PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nonoy Zuniga Beyond Gold concert highlights and sidelights

Kuh Ledesma at Lani Misalucha, may backstage moment sa concert.
by PEP Troika
Published Sep 9, 2025
nonoy zuniga concert
Veteran balladeer Nonoy Zuñiga successfully staged his anniversary concert Beyond Gold: Songs of a Lifetime at the Newport Performing Arts Theater in Pasay City on September 5, 2025.
PHOTO/S: Better Click Studio Facebook

JERRY OLEA

KUH-LANI!

Guests sina Kuh Ledesma at Lani Misalucha sa Beyond Gold: Songs of A Lifetime concert ni Nonoy Zuñiga noong Setyembre 5, 2025, Biyernes, sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.

Naka-duet ni Nonoy si Kuh, na afterwards ay may solo number.

Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba

nonoy zuniga kuh ledesma concert
Nonoy Zuniga and Kuh Ledesma
Photo/s: Better Click Studio Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-duet din ni Nonoy si Lani, na kapagkuwan ay solo ring umawit.

lani misalucha nonoy zuniga concert
Lani Misalucha and Nonoy Zuniga
Photo/s: Better Click Studio Facebook

Walang Kuh-Lani moment sa stage.

Backstage, may picture ang Kuh-Lani na sinend sa amin ng publicist na si Jemuel Salterio.

kuh ledesma lani misalucha concert
Kuh Ledesma and Lani Misalucha
Photo/s: Courtesy of Jemuel Salterio
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinost naman ng co-producer na si Mommy Ponti sa Facebook yung litrato ng pinto ng dressing room kung saan magkasama sina Kuh at Lani.

Naalala ko tuloy ang lumang joke na kung napangasawa ni Kuh ang basketbolistang si Atoy Co, siya ay magiging Kuh Co.

Ganoon din kung ang napangasawa ni Kuh ay si Christopher Co, ang daddy ng tinaguriang Pambansang Disney Princess o National Nepo Baby na si Claudine Co.

Read: Maine Mendoza stands by husband Arjo Atayde amid Discaya allegations

HITMAKERS REUNION

Panauhin din sa 50th anniversary concert ni Nonoy ang mga kasamahan niyang Hitmakers na sina Rey Valera at Marco Sison.

Yung pag-awit nilang tatlo ng first hit song ni Nonoy na "Doon Lang" (1981) ay nagpaluha nang lubos kay Alynna, ang partner ng namayapang Hitmaker na si Hajji Alejandro.

Patok na patok pa rin ang joke nina Rey, Marco, at Nonoy na dahil patay na sina Hajji at Rico J. Puno, silang tatlong naiwan ay puwedeng tawaging The Survivors.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ni-rehash din nila yung joke sa pag-ihi ng lalaki, at ang koneksyon niyon sa kalusugan.

Ginamit na nila ang jokes na iyon sa Seasons of OPM concert ni Marco noong Hulyo 25, 2025 sa The Theater at Solaire.

Sold out ang 50th anniversary concert ni Nonoy.

Sabi ni Marco, natupad ang pangarap nito.

Hirit pa ni Rey, “Kung si Marco Sison, noong nag-show siya, ang pangarap niya, makakanta nang may mga babaeng nagsasayaw sa harap niya. Natupad iyon.

“Ikaw naman, natupad na rin ang pangarap mo. Na nalaman mo na, na yung mga fans mo ay hindi puro naka-dextrose.”

“Buhay pa sila, ikaw naman,” sey ni Nonoy, habang tatawa-tawa si Marco.

Hanash pa ni Rey, “Nahihiya nga ako kanina, may nagpakuha sa aking mga babae. Binully-bully ko pa. Yun pala, doktora.

“Nalaman ko, puro doktor ang mga nanonood.”

Sambot ni Nonoy, “Di pa, pinagkamalan ka? Ang guwapo mo daw, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napangisi si Rey, “Oo nga, e. Nakakabulag pa rin, e. Napagkamalan na naman akong si Piolo Pascual.”

Binati nila kapagkuwan si Alynna, at ang iba pang nasa audience.

Wika ni Rey sabay tapik sa likod ni Nonoy, “Talagang kino-congratulate ka namin. We’re happy for you. At kahit paano’y buhay pa tayo.”

Read: Michael V, ipakikilala na si "Ciala Dismaya" sa Bubble Gang

marco nonoy rey hitmakers
Marco Sison, Nonoy Zuniga, and Rey Valera
Photo/s: Better Click Studio Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARCO SISON AND REY VALERA

In-intro ni Rey si Marco sa solo spot nito: “Mga kaibigan, ang tao pong ito kilalang-kilala ito sa Biñan [Laguna].

“Dahil ho siya ngayon, ang kanyang paboritong hobby ay mag-alaga ng mga fighting cocks…

“At nag-aalaga ho siya ng mga manok na pansabong. Nakabili ho siya ng farm, anlaki sa Biñan, siguro kasinlaki nito,” pagmumuwestra ni Rey sa entablado, bago nagpatuloy.

“Malaki! Ang tawag ho sa kanya sa Biñan ay The Cock! Oo, oo talaga. Kaya ladies and gentlemen, ang taong ito, kilalang-kilala sa buong sabungan.

“Ladies and gentlemen, please welcome Mr. Marco ‘The Cock’ Sison!”

Natatawang pagbabanta ni Marco kay Rey, “Gagantihan kita mamaya!”

Matapos kantahin ni Marco ang latest single niyang "Sabik na Puso" ay in-intro niya si Rey, “Medyo nasa kalagitnaan na tayo, ano? O sobra pa sa gitna?

“Siguro, mas maganda ho, habang kumakanta itong taong ito, baka gusto ninyong mag-CR muna. Magsigarilyo muna, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bilisan niyo lang. Kasi, maiksi lang ang kanta nito, e. Suggestion lang po yun.

“Anyway, ito pong taong ito, e, sa totoo lang, kilalang-kilala niyo na ito. So, this guy does not need any introduction.”

Umentra na si Rey at ang sabi, “Maraming salamat, kaibigang… ano na nga uli ang pangalan mo?

“Sa mga marites diyan, si Marco Sison ay hindi nagko-condom — hindi kasya! Maluwag, maluwag.”

Kinanta ni Rey ang hit song niyang "Pangako Sa ‘Yo."

Ni-request niya ang audience na buksan ang flashlight ng kani-kanyang cellphone at iwagayway iyon.

“Salamat. Alam niyo kung ano yung feeling pag nakikita nyo sa entablado yung ganun,” pakli ni Rey kaugnay sa pagkutitap ng mga ilaw ng CP.

“Para kang dinadala sa huling hantungan. Thank you, ha? And now, ladies and gentlemen, please welcome back… The Slowest Balladeer! Mr. Nonoy Zuñiga!”

Read: Elijah Canlas "inabuso" ni Ron Angeles sa Cinemalaya movie Raging

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Hindi siyempre napikon si Nonoy Zuñiga sa biro ni Rey Valera.

“Thank you, pareng Rey! Palakpakan din natin si pareng Marco!” bulalas ni Nonoy.

Sa kasunod na segment ng concert ay umupo si Nonoy at naggitara.

Binalikan niya ang pag-uumpisa bilang folk singer noong 1972-73.

nonoy zuniga conceet
Photo/s: Better Click Studio Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang bayad lang po noon, sampung piso, dalawang sets na. Malaki na iyon, ano?” pagbabalik-tanaw ni Nonoy.

“1972, puwede na. Sa edad ko na yon, hindi na ako humihingi sa mother ko. Tuwang-tuwa na ako.

“Kasi, nakakabili na ako ng chocnut, ng sampalok, ayan, ube na bilug-bilog na ganun. Paborito ko yun.

“I will never forget those good old days. Why? Because it made me more grateful for what I have now.”

Bumanat si Nonoy ng "Fire and Rain" (1970) ni James Taylor, "Vincent" (1972) ni Don McLean, at "Take Me Home, Country Roads" (1971) ni John Denver.

Hinimok niya ang audience na sabayan siya sa pagkanta.

Sabi ni Nonoy matapos ang sing-along: “Thank you! Nag-enjoy ba kayo? Marami pang folk, e.

“Pero siguro, sa susunod nang concert, puro folk. Ang title, Folk-folk-an Na!”

Read: British-Italian Carlo Acutis canonized as first millennial Catholic saint

GORGY RULA

Maliban sa golden anniversary niya bilang singer, ipinagdiwang ni Nonoy Zuñiga ang kanyang birthday sa Beyond Gold: Songs of A Lifetime concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pa-cake ang producer na si Mhae Sarenas ng Echo Jam Entertainment.

Sinamahan si Mhae ni Raymond Gorospe na isa sa tatlong front act. Ang dalawa pang front act ay ang Bossa Nova Princess na si Andrea Gutierrez, at ang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti.

Andrea Gutierrez Raymond Gorospe Isha Ponti
Andrea Gutierrez, Raymond Gorospe, and Isha Ponti
Photo/s: Better Click Studio Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung ang bansag ni Rey Valera kay Nonoy ay "The Slowest Balladeer," ang tawag naman dito ni Lani Misalucha ay "The Golden Voice."

Ayaw sabihin ni Nonoy kung ano ba talaga ang edad niya.

Sabi ng Philippines’ King of Ballads, “I was born, nakoh… late ‘50s.”

NONOY ZUNIGA PAYS TRIBUTE TO HIS 93-YEAR-OLD MOTHER

Nakaka-touch ang pagbibigay-pugay ni Nonoy sa kanyang inang nanood sa kanya.

Sa edad na 93 ay bakas sa mukha ng kanyang ina na mas maganda ito noong kabataan.

Kuwento ni Nonoy bago umawit ng timeless favorites na "Moon River," "Fascination," at "I Left My Heart in San Francisco": “They hold a deeply personal significance for me…

“Alam nyo po, ang parents ko po ang nag-influence sa akin pagdating po sa music and voice.

“My father is my influencer when it comes to singing, and my mom is my influencer when it comes to music. Ma, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya yung unang-unang DJ sa amin. Andami niyang plaka, long playing albums. Four or five boxes, pinapatugtog po niya araw-araw.

“Especially when my dad is out of the country. He’s always out, he’s a Vietnam veteran. So, madalas yung mommy ko, nagpapatugtog. Maliliit pa kami.

“Naririnig ko na sila, e. Andami nilang pinapatugtog. Classical music. Ano yung mga classical music, sige nga?

“Beethoven, Bach, Chopin. OK… may mga soloists din nung panahon na yun, di ba? Female and male, andami.”

Tinanong ni Nonoy ang audience kung sinu-sino ang sikat na singers noong late ‘50s papuntang ‘60s.

Nabanggit siyempre sina Frank Sinatra, Elvis Presley, Matt Monro, Andy Williams, at Johnny Mathis.

Pagpapatuloy ni Nonoy: “OK, OK, kuntento na ako sa edad ninyo. But you know, lahat yun, pinatugtog niya. May plaka po siya. Long playing albums

“Pero siguro, napansin ko, may tatlong favorite songs siya dun. Kasi, hindi lang niya pinapatugtog araw-araw. Ginagawa pa niyang pampatulog sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“One to two years old ako noon. Pagka pinapatulog ako ni Mommy… ginaganun lang niya ang noo ko. Tapos pipikit na ako, matutulog na ako…”

Ang ganda rin ng participation ng mga batang estudyante sa The Philippine School for the Deaf na nag-sign language habang kinakanta ni Nonoy ang "Ako Ay Ikaw Rin."

Nonoy Zuniga with the students of The Philippine School for the Deaf
Nonoy Zuniga with the students of The Philippine School for the Deaf
Photo/s: Better Click Studio Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “There are many songs but there are some special and memorable ones. They are songs that speak of your purpose. One such song defined me.”

THE ORIGINAL SINGER

Nagulat ako na si Nonoy pala ang original na kumanta ng "Basang-Basa Sa Ulan" na pinasikat ng Aegis, at "Araw-Gabi" na ang buong akala ng karamihan ay kay Regine Velasquez.

Lahad ni Nonoy kaugnay sa Araw-Gabi: “This next song is very special because it’s the wedding song which was given away as a 45, maliit yun, di ba, yung 45 record na plaka ng ating National Artist Ryan Cayabyab.

“Ito yung talagang kanyang gift nung kinasal sila ni Emmy. It has been revived by many singers, other artists, but I’m simply happy because na-record ko siya noong 1986.”

Matapos umawit, mapagkumbabang saad ni Nonoy, “Maraming salamat kay Regine sa 'Araw-Gabi.' Palakpakan natin!

“Kung hindi niya nakita yun, na-discover niya, e… Ito naman, pinasikat ng Aegis sa isang musical.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But I’m very honored and humbled to have recorded this song. 1981 ko ito ni-record. Tapos, pinasikat ng Aegis.”

Kinanta ni Nonoy kapagkuwan ang "Basang-Basa Sa Ulan."

Read: Jeraldine Blackman says no cheating in split with husband Josh

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran balladeer Nonoy Zuñiga successfully staged his anniversary concert Beyond Gold: Songs of a Lifetime at the Newport Performing Arts Theater in Pasay City on September 5, 2025.
PHOTO/S: Better Click Studio Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results