PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Charming Actress, ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Sikat na aktres, nadulas sa nalalapit na kasal ng Charming Actress.
by PEP Troika
Published Sep 30, 2025
blind item charming actress
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Ibinulong sa PEP Troika ng aming reliable source na abangan daw namin ang isang kasalang magaganap sa susunod na buwan.

Nakarating daw sa kanya ang kuwentong magpapakasal na pala ang Charming Actress sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Kumunot ang noo namin nang ipinarating ito sa amin dahil wala kaming nababalitaang may boyfriend si Charming Actress.

Meron daw, giit ng aming source!

Read: Ryan Bang’s fiancee announces her cafe is closing soon; netizens react

WEDDING IN NOVEMBER?

Ang latest na nabalitaan namin ay merong nanliligaw kay Charming Actress na isang non-showbiz guy. Pero hindi namin alam kung naging sila ba.

Tahimik na kasi ngayon itong aktres pagdating sa kanyang personal na buhay. Wala naman daw kasi itong kinalaman sa kanyang trabaho bilang magaling na artista.

Siguro, natuto na siya pagkatapos nilang maghiwalay ng aktor na Tall & Romantic.

Kulang ang detalyeng ibinigay sa amin ng aming reliable source dahil wala raw siyang masyadong alam tungkol sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, abangan na lang daw at makibalita tayo kung merong mangyayaring kasalan sa November ng taong ito.

Kung totoo man ito, sana matuloy na talaga, at hangad namin ang matiwasay na pagsasama nila ng lalaking mapapangasawa niya.

Read: Kagandahang Aktres, nali-link ngayon sa Influential Personality

JERRY OLEA

Paano ba kumalat ang balitang ito?

Nadulas daw ang sikat na aktres na nabanggit niya ito.

Hindi lang sure ang source ng PEP Troika kung kasama ba itong si sikat na aktres sa bridal entourage.

Posible naman dahil okay ang dalawang aktres na ito lalo na’t magkasama sila sa trabaho.

Nabigla lang daw ang mga nakarinig nang biglang nabanggit ni sikat na aktres na ikakasal na si Charming Actress.

Sana, tuloy na ito, dahil dasurv niyang sumaya sa kanyang personal na pangangailangan.

Mukhang masaya kasi sa kasalukuyang karelasyon ang lalaking unang minahal ni Charming Actress.

Read: Rita Daniela, may pa-hard launch sa bagong boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Basta ako, looking forward ako sa paglagay sa masaya at tahimik nitong Charming Actress na laging naninindigan.

She deserves to be happy.

I’ve known her to be someone very articulate and principled, at sana ngayon ay talagang magtatagal na ang kanyang relasyon because she deserves to be happy!!!

Read: Joni McNab, may nakaeksenang aktor na walang plaster

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results