PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos, may tatlong sinusunod upang labanan ang korapsyon

Vilma Santos, may realizations sa pagbabalik sa politika.
by PEP Troika
Published Sep 12, 2025
vilma santos book launch
Batangas Governor Vilma Santos on fighting corruption: “Tatlong bagay lang naman yan, e — follow the law, be accountable to your people, and then be transparent. Sundin mo lang itong tatlong ito, I think you’re on the right track. I’m trying my very best na yan ang aking ginagawa at sinusundan lahat.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Dagsa ang Vilmanians sa SMX Convention Center noong Biyernes, September 12, 2025, kung saan inilunsad ang librong Vilma Santos Icon, na binuo nina Augusto Antonio Aguila at Joselito B. Zulueta ng UST.

Nakapaloob dito ang essays na tumatalakay sa iba’t ibang karakter na ginampanan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa memorable films na ginawa niya.

Pinag-aralan nila ang bawat karakter ng ginampanan ng Star for All Seasons sa mga pelikulang kagaya ng Sister Stella L., Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?, Darna, at marami pa.

Dinaluhan ni Vilma ang book launch, at naging magiliw siya sa lahat ng gustong magpapirma ng libro at magpalitrato sa kanya.

Read: Fernando Poe Jr.'s 2004 candidacy and untimely death: A lookback

vilma santos book launch
Vilma Santos signs a book for a fan.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GOVERNOR VILMA SANTOS ON ISSUE OF CORRUPTION

Humarap sandali ang actress-politician sa mga miyembro ng media at hindi naiwasan ang mainit na isyu ng corruption.

Pasabog ang tanong ni Morly Alinio kay Ate Vi: Kung nandito ngayon si Sister Stella L., ano ang mararamdaman niya sa mga nangyayari sa ating lipunan?

Ginampanan ni Ate Vi sa Sister Stella L. ang papel ng isang madre na namulat sa kalagayan ng mga karaniwang manggagawa.

empowering female leads Vilma Santos as Sister Stella L.
Vilma Santos in a scene from the 1984 film Sister Stella L.
Photo/s: Scene from Sister Stella L.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa actress-politician, marami siyang realizations sa pelikulang idinirek ni Mike de Leon na hindi raw niya naisip habang ginagawa niya iyon noong 1984.

Aniya: "You know, that time, hindi pa ganun kalawak ang kaalaman ko sa lipunan.

"When I was doing it, 80 percent nun na artista pa rin ako. Ginagawa ko pa lang nun ang role ni Sister Stella L.

“But the good thing, when I became a public servant, lahat pala na binanggit ko sa pelikulang yun ay totoo sa totoong buhay. And that is a realization sa akin.

“Kasi yung mga binanggit ko na katarungan sa mga manggagawa, nakikita ko na nangyayari sa mga mangagawa ngayon, e.

“Dagdagan lang ang kanilang suweldo, hirap na hirap, e.

“Isang bagay din na natutunan ko na sinasabi ko rin, na ang manggagawa ang nagpapayaman sa inyo. Pero bakit sila ang naghihirap? Sila ang gumagawa ng paraan para yumaman kayo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And I think, you know, to be truthful, yung nangyayari nun, nangyayari pa rin ngayon.

"And the problem what we are facing now, magulo ang paligid natin, you get me?”

Read: Vice Ganda slams corrupt government officials anew

JERRY OLEA

Bukod sa Vilma Santos Icon na ginawa ng UST, may dalawa pang inihahandang libro na susunod na ilulunsad sa tulong ng Vilma Santos Solid Internationsl (VSSI) na pinamumunuan ng kaibigang Jojo Lim — ang filmography at coffee table book ng Star For All Seasons.

VILMA'S REALIZATION ON HER RETURN TO POLITICS

Matagal na sa pulitika si Ate Vi.

Nagpahinga siya ng tatlong taon, pero bumalik siya ngayong 2025 matapos maihahal muli bilang Batangas governor.

Marami na raw siyang natutunan at napagtanto.

Saad niya: “Ang akin lang, now that I’m also in the government, I’m also a public servant, one thing na pinapa-realize ko sa Batangas, bilang nanay ng Batangas...

"I guess the most important thing, we all continue work as a team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tatlong bagay lang naman yan, e — follow the law, be accountable to your people, and then be transparent.

“Sundin mo lang itong tatlong ito, I think you’re on the right track.

"I’m trying my very best na yan ang aking ginagawa at sinusundan lahat.”

Read: Joel Cruz, mas gustong tawaging "Sir" kahit mahaba ang buhok

NOEL FERRER

Itong Sister Stella L. ang isa sa di makakalimutang pelikula ni Ate Vi.

Nung nabubuhay pa si Direk Mike de Leon, nalaman daw niyang talagang ginawan daw ng paraan ng direktor na ma-restore ito.

Tinutukan daw ito nang husto ni Direk Mike. Sayang nga raw na nakamatayan na ng premyadong direktor.

Sabi ni Vilma: “Given a chance na matapos ang restoration ng Sister Stella L., talagang kung ano ang aabutin ito, I will do everything just to make sure saan man to palabas, I will make sure nandun ako.

"Para dalhin ang pangalan ni Mike de Leon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maine Mendoza insists husband Arjo Atayde not capable of stealing people's money

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangas Governor Vilma Santos on fighting corruption: “Tatlong bagay lang naman yan, e — follow the law, be accountable to your people, and then be transparent. Sundin mo lang itong tatlong ito, I think you’re on the right track. I’m trying my very best na yan ang aking ginagawa at sinusundan lahat.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results