JERRY OLEA
Hindi pala ang Quezon (na pinagbibidahan ni Jericho Rosales) ang opening film ng 21st Cinemalaya filmfest sa Oktubre 3, 2025 sa Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
“No, because they have… you know, that’s a problem,” sambit ni Direk Laurice Guillen sa mediacon noong Setyembre 3, Miyerkules, sa East Atrium ng Shangri-La Plaza.
Si Direk Laurice ang presidente ng Cinemalaya Foundation.
Read: Judy Ann Santos at Marian Rivera, inisnab ng Gawad Urian
Pagpapatuloy ni Direk Laurice: “Because we had to move to October — October is too late for them. For most of the films shown this year.
“Kasi, di ba, opening film, kailangan bago yung pelikula. So, kung August ang opening [ng Cinemalaya], magandang timing kung September ang ano nila.
“So, a lot of, like Sunshine, mga ganyan, the best films supposedly na opening this year, may playdate na, na September.
“Quezon is October pero it’s too close to the ano saka iba yung kanilang marketing plan.”
So, ano ang opening film ng Cinemalaya 2025?
“Hindi ko pa masasabi. Hinihintay namin ang sagot,” pakli ni Direk Laurice.
E, ang closing film?
“Ayun ang hinihintay ko rin kung matatapos nila on time.”
Read: Janella Salvador hints at real score with Klea Pineda

CINEMALAYA 2025 HURDLES
Nanganib na baka hindi matuloy ang Cinemalaya 2025. Ano ang saloobin niya?
“Ay! Di ba? Kita mo naman, Layag!” bulalas ni Direk Laurice.
Ang tema ng Cinemalaya this year ay "Layag sa Alon, Hangin, at Unos."
Swak sa flood control?! Muntik nang “malunod” ang 21st Cinemalaya, di ba?
Pag-ayon ni Direk Laurice: “Ay! Kamuntik na talaga! Pero alam mo, maganda rin ang social media. Without our saying anything, kasi siyempre, ako pag may problema, never ko sini-share.
“Kasi sa akin, solve-in mo muna, di ba? Kasi kung uunahan mo ng ano, baka…
“Kaya lang, itong mga kati-katera, ganun-ganun, ganun-ganun [sa social media], hanggang sa may sinabi na alam mo na, ayaw ibigay yung budget. Hindi ba?
“So, tinamaan. Aba! Hindi sa akin galing yan! Ganun talaga ang magiging reaksiyon pagka ano, so ganun.
“So, parang hinilut-hilot yung budget. Alam mo naman sila, di ba, may ginagawa na ring renovation, ang laki-laki ng gastos.
“So, hinilut-hilot nang at least mairaos itong 2025. Pero ang problema kasi, 2025 pa lang, nagsimula na naman yung 2026.
“So, kailangan na rin, lalo na sa gobyerno, yung releasing, ganun.”
Read: Heart Evangelista, dalawang beses sinubukan ang surrogacy

SAVED BY THE FIRST LADY?
Iniligtas ni First Lady Liza Araneta Marcos ang Cinemalaya 2026, pagsisiwalat ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Jose Javier Reyes sa mediacon ng Philippine Film Industry Month (PFIM) noong Agosto 15, 2025 sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.
“Andali-dali! Andali-dali. Ang ibig sabihin, hindi ba, in-organize nila iyong CineGang?” pag-ayon ni Direk Laurice.
“To help yung problematic na ano. Hindi naman to duplicate the FDCP kundi andoon sila para tumulong.
“So, yun na nga. So, eto na, sinulatan. Alamin muna kung talagang hindi na talaga, kung wala na talaga sa budget ng CCP [Cultural Center of the Philippines].
“Hindi masasabi siyempre ng CCP. Sagot nila yung festival pero yung grant, yung mga ganyan… so, anyway, ganun kasimple lang ang First Lady. I will not divulge na lang the amount.
“We submitted the letter to her. ‘What’s the budget?’ Ganun.”
Read: Joey Reyes idinetalye ang proseso ng pagpili ng PH entry sa Oscars
NOEL FERRER
Puwedeng sabihin na ang Cinemalaya this year ang pinakatinipid na edition so far?
“Yes,” mabilis na tugon ni Direk Laurice Guillen.
“Ang mga decision sa Cinemalaya Foundation, a few people lang talaga yan. So, pagka ganyan na problem, OK, di ba… ano ang mga desisyon na gagawin?
“So, konti lang kami. Ang ano ko, OK, wala ang CCP, we have to look for a hub. Tamang-tama, nakausap ni Mr. [Tonyboy] Cojuangco ang Shangri-La.
“E, isasara na sana yung tatlo nilang sinehan. Dalawa na lang matitira. So, huwag naman kung puwede. So, we had this thing with them. So, this becomes the main hub.
“Kasi, iniisip ko, kung Cinemalaya talaga yan, kung Cinemalaya Foundation yan, let’s streamline it.
“Streamline it kung ano ba talaga ang Cinemalaya. Sa festival, ano ang importante diyan? Yung competing films.
“So, yung sampung iyon, let’s concentrate. Huwag na yung iba muna. Streamline! Wala nang ibang activities.
“Yung sampung films lang. That’s the strength. You throw away the… hindi naman garbage.
“You throw away the excess ano na. Puwede namang ano, may sarili silang other partners and so on.
“Pero for Cinemalaya, it’s really the Main Competition.
“This year, wala na kaming palabas na iba maliban sa opening and closing film. Cinemalaya na lang.
“Kasi, we’re streamlining.”
Sana, mabuo talaga yung inaasam ni Direk Laurice na Cinemalaya Club na magmamalasakit itaguyod ang napakahalagang festival na ito!
Read: Richard Gomez apologizes to journalists for "media spin" allegation

CINEMALAYA 2025 FULL LENGTH FILMS
Ang sampung full lengths na magtatagisan sa Cinemalaya 2025:
BLOOM WHERE YOU ARE PLANTED by Nonilon Abao

CHILD NO. 82 by Tim Rone Villanueva

CINEMARTYRS by Sari Dalena

HABANG NILALAMON NG HYDRA ANG KASAYSAYAN by Dustin Celestino

PADAMLÁGAN by Jenn Romano

PAGLILITIS by Cheska Marfori and Raymund Barcelon

OPEN ENDINGS by Nigel Santos and Keavy Vicente

REPUBLIKA NG PIPOLIPINAS by Renei Dimla

RAGING by Ryan Machado

WARLA by Kevin Alambra

Read: Stray Kids scores historic seventh No. 1 on Billboard 200 with KARMA
SHORT FILMS CINEMALAYA 2025
Ang sampung short films sa 21st edition ng Cinemalaya:
ASCENSION FROM THE OFFICE CUBICLE by Hannah Silvestre

FIGAT by Handiong Kapuno

HASANG by Daniel de la Cruz

I'M BEST LEFT INSIDE MY HEAD by Elian Idioma

KAY BASTA ANGKARABO YAY BAGAY IBAT HA LANGIT by Marie Estela Paiso

KUNG TUGNAW ANG KAIDALMAN SANG LAWOD by Seth Andrew Blanca

PLEASE KEEP THIS COPY by Miguel Lorenzo Peralta

RADIKALS by Arvin Belarmino

THE NEXT 24 HOURS by Carl Joseph Papa

WATER SPORTS by Whammy Alcazaren

GORGY RULA
Nasa Film Lab na ang 20 semi-finalists para sa 2026 batch ng Cinemalaya.
Yung 10 finalists na matatapos ang iskrip sa Setyembre ay ia-announce sa closing ceremony ng 21st Cinemalaya sa Oktubre 12, 2025.
“Tuluy-tuloy pa rin. Parang tuluy-tuloy ang call for entries, wala pang budget!” natatawang bulalas ni Direk Laurice.
“Kasi, hindi na tayo maghintay. Mag-ready na tayo para pagdating ng pera, andiyan na, ready na.
“So it’s like the films, no. Huwag kang maghintay na meron kang producer. Gawin mo na!
“Kasi, pag nandiyan na, papasok na yung ano. So, sure enough, I cannot thank the First Lady enough for coming to the rescue and giving us the budget for 2026.”
Dahil priority ngayon ng CCP ang renovation, OK lang ba ang filmmakers ng Cinemalaya entries na kumuha ng partners sa labas para sa production budget nila?
“Yes, yes. Listen, kasi it’s a foundation. And nothing comes to us. Even the films, hindi kami ang nagmamay-ari, di ba?” paliwanag ni Direk Laurice.
“Yun ang sinabi ko, for Cinemalaya Club of people who share our vision and mission, who can help in whatever way.
“Kung ano mang paraan ang gusto mong itulong. Iyong pondo naman, for now ay P1M from CCP, and P1M from FDCP.
“Hindi na masasagot ng CCP yan for next year. FDCP, sagot pa rin. So the First Lady came to the rescue with a budget for the CCP part.
“But CCP wants to stay on as a partner for the festival itself. Like I told you, it’s 20 months for one cycle.
“So, ang ano, the festival comes at the last two, three months.”
Magiging malaya pa ba ang mga pelikula sa Cinemalaya kung may private parties na nagko-co-finance?
“That’s the point, na kailangan naiintindihan nila kung ano ito,” pagmamatuwid ni Direk Laurice.
“Kung gusto nilang pondohan, huwag nilang baguhin. Puwede silang mag-casting, like Marian Rivera sa Balota. Nasa kanila yun. Casting yun, e.”
Nag-aagam-agam din ang iba na dahil sinagip ni First Lady Liza Araneta Marcos ang Cinemalaya 2026 ay baka may restrictions dito?
“Hindi! No! She understands what it’s about! Yung freedom nga, freedom of expression,” saad ni Direk Laurice.
Read: Actress Chloe Grace Moretz marries model Kate Harrison in secret ceremony
