PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gandarang aktres na nagparetoke ng ilong, peg ang reynang aktres?

Gandarang aktres, hindi lang ilong ang nagbago kundi pati umano ang ugali.
by PEP Troika
Published Sep 5, 2025
blind item gandarang aktres
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Nagpa-rhinoplasty na naman ang isang gandarang aktres na kasama sa isang top-rating show.

Kapansin-pansin ang kanyang bagong ilong nang um-attend siya sa isang recent event na dinaluhan ng iba pang big stars.

Nagdedebate 101 ang mga production staff kung second or third time na niyang magpa-nose job.

Sa huling pagpapaayos ay medyo matulis ang dulo ng ilong ni Gandarang Aktres. Nagpa-tip, ika nga, ng mga dalahira.

Read: Janella Salvador hints at real score with Klea Pineda

PEG ANG REYNANG AKTRES?

Meron daw peg itong latest niyang pagpapaayos ng ilong.

Ang gusto raw ni Gandarang Aktres ay gayahin ang ilong ng aktres na reyna ng isang TV network.

Sinipat namin ang ilong ni Gandarang Aktres.

In fairness to her, medyo na-copycat nga ang ilong ni Reynang Aktres. Maganda ang kinalabasan.

Pero mas maganda pa rin siyempre si Reynang Aktres.

NOEL FERRER

Napansin ng mga katrabaho ni Gandarang Aktres na hindi lang ilong niya ang nagbago, kundi pati raw ang ugali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bait-bait dati ni Gandarang Aktres at pinakikisamahan ang lahat ng katrabaho, mula sa production staff hanggang sa mga artista at bosses.

Ngayon ay ang laki raw ng ipinag-iba.

May times na hindi ito nambabati, at mahigpit ito sa oras ng trabaho.

Read: Pinay nurse, kids suffer assault, discrimination from UK couple

Ilang beses na raw niyang ginagawa sa taping na kapag nakumpleto na ang 16 hours sa set, bigla na lang daw itong naglalahong parang bula.

Hinaing ng ilang staff, naiintindihan nila kung maghigpit si Gandarang Aktres sa working hours.

Pero kung gusto na raw nitong umalis, sana’y magpasabi man lang.

Bakit hindi raw magpaalam kung gusto na nitong bumabu para hindi na siya hanapin?

Kahit ang co-stars nito ay hindi rin daw aware na waley na pala siya at nakatakas na.

Siyempre, may co-stars din siyang kasama sa eksena na ang buong akala nila ay makukunan pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun pala, waley na si Gandarang Aktres.

JERRY OLEA

Side effect ba ng pagpaparetoke ng ilong ang pag-iiba ng attitude ni Gandarang Aktres?

Nakaka-nosebleed!

Teka, yung ilong lang ba ni Reynang Aktres ang napusuang gayahin ni Gandarang Aktres, o may iba pa?!

Read: Mika, Esnyr, Shuvee, Will surprise Klarisse ahead of her birthday

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results