PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba

Isa lamang ito sa marami niyang ari-arian
by PEP Troika
Published Sep 7, 2025
amalia fuentes house
Isa ito sa mga bahay ni Amalia Fuentes sa Quezon City. Yun nga lang, pinagiba na ito ng bagong may-ari.
PHOTO/S: courteys of Butch Francisco

GORGY RULA

Nalungkot at nanghinayang ang non-showbiz friend ko sa nangyari sa bahay ni Amalia Fuentes sa isang subdivision sa Quezon City.

Nagiba na pala ito.

Ayon sa aming source, naibenta na ang malaking bahay ng namayapang movie queen of Philippine cinema.

Ang tantiya raw niya, halos one thousand square meters ang laki ng property.

Hindi lang tiyak ng aming source kung ipinamana ito ni Amalia sa tatlong apo—mga anak nina Albert at Liezel Martinez.

Hindi rin niya alam kung sila ba ang nagbenta nito.

Ang sigurado: ang nagpagiba ay ang nakabili ng bahay.

Katapat pala nito ang bahay ng talk show host at columnist na si Butch Francisco.

Abot nga raw kay Butch ang ingay ng pagpapagiba dahil sa sobrang tibay ng bahay.

Buhos daw ito kaya nahirapan ang mga construction workers sa pagtibag.

Kahit si Butch ay nanghinayang din.

Ipinadala pa niya sa akin ang kuha niya sa bahay na yun bago ito giniba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay halos na-demolish na raw ito.

Ayon naman sa napagtanungan namin, tatlo ang bahay ni Amalia sa village na yun. Naibenta na rin daw ang isa, at isa na lang ang naiwan.

Maganda ang bahay, pero hindi naman daw nila alam kung anong gustong gawin ng nakabili ng bahay kaya yun ipinagiba.

Kung hindi kami nagkamali, sa tatlong apo ni Amalia napunta ang mga bahay nito.

Si Alfonso na lang ang naiwan dito, dahil sa ibang bansa naman nanirahan ang dalawa niyang kapatid na sina Alyanna at Alissa.

Baka napagkasunduan na lang nilang ibenta ito. Mahirap nga namang i-maintain ang ganoon kalaking bahay.

Read: Survivor dog Tiktok passes away after car accident

JERRY OLEA

Naalala ko tuloy ang kuwento noon ng namayapang Tito Alfie Lorenzo na binantayan ni Amalia Fuentes ang pagpapagawa ng kanyang bahay.

Life goes on.

May kani-kanyang buhay na ang kanyang mga apo.

Basta, nasa gunita pa rin si Amalia ng masusugid niyang tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti at na-restore ang pelikulang Aguila (1980), kung saan gumanap siya bilang ina ni Fernando Poe Jr., sa direksiyon ni National Artist Eddie Romero.

Bilang movie queen, top billing si Amalia sa poster ng pelikulang My Only Love (1982), na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, sa direksiyon ni Eddie Garcia.

Bongga rin ang billing niya sa poster ng launching film ni Miya Nolasco na Reputasyon (1996), sa direksiyon ni Elwood Perez.

Mas healthy na si Amalia sa Reputasyon, pero bakas pa rin ang kanyang ganda.

Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals

NOEL FERRER

Nakakalungkot lang at ganito ang kinahinatnan ng bahay ng dating movie queen na si Amalia Fuentes.

In the end, tama naman si Tito Jerry, makakalimutan ng tao ang mga materyal na bagay, pero ang mananatili ay ang kabutihan nito at pakikisama sa kapwa at ang mga kongkretong mga pelikula at proyektong ginawa niya na makasining.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ko masyadong naabutan ang peak ni Amalia Fuentes sa pelikula.

Pero ang tumatak sa kanya, maliban sa kanyang angking ganda ay ang pakikipaglaban lalo na kung pamilya ang pinag-uusapan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa ito sa mga bahay ni Amalia Fuentes sa Quezon City. Yun nga lang, pinagiba na ito ng bagong may-ari.
PHOTO/S: courteys of Butch Francisco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results