GORGY RULA
Magkasabay na magso-showing sa mga sinehan sa Miyerkules, October 1, 2025 ang pelikulang Isla Babuyan at The Last Beergin.
Hindi pa namin nakukuha kung ilang sinehan ang mapupunta sa dalawang pelikulang ito.
Pero ang lamang ng The Last Beergin ay mapapanood ito sa SM cinemas.
Binigyan ng R-18 ng MTRCB ang Isla Babuyan, kaya limitado lang ang mga sinehan nito.
Read: Ryan Bang’s fiancee announces closure of her cafe; netizens react
COMPROMISE WITH MTRCB
Sa unang review ng Isla Babuyan ay binigyan ito ng X rating ng MTRCB.
Sa pangalawang review ay nakipag-compromise na ang direktor nitong si Jose Abdel Langit. Pumayag na raw siyang magtanggal ng tatlong shots para hindi ma-X ulit.
“Nung binigyan ng R-18, siyempre natuwa na rin ako kasi it gave me hope na mapapanood siya, rather than having an X rating, na hindi mo siya maipapalabas kailanman.
“May tatlo lang akong tinanggal na short shots para maging R-18,” pakli ni Direk Abdel pagkatapos naming mapanood ang Isla Babuyan sa premiere night nito sa Robinsons Magnolia noong September 19.
Patuloy niya: “Tiningnan ko yung kanilang points na ano… siyempre as a director, ang wini-weigh in ko lagi kung ito ba ay makakabawas para sumulong yung naratibo.
“Now with that, that is always the parameter in deciding what scenes to include in the copy.
"So, para sa akin, dahil ito ay hindi naman makakaapekto sa pagsulong ng naratibo, I was fine na tanggalin na yung tatlong ano,” sambit ni Direk Abdel.
Read: Sinag Maynila short film Walk With Jesus, rated X ng MTRCB
ISLA BABUYAN: VERY CAMPY
Very campy ang pelikula na tipo ng mga pelikula noon nina Joey Gosengfiao at Elwood Perez.
May mga eksenang nakakaloka, lalo na’t Isla Babuyan ang title ng pelikula.
Kinaaliwan dito si Nathalie Hart na bagay na bagay sa kanyang role bilang sosyalerang asawa ng isang pulitikong ginampanan ni James Blanco.
May mainit na eksena siya kay Paolo Gumabao sa tabi ng kinakatay na baboy. Talagang ang baboy ng eksena na ikinaloka ng mga kabadingan.
Sabi naman ni Direk Jose Abdel Langit: “Tutal, metaphor naman natin yung baboy. So I have to explore lahat na possibilities na puwede kong magamit yung baboy.
“Yung baboy na pinapaliguan, yung baboy na chinop into meat. Tapos hanggang dun sa pagkatay ng baboy... hanggang dun sa kinatay na baboy.
“So, I have to make use explore the possibilities kung saan ko ba magagamit yung baboy. Tutal, yun yung main metaphor namin ng aming pelikula.”
Kasali rin sa Isla Babuyan sina Jameson Blake, Dave Bornea, Lotlot de Leon, Samantha Da Roza, Pantene Palanca, Antonette Garcia, at Geraldine Jennings.
Read: Rita Daniela, may pa-hard launch sa bagong boyfriend

NOEL FERRER
Ang Isla Babuyan ay launching movie ng baguhang singer-actress na si Geraldine Jennings.
Ang mismong ina ni Geraldine ina na si Gina Cariaga-Jennings ang nag-produce ng pelikula. Matagal na raw niyang commitment ito sa namayapang talent manager na si Leo Dominguez.
Ideya raw ni Leo ang kuwento ng pelikula kaya kahit anong mangyari ay dapat ituloy nila ito.
Lahad ni Gina Jennings: “As you all know, this film is very close to my heart. It began as the concept of my dear friend, the late Leo Dominguez.
“Leo was not just a brilliant manager, he was also a true visionary. This was his idea, his dream.
“And while he may not be with us physically, you know, he’s here tonight in spirit.
“I believe he’s proud that his concept has finally arrived on the big screen.”
Read: Carla Abellana reacts to Tom Rodriguez fathering a child
NOT A SEXY MOVIE
Nilinaw ni Geraldine na hindi lang pagpapa-sexy ang ibinebenta sa pelikula.
Saad ng baguhang aktres: “Actually po, that’s not the reason po why binigay nila yung R18.
“Hindi lang siya sexy film. It’s not what you think. There’s something sa ending na it’s a bit different, but hindi siya sexy.
“But there’s some scenes na a bit spicy, yeah!
“Wala naman akong daring scenes dito. That’s not my vibe.
“It’s more young innocent… I play innocent girl, innocent 18-year-old.
“But there’s some of the guys in our movie… Paolo Gumabao, Jameson Blake, Dave Bornea, very nice bodies. They’re swimming… everyone will enjoy.
“It’s not a sexy film. There’s a twist in the end.”
JERRY OLEA
Exclusive din sa SM Cinemas ang Good Boy na mapapanood umpisa Oktubre 1. Miyerkules.
Iyon din ang opening day ng foreign movies na The Shadow’s Edge at Hamilton sa local cinemas.
Read: Shookt na aktor, na-ghosting ng nililigawang ka-loveteam
CINEMALAYA 21 OPENING FILM
Sa Oktubre 3, Biyernes ng 7 P.M. ang screening ng opening film ng 21st Cinemalaya filmfest sa Cinema 1 ng Red Carpet Cinemas by Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.
Ito ay ang NETPAC Award-winning film ng Indian filmmaker na si Pradip Kurbah na The Elysian Field.
The film follows the six remaining residents of a secluded Meghalaya village as they cope with grief and loneliness in the face of urban migration.
Tickets to the screening will be given on a first-come, first-served basis, two hours before the screening schedule.

“Layag sa Alon, Hangin at Unos” ang tema ng Cinemalaya 2025.
Ipapalabas ang mga pelikula mula Oktubre 3 hanggang 12 sa Shangri-La Plaza, Ayala Malls Cinemas, at Gateway Cineplex 18.
Sa Conema 1 ng Shangri-La Plaza ang mga gala night.
Sa Oktubre 4, Sabado, ang gala ng Republika ng Pipolipinas (5:00 P.M.) at Cinemartyrs (8:00 P.M.).
Sa Oktubre 5, Linggo, ang gala ng Bloom Where You Are Planted (5:00 P.M.) at Child No. 82: Anak ni Boy Kana (8:00 P.M.).
Sa Oktubre 6, Lunes, ang gala ng Raging (5:00 P.M.) at Open Endings (8:00 P.M.).
Sa Oktubre 7, Martes, ang gala ng Paglilitis (5:00 P.M.) at Warla (8:00 P.M.).
Sa Oktubre 8, Miyerkules, ang gala ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan (5:00 P.M.) at Padamlagan (8:00 P.M.).
Inaasahan ko nang makakakuha ng Audience Choice award ang Child No. 82: Anak ni Boy Kana nina JM Ibarra at Vhong Navarro.
Read: JM Ibarra hindi kasama si Fyang sa first niyang Cinemalaya movie
