PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael V, ipakikilala na si "Ciala Dismaya" sa Bubble Gang

Michael V. pinagbigyan ang public clamor na i-spoof si Sarah Discaya.
by PEP Troika
Published Sep 9, 2025
michael v bubble gang
Comedy genius Michael V. is set to launch his new character, Ciala Dismaya, in Bubble Gang on September 14, 2025.
PHOTO/S: Bubble Gang Facebook

GORGY RULA

Bagong teleserye sa Senado at Kongreso ang sinusubaybayan ngayon ng taumbayan.

Interesado ang halos lahat kung ano ang katotohanan sa nangyayaring corruption sa flood control projects na kinasasangkutan ng contractors, mambabatas, at mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Unang paglabas pa lamang ni Sarah Discaya, kasama ang asawa niyang si Curlee Discaya, pinagpiyestahan na ito ng netizens.

Ikinumpara agad ng netizens si Sarah kay Michael V.

Kamukha raw kasi ng kontrobersiyal na contractor si Michael V. kapag may ginagampanang karakter ang comedian-creative director sa gag show na Bubble Gang.

Read: Michael V., "nadawit" sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senado

MICHAEL V. UNLEASHES HIS NEW CHARACTER

At dahil marami ang humihiling, mapapanood na ang bagong karakter na gagampanan ni Bitoy bilang si "Ciala Dismaya."

Marami raw sa mga sketch ay may kinalaman sa mga nagaganap na hearings.

“Hearing ongoing… [laugh emoji] #soon #BG30,” post ng Bubble Gang mainstay na si Paolo Contis sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit ang cast ng Bubble Gang ay tawang-tawa habang kinukunan nila ang mga eksena ni "Ciala Dismaya."

Kopyang-kopya raw talaga ni Bitoy si Sarah Discaya, pati ang nuances nito.

Kaya ito ang aabangan sa Bubble Gang na magdiriwang na ng kanilang 30th anniversary.

Natanong ko si Michael V. tungkol dito.

Pahayag ng comedian: (published as is): "Actually, ako mismo, napansin ko na na kamukha ko s’ya.

"Nu’ng may nag-tag sa ‘kin ng meme, that’s when I told the writers we had to do a sketch about her.

"Last night, we taped 3 short sketches and the BG fan page posted the preview na nakatalikod ako.

"This morning, 7 million views na. 7 MILLION, nakatalikod pa!!!

"Gano’n ka-excited ang mga tao. Which made me feel real proud about the show.

"Abangan n’yo sa BBL GNG this Sunday, sasagutin ni Mrs. Ciala Dismaya ang tanong ng mga senador.

"Hopefully, maintindihan n’yo na kung ano ang totoong nangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sarah discaya michael v
Who is the real Sarah Discaya?
Photo/s: Facebook

JERRY OLEA

Naglabas ng teaser ang Bubble Gang sa kanilang Facebook page nitong Setyembre 8, Lunes, bago maghatinggabi.

Ilang segundo lang iyon, back view na naglalakad si Ciala Dismaya para maupo sa hearing.

In 13 hours, humamig na iyon sa FB ng 8.3M views and counting.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaasahan nating tututukan ng sambayanan ang pa-baha o “pagkanta” ni Ciala Dismaya sa Setyembre 14, Linggo ng 6:10 P.M.

Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba

NORA AUNOR AS FLOR CONTEMPLACION

Itong clamor para i-spoof ni Michael V. si Sarah Discaya ay nagpaalala sa akin sa clamor noong 1995 na gampanan ni Nora Aunor ang karakter ni Flor Contemplacion sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marso 17, 1995 binitay si Flor sa Singapore, at palaging pinapatugtog noon ang kantang "Paglisan" ng Color It Red kung saan si Cooky Chua ang vocalist.

Hunyo 7, 1995 ay showing na sa mga sinehan ang pelikulang The Flor Contemplacion Story na bida si Nora.

Idinirek iyon ni Joel Lamangan, mula sa panulat nina Ricky Lee at Bonifacio Ilagan.

Ang theme song niyon ay "Kahit Konting Awa," na si Nora mismo ang kumanta.

Abang-abang tayo kung meron ding awit si Ciala Dismaya with her blue umbrella.

Kung si Nora ay may pelikulang Bakit Bughaw Ang Langit? (1981) sa direksyon ni Mario O’Hara, ang tanong natin kay Ciala Dismaya… Bakit Bughaw Ang Payong?

michael v ciala dismaya
Michael V. as Ciala Dismaya
Photo/s: Bubble Gang Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Comedy bilang representasyon ng buhay! Mahusay talaga si Michael V!

Iyan talaga ang hamon sa artists, gamitin ang sining, ang platforms na available para ipalabas ang katotohanang makakatulong sa ating bayan.

Kakaibang tapang ang kailangan dito.

Sining para sa bayan!

Read: Maine Mendoza stands by husband Arjo Atayde amid Discaya allegations

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedy genius Michael V. is set to launch his new character, Ciala Dismaya, in Bubble Gang on September 14, 2025.
PHOTO/S: Bubble Gang Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results