GORGY RULA
Maligaya si Sexy Star kahit wala siyang bagong assignment sa TV o pelikula.
Kampante siya sa piling ng Pulitiko na hiwalay sa asawa.
Ayon sa source ng PEP Troika, wala nang keber si Sexy Star sa sasabihin ng mga tao.
NEW BUSINESS
May sinimulang bagong negosyo si Sexy Star.
Niyaya niya ang ilang kaibigang artista na i-try ang kanyang service-oriented business.
Bagay kay Sexy Star ang itinayong negosyo. Nae-enjoy niya ito.
Happy siya kahit pinagtsitsismisan at ewan kung tatantanan na siya ng misis ni Pulitiko.
Read: Aktor, hindi misis ang babaeng kasamang nagbakasyon sa ibang bansa
NOEL FERRER
Ang hirap ng kalagayang ito ni Sexy Star. Pero she seems to be enjoying it.
Instead na patunayan ni Sexy Star ang galing niya sa pagiging artista, heto siya at nakabuyangyang sa madla bilang bagong conquest ng kontrobersyal na Pulitiko.
Ano kaya ang masasabi ng kanyang management ukol dito? OK lang?
JERRY OLEA
Happy-happy sina Sexy Star at Pulitiko.
Kumalat online just recently ang mga litrato ng pagliliwaliw nila sa U.S.
Hindi sila magkasama sa pictures. Pinagtabi ang photos nila kung saan nasa parehong location sila.
Hanggang kailan kaya ang kanilang maliligayang araw?
Dawit ang pangalan ni Pulitiko sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control.
Kung merong Nepo Babies at Nepo Wife, maituturing ba si Sexy Star na Nepo Mistress?
Read: "Congressmeow" Kiko Barzaga, gustong paimbestigahan si Speaker Martin Romualdez
