JERRY OLEA
First big project ni Esteban Mara ang Pinoy BL series nila ni Mikoy Morales na Got My Eyes On You.
Anim na episodes na nito ang naipalabas sa Tiktok account ng Puregold Channel.
Three episodes ang ini-install every week — tuwing Miyerkules, Huwebes, at Biyernes ng 7:00 P.M.
“I’m very happy, excited,” sambit ni Esteban habang katabi si Mikoy sa mediacon noong Setyembre 16, 2025, Martes, sa Rampa drag club, Tomas Morato Avenue, Quezon City.
“I’m really grateful for this. Really looking forward how this project would turn out, pero so far ine-enjoy ko lang every episode.
“Kasi, nakakatuwa naman siya especially as someone knowing the process behind. Very fulfilling to see it actualized.”
Sambot ni Mikoy: “Noong ginagawa rin namin ito, wala kaming idea kung ano ang kalalabasan maliban doon sa playback.
“Kasi, we didn’t know how short the episodes would be. We didn’t know how long would be some of the episodes for different platforms.
“Buti na lang, very professional si Teban.”
Read: Hollywood legend Robert Redford dies at 89
GOT MY EYES ON YOU
Ang 36-episode BL series na Got My Eyes On You ay istorya nina Shawn at Drew na nag-umpisa bilang enemies, naging friends, hanggang naging lovers.
Kasama sa cast ng vertical BL series sina Darwin Yu, Ady Cotoco, Toniyuh, Victor Sy, at Hannah Lee, sa direksiyon ni Dizelle Masilungan.
Six days na kinunan ang Got My Eyes On You sa isang resort sa Brgy. Pansol sa Calamba City, Laguna.
Tampok si Esteban sa Virgin Lab Fest 2024 play na Love on the Brain, sa VLF 2025 play na Minating ni Mariah ang Manto ng Mommy ni Mama Mary, sa dulang Para Kay B na may rerun sa Arete, at sa Cinemalaya 2025 entry na Padamlagan.
Relatively baguhan si Esteban, samantalang ang Cinemalaya 2023 best actor na si Mikoy ay produkto ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break (2012).
Kuwento ni Mikoy: “Noong look test pa lang, noong gumawa kami ng eksena, kita mo naman na very disciplined and professional si Teban.
“And higit sa lahat, lalo na sa mga ganitong roles kasi importante siguro na secure siya sa kanyang pagkatao.
“So, walang room for ilangan. Andaling mag-open up agad and just to jump and dive whatever within, kasi, wala, e. Walang inihibitions!
“Walang malisya ba. Or walang kahit anong pagho-hold back dahil sa kaartehan. Wala siyang kaartehan. Ha! Ha! Ha!”
Read: Vilma Santos, humirit ng isang pelikula mula sa mga taga-Batangas

GORGY RULA
Confident sila sa kani-kanyang sexual identity, orientation, or preference?
Mabilis na tugon ni Mikoy Morales: “Oo! I can’t speak for him, to him! Ako, confident ako sa sarili ko.”
Natawa si Esteban Mara: “Yes! Secure din naman ako.
"Siguro nga, iyon yung what makes it... bakit naging madali yung pag-portray namin kay Shawn at Drew.
“Clear sa amin yung mga kailangang gampanan. So, naging madali, naging suwabe. And yun nga, walang pag-aalinlangan.
“Kasi, alam namin, e. Once the camera starts rolling, it’s Shawn and Drew already, portraying the characters. So, yun.”
Dagdag ni Mikoy: “Saka game. Game siya! Game si Teban.
"Kahit doon sa mga times na parang, 'What if ganito ang gawin natin? Or subukan kaya nating ganito?'”
“Yes, collaborative,” pag-ayon ni Esteban.
Sabi pa ni Mikoy: “Hindi siya yung parang, ‘Huh, hindi sinabi ni Direk yun?!’”
Natawa si Esteban.
Aminado ang dalawa na marami silang adlib.
Read: Journey frontman Arnel Pineda faces arrest over VAWC case
MIKOY AND ESTEBAN ON SHOOTING SCENES WITH DOGS
Challenge para sa kanila ang mga eksena kasama ang mga asong sina Simba at Lemon, na “gumanap” bilang Matcha at Miller.
Paliwanag ni Mikoy: “Masaya naman pero challenging siya, kasi hindi mo naman mae-explain sa aso na, ‘Oy! Ito ang units mo, ha?! Ito ang blocking mo, ha?!’ Ha! Ha! Ha!”
Susog ni Esteban: “There were times na kami talaga yung nag-adjust kahit may specific shot list kami.
“Pero dahil doon, nakapuwesto ang aso at ayaw niyang gumalaw, kami na ang nag-adjust. And that also adds to the experience. Fun lang, kasi, spur of the moment siya, e.
“Mas naging maganda pa yung kinalabasan.”
Sabi ni Mikoy: “Pero marami rin kayong makikitang shots na parang kunwari kaeksena namin yung aso, yung tipong… hindi sila nasasaktan, ha?
“Pero baka magmukha lang na sinasakal namin. Pero ang totoo nun, hinahawakan lang namin sila.
“Kasi, ang lilikot na nila na parang, ‘Tapusin na natin ito! Huwag ka nang magulo!’”
“No animals were harmed!” bulalas ni Esteban.
Napangiti si Mikoy, “No animals were harmed… feelings lang!”
Read: Dingdong Dantes weighs in on political turmoil around the world
NOEL FERRER
Bilang mga artistang taxpayer, ano ang saloobin nila sa mga isyung kakabit ng flood control projects?
Mabilis na tugon ni Mikoy Morales: “Nakakagalit! Nakakagalit talaga! Kasi makikita mo, pag kukuha ka ng pay slip, di ba, tapos may kaltas doon sa suweldo mo.
“Tapos makikita mo, doon napupunta yung kaltas ng suweldo mo. I’m sure it’s just one of those things na kakabukas lang ng Pandora’s box na yan ngayon.
“Na at least, maraming naging aware. Pero isa pa lang yan, di ba? So I can get going but nakaka… nakakapikon na siya!
“Kasi, lalo na nung nakita mo kung magkano ang kinita nila nung pandemic. Andaming taong nawalan ng buhay saka nawalan ng means of living noon.
“Tapos, di ba? Parang nakaka… ewan ko.”
Susog ng theater actor na si Esteban Mara: “Same, nakakagalit. Kasi, parang hindi mo na rin maintindihan kung anong nangyayari, e.
“And at the same time, kapag nanood ka pa sa news and pinakinggan mo yung mga hearing, para lang din siyang play! Alam mo yun?!
“Parang… ano ba talaga ang nangyayari? Kasi, at the end of the day, limited din lang kung ano ang nakikita at naririnig natin kaya we deserve to know kung ano talaga ang nangyayari.
“Because Filipinos deserve better, di ba? Masakit sa puso kapag nakakakita ng mga kapwa Pilipino na naghihirap samantalang yung iba, e, nakikita yung karangyaan ng buhay sa pananamantala.”
Hinaing pa ni Mikoy: “Oo! Tapos, pang-ilan na ito?! Parang paulit-ulit na lang na ganyan. Tapos, anong mangyayari after nito? Wala na naman.
“Hangga’t walang nakukulong na big fish talaga, hanggang walang naging accountable for it, balewala rin itong mga nangyayari ngayon na grandstanding na pag-iingay sa mga hearing.
“Hangga’t walang nakukulong…”
Read: Lav Diaz believes Vice Ganda is a strong contender vs Sara Duterte
