yung character ko. Kumbaga, minahal ko naman yung karakter ko before, during, and after the shooting."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Dalawang pelikula na ni Astrid Lee ang nag-streaming sa VMX ngayong 2025, ang Sipsipan noong Hulyo at ang Trianggulo noong Agosto.

Suporta lamang siya sa naunang dalawang movie.

Ang pangatlo ay ang GL movie na Pagdaong, na isa sa pitong kalahok sa 1st CineSilip Film Festival.

Nag-premiere ang Pagdaong noong Oktubre 22, 2025, Miyerkules ng hapon, sa Cinema 3 ng Market! Market!, Taguig City.

Read: VMX actor Jhon Mark Marcia, "medyo" nagsisi sa video scandal

pagdaong cinesilip
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang feeling niya nang makita ang sarili sa big screen?

“Siyempre, sobrang saya po. Unang-una, dahil nakatrabaho ko ang magagaling na artista sa VMX,” sambit ng 21-anyos na si Astrid.

Co-stars ni Astrid sa movie sina Angela Morena, Ashley Lopez, at Chester Grecia, sa direksiyon ni Pongs Leonardo.

Ano ang kaibahan ng Sipsipan at Trianggulo na nag-streaming lang, at Pagdaong na ipinalabas sa sinehan?

“Ito po kasi, hindi lang siya basta-basta love scene. Kumbaga, hindi siya typical na movie,” sabi ni Astrid.

FIRST GL PROJECT

“Kumbaga, merong meaning. Malalim. At talagang sobrang emotional talaga, at lahat iyon, galing sa puso.”

Paano niya in-internalize ang karakter niyang Ella, na town between two girls na sina Luna (karakter ni Angela) at Jade (karakter ni Ashley)?

“Actually nahirapan po talaga ako dahil ito po yung first ever GL movie ko po,” pagtatapat ni Astrid.

“And mahirap din po para sa akin, kasi siyempre, medyo may pressure. Dahil of course, for film festival. Hindi basta-basta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, big screen siya ipapalabas. And naging OK naman yung character ko. Kumbaga, minahal ko naman yung karakter ko before, during, and after the shooting.

“And sobrang dami ko pong natutunan dahil, of course, sa tulong din ng director namin, tulong ng mga ka-work ko, and all po, like the buong production. Ganun.”

Marami nang nagawang VMX projects si Angela. Paano siya sinuportahan nito sa mga eksena?

“Actually si Ate Angela, since Day 1, siya po talaga yung nag-guide sa akin all throughout the film,” lahad ni Astrid.

“Same din kay Ashley. And sobrang dami ko ding natutuhan sa kanila dahil of course, madami na silang nagawang pelikula. Marami nang karanasan sa pag-arte.

“Kumbaga, ako, parang pa-start pa lang. Pero hindi nila ako jinudge. Hindi nila ako sinabihan na, ‘O, ganito, ganyan!’ Kumbaga, ginuide nila ako.”

Read: Former Pinoy Dream Academy contestant Davey Langit dies

ashley lopez astrid lee pagdaong
Astrid Lee and Ashley Lopez star in Pagdaong
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Ano ang motibasyon niya para gumanap bilang isang dalaga na nakipagkarelasyon sa dalawang babae?

Sa totoong buhay ba, may nanligaw na sa kanyang tomboy?

“Hindi naman po ako nagkaroon ng relasyon sa babae. At hindi naman po ako niligawan ng tomboy,” sabi ni Astrid Lee.

“Kundi ang ginawa ko, para maging talagang in love ako sa ka-partner ko, talagang in-internalize ko yung character ko.

“Binasa ko po yung buong script. Talagang minahal ko po nang buung-buo. Yung puso ko, ganun.”

Pangarap ba niyang mag-artista?

“Ever since pa lang po. Bata pa lang ako, passion ko na talaga yung pag-aartista,” sabi ni Astrid.

“Bata pa lang ako, talagang gusto ko nang maging artista. Talagang mataas yung pangarap ko, ayun.

“Ang nag-audition pa po ako ng StarStruck, pati sa ibang network, like PBB. Kaso, kasamaang palad, hindi ako natanggap.

“Kaya ito ngayon, kumbaga pinu-pursue ko yung pagiging artista.”

Read: Emil Sumangil continues exposé on missing sabungeros despite death threats

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Nag-love scene sina Angela Morena at Astrid Lee sa dalampasigan ng Allen, Nothern Samar.

“Hindi po sa akin mahirap dahil, unang-una, andiyan po yung buong production,” kuwento ni Astrid.

“Talagang safe po kami. During love scene, bawas tao po talaga. Pati po doon sa dagat, sa sunset.

“Sobrang limited lang po iyong tao na puwedeng dumaan, puwedeng pumasok, ganun. Talagang binantayan po talaga nila kami.

“And sobrang happy po kami sa production dahil andiyan po sila para mag-guide sa amin.

“And then, para sa akin naman po, hindi naman po ako parang, ‘Ahh ano ba ito, love scene sa babae?!’

“Hindi po. Kasi, ang nasa isip ko po, karakter ako. Hindi ako bilang Astrid kundi bilang Ella.”

Palabas ang pitong entries ng CineSilip filmfest hanggang Oktubre 28, Martes, sa apat na sinehan — Cinema 3 ng Trinoma, Cinema 3 ng Market! Market!, Cinema 2 ng Ayala Malls Manila Bay, at Cinema 4 ng Ayala Malls Circuit Makati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang awards night ng 1st CineSilip filmfest ay gaganapin sa Oktubre 27, Lunes, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.

Ang tatlong hurado ay sina Erik Matti, Joy A. Aquino, at Tito Valiente.

“Sa totoo lang, meron po akong gustong award na makuha… is yung best film po para sa aming lahat,” sambit ni Astrid.

“Hindi lang para sa akin kundi para sa lahat. Pag nanalo po kami ng best film, of course, buong production po iyon.

“Lahat ng staff, artist, director. Sakop na lahat, e. So ayun lang po, hoping and praying. Kumbaga, bonus na lang po if ever makuha namin yun.”

Read: Now Showing: Quezon, Walong Libong Piso, CineSilip movies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX sexy star Astrid Lee on her first GL movie: "Mahirap din po para sa akin, kasi siyempre, medyo may pressure. Dahil of course, for film festival. Hindi basta-basta. Kumbaga, big screen siya ipapalabas. And naging OK naman yung character ko. Kumbaga, minahal ko naman yung karakter ko before, during, and after the shooting."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results