GORGY RULA
Isyu pa rin ng korapsyon ang madalas na hinihinging opinyon mula sa mga kilalang artista.
May sariling pananaw ang mga kilalang personalidad na karamihan ay malaki ang ibinabayad na buwis sa ating bansa.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
JUDY ANN SANTOS
Isa na nga rito si Judy Ann Santos na naranasan pang kasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noon.
Nalulungkot daw si Juday sa mga nangyayari at ang bigat daw talaga sa puso kung iisipin lang.
Saad niya: “Natapos na yung galit ko. Nandun na lang ako sa panghihinayang na parang natatakot ako sa taumbayan sa kung ano ang puwedeng mangyari sa kanila sa ginagawa nilang pakikibaka.
“But, karapatan nila yun, e. Hindi natin mapigilan ang galit ng taumbayan.
“Sana, bago nila naisip na hindi ituloy yung proyekto, naisip nila yung maraming buhay na masisira.”

Nakakapikon na raw kapag subaybayan mo ito sa mga nababalitaan natin.
“May pikon definitely, kasi ang tagal ko nang nagbabayad ng tax, e. And alam ko yun, responsibilidad ko yun, nakasuhan ako.
“But you know, there are things that you have to pay. Sana itong nangyayari sa ating bansa ngayon, magiging wake-up call siya sa maraming tao.
“Finally, sana may matutunan tayo dito. Ako, naniniwala ako hindi naman lalabas ang mga isyung ito kung hindi naman napapanahon, e.
“Siguro ginusto talaga ni Lord na paulanin nang paulanin para makita natin kung ano ba talaga yung nangyayari sa bansa natin.
“Nakakalungkot lang kasi maraming buhay ang nawala, maraming buhay ang naapektuhan.
"Pero ako, naniniwala ako, everything really happens for a reason. And ito yung rason, nalaman natin na may mga ganitong nagaganap.
“Hindi naman bago sa atin ang mga pagnanakaw, di ba? Hindi naman bago sa gobyerno natin ang mga pangyayaring ito.
"Pero rampant na lang, napakalala. Nakakahiya na tayo,” sabi ni Judy Ann nang nakapanayam ng PEP Troika pagkatapos niyang mag-reading sa book launch ni Ricky Lee sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center, Pasay City, noong Biyernes, September 12, 2025.
Read: Judy Ann Santos recounts overcoming a tough chapter in her life
NOEL FERRER
MICHAEL V.
Bilang isa rin sa top taxpayers, nalulungkot din si Michael V sa mga nangyari.
“Hindi masaya. Kasi, taxpayers kami ng asawa ko e. Madalas nag-uusap kami about migrating sa ibang bansa.
“Ako, palaging sinasabi ko lagi, ‘Hindi, dito lang tayo, kasi mahal ko yung bansa.’
“Hindi naman sa walang fault ang Pilipinas o ang gobyerno natin. Marami. Kaya lang siyempre, yung hope na sana one day ay magbago,” mapakla ang ngiti ni Bitoy nang sinabi niya ito.

JERICHO ROSALES
Ang mahalaga sa ngayon, sabi ni Jericho Rosales, ay kung ano na ang susunod nating gawin.
Ani Echo: “Pare-pareho lang tayo ng pakiramdam. Pare-pareho lang tayo ng kaisipin. Ang sinasabi ko ngayon ay hindi mahalaga.
“Ang importante ngayon, ano ang gagawin natin, magmula dito papunta dun. Yun ang pinakaimportante ngayon.
“Huwag nating kalimutan ang mga pangyayaring ito. Sana, magbuklud-buklod tayo upang marating natin yung dapat nating puntahan.”

MERYLL SORIANO
Parang hindi na raw nasorpresa si Meryll Soriano nang sumambulat ang katiwalian ng mga "kuracaught."
Ani Meryll, “Kasi, yun nga, given siya. But, parang hindi ako makapaniwala na ganun kalaki yung amount.
“And hindi ko inaano yung sa kanila, pero yung nangyari sa atin noong baha, pag may bagyo, di ba? Yung mga kapwa natin Pilipino na nasasalanta, nadi-displace.
“I feel bad. I feel bad as a taxpayer… siguro, nasa state of ano pa ako, yung shock. Kasi parang… how do we fix this?
“Ano ang next steps? Kasi, we already have a spectacle sa mga hearing, all that, sa mga tina-target na tao na ibigay ang mga pangalan and all that.
“Pero anong next step? Ano ang susunod nating gagawin para maiwasan na yung ganito?
“It’s still a mystery to me how we’re gonna fix this. I am hopeful, always hopeful.”

Gaya ni Juday, kabilang sina Michael V, Jericho, at Meryll sa mga nagbasa ng excerpts sa book launch ni Sir Ricky.
Read: Maine Mendoza: Arjo Atayde not capable of stealing people's money
JERRY OLEA
VILMA SANTOS
Nagbigay naman si Governor Vilma Santos ng sarili niyang opinyon at ang panuntunang sinusunod daw niya sa kanyang panunungkulan sa Batangas.
Hindi raw niya sinasabing siya ang tama, dahil hindi naman daw siya santo at siya ay nagkakamali rin.
“Sinusunod ang batas, be transparent sa lahat na ginagawa mo, and at the same time, make sure that you are always accountable sa lahat na ginagawa mo for your constituents.
“I am not being self-righteous. I am not saying I am a saint. No. Or ako tama, ako ang the best. Of course not!
“The thing is… I am no saint. But definitely, I’m not a devil,” saad ng Star For All Seasons.
Read: Vilma Santos, may tatlong sinusunod upang labanan ang korapsyon

VICE GANDA
Si Vice Ganda naman ay may mungkahing magkaroon muna ng tax holiday.
Sa It’s Showtime ngayong Lunes, September 15, nanawagan siya sa gobyerno.
“Dapat nga, hindi muna tayo magbayad ng tax, ako para sa akin, ha?” sabi niya sa naglaro sa jackpot ng "Laro Laro Pick."
“Ako, tingin ko, hindi puwedeng kunin niyo yung tax namin tapos magbabayad pa rin kami.
“Ibalik niyo muna yung ninakaw niyo sa amin, di ba?”
Inihalintulad ito ni Vice sa pagbili ng spaghetti na nanakaw ang pambayad at kailangan niyang magbayad uli para makakain ng spaghetti.
“Yung parang pupunta ka sa restaurant. ‘Pabili nga ng spaghetti.’ Tapos merong ano… pay as you order.
“Parang pag-order ng spaghetti, pay as you order. 'Eto ang bayad ko, bigyan mo ako ng spaghetti.'
“Tapos, sabihin nung nagbebenta ng spaghetti, ‘Ay! May humablot ng spaghetti na binayad mo kanina. Ninakaw yung binayad mo sa spaghetti.’
"So, anong gagawin ko? Magbabayad ulit ako para bigyan mo ako ng spaghetti?
“Yung sinabi mong ninakaw yung pambayad ko ng spaghetti, e, nagbayad na ako, e. Ibigay mo sa akin yung spaghetti kasi nabayaran ko yun, di ba?
“Ano yun? Ganun lang yun? Tapos babayaran kita ulit? So, dalawang beses ako magbabayad ng spaghetti para sa spaghetti'ng nanakaw?
“Ako yun lang sa akin, di ba? Sana, huwag pagbayarin muna ng tax. Sana may tax holiday. Kasi ninanakaw niyo, e,” lahad ni Vice.

Sana, ibalik daw muna ang tiwala ng taumbayan, bago sila magbayad ng buwis.
“Ibalik niyo… kung talagang mahal nung mga nasa gobyerno ang Pilipino, maglambing naman kayo.
"Pinanakaw niyo yung pera namin, e. Huwag niyo muna kaming pagbayarin. Hangga’t hindi naaayos.
“Pag naayos, sige, may tiwala na kami ulit sa inyo. Bayad kami ulit, di ba?” saad ni Vice Ganda, na pinalakpakan ng nasa audience.
