PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes, napalakas ang sampal sa mga "kapulisan"

Gladys Reyes, may GenZ fans na gustong magpasampal sa kanya
by PEP Troika
Published Sep 28, 2025 | Updated Sep 28, 2025
Gladys Reyes, nasobrahan ang sampal sa "kapulisan"
Gladys Reyes, powerful pa rin ang sampal kahit hatinggabi na nang gawin ang eksenang pananampal sa mga talent na gumanap na pulis: "Nagising ang mga kapulisan!"
PHOTO/S: GMA Network Facebook

GORGY RULA:

Natawa na lang si Gladys Reyes nang sinabi namin sa kanya ang bagong bansag sa kanya na “Mananampal ng Bayan.”

Sabi namin sa kanya, kung si Ryza Cenon ang bida sa Manananggal ng Unit 3B, si Alma Concepcion naman ang sa Manananggal in Manila, at ang namayapang superstar na si Nora Aunor ang Mananambal, si Gladys Reyes naman ngayon ang lehitimong mananampal ng bayan.

Napag-usapan kasi namin ang huling teaser ng Cruz Vs. Cruz na pinagsasampal niya ang mga pulis na pumipigil sa kanya.

Malalakas ang mga sampal ni Gladys sa tatlong pulis na pumipigil sa kanya.

Nasa video rin ang paghingi ni Gladys ng “sorry” habang hinihimas-himas pa ng mga gumaganap na pulis ang mukhang natamaan ng mabigat na kamay ng Kapuso actress.

“Sorry po,” sabi ni Gladys sa kanila. “Parang hindi alas dose, ano? Nagising ang mga kapulisan!

“Sorry po. Yun po ay kasama sa script,” sabi pa ni Gladys doon sa teaser video na ipinost ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon lang daw na-realize ni Gladys na sobrang sama pala ng ugali ng role niya bilang Hazel.

GLADYS REYES, TRADEMARK NA ANG MANAMPAL

Halos linggu-linggo ay may nasasampal siya at mukhang ito na ang trademark niya.

“Nakakaloka, eto nga, pati mga pulis, pinasampal sa akin sa script.

“Pero kakatawa, Kuya Gorg, pag nakikita ako sa labas, daming gusto pasampal imbes pa-autograph. Ang gusto nila, bukod sa pa-picture, may drama ng konti para masampal sila. Puro mga Gen Z yun, ha?” text ni Gladys sa akin.

Sa nakaraang media launch ng Kontrabida Academy kunsaan ay guest sa pelikulang yun si Gladys, nagpasampal talaga ang mga vloggers sa kanya, pati ang host na tuwang-tuwa na nakatikim sila ng sampal mula kay Gladys.

Kaya agree siyang siya na ang mananampal ng bayan!

Samantala, hindi pala pinapanood ng mga anak ni Gladys ang mga teleseryeng ginagawa niya.

Aware daw ang mga anak niyang kontrabida roles ang ginagampanan niya, kaya ayaw na lang daw nilang panoorin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong kasi namin si Gladys kung hindi ba natatakot ang mga anak niya sa kanya kapag napapanood siya sa telebisyon.

Hindi ba sila natatakot na baka makatikim din sila ng sampal mula sa mommy nila?

“Hindi sila nanonood ng serye. Alam nilang kontrabida ako e hahaha!” text uli ni Gladys sa PEP Troika.

Read: Ryan Bang’s fiancee announces closure of her cafe; netizens react

NOEL FERRER:

Na-enjoy nang husto ni Gladys Reyes ang samahan nila sa Cruz vs. Cruz.

Ang ganda ng bonding nila nina Vina Morales at Neil Ryan Sese kasama pa ang mga kabataang artistang sina Lexi Gonzales, Kristoffer Martin, at Elijah Alejo, pati ang gumaganap na anak niyang si Caprice Cayetano.

Naging magkaibigan na rin sila roon ni Jenny Gabriel, na isinama pa niya ito sa pelikula niyang The Heart of Music.

Patagal nang patagal na ang taping nila, pero wala raw silang ideya kung hanggang kailan sila dahil wala pang sinasabi kung mae-extend sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Cruz vs. Cruz ang may pinakamataas na rating sa tatlong afternoon drama ng GMA-7. Minsan ay mahigit 8% pa ang nakukuha nitong rating.

Noong Huwebes, September 25 ay naka-7.6% ito. Ang My Father’s Wife ay 7.3%, at ang Akusada ay 7.4%.

Read: Vice Ganda's "kunyari close-close tayo" comment draws speculation

JERRY OLEA:

Sa pagkakaalam namin ay malapit nang matapos ang My Father’s Wife at papalitan ito ng Hating Kapatid ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kasama ang kambal nilang sina Mavy at Cassy Legaspi.

Meron pang Sister’s Game ng loveteam nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Baka ito ang ipapalit pagkatapos ng Akusada.

So far, wala pa kaming balita para sa timeslot ng Cruz vs. Cruz. Pero meron daw tipong musical drama na pagbibidahan ni Zephanie?

Abangan na lang natin ang official announcement ng Kapuso Network.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes, powerful pa rin ang sampal kahit hatinggabi na nang gawin ang eksenang pananampal sa mga talent na gumanap na pulis: "Nagising ang mga kapulisan!"
PHOTO/S: GMA Network Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results