GORGY RULA
Nagkamabutihan ang isang promising young actor at ang non-showbiz younger sister ng isang controversial actor.
Hindi nila inamin sa publiko ang status ng kanilang relasyon, pero maraming insiders ang nakakaalam.
Si Younger Sister ay member ng isang showbiz family.
Si Promising Young Actor ay mula sa isang pamilyang kilala sa showbiz at pulitika.
Wala pang dalawang buwan ang relasyon nila, pero naghiwalay sila ng landas.
Hindi batid ng aming source kung ano ang mitsa o ugat ng kanilang breakup.
Read: Standout beauties at Preview Ball 2025
TOGETHER AGAIN
Kamakailan ay nag-dinner ang showbiz family, kung saan ipinagdiwang ang bagong achievement ni Younger Sister.
Wala sa pagtitipon ang controversial actor at ang mommy nila ni Younger Sister. Treat iyon ng daddy nila.
Present doon ang ibang mga kapamilya na nagulat dahil imbitado sa pagtitipon si Promising Young Actor!
Sweet muli sa isa’t isa sina Promising Young Actor at Younger Sister.
Ambilis natuldukan ang kanilang relasyon, pero ambilis ding nagkaroon ng panibagong chapter.
Alam na kaya nina Mommy at Controversial Actor ang nangyaring balikan?
Read: Heart Evangelista shows privileged life as a child in throwback photos
JERRY OLEA
Oh, young love, sweet love!
Tampong pururot lang siguro o cool off yung unang breakup nina Younger Sister at Promising Young Actor.
Mukhang boto naman kay Promising Young Actor ang mga kapamilya ni Younger Sister.
Wala ring problem sa panig ni Promising Young Actor, di ba?
Hopefully, this time ay magtagal-tagal ang kanilang love the second time around.
Huwag sanang tumulad sa iba na on-off, on-off, on-off. Nakakapundi yun!
NOEL FERRER
Ako, to be young and in love, basta ba hindi nakakasira sa career at mga dapat gawin sa buhay, let them!
Character building yan. Weno ngayon kung may kumukontra.
Basta mapangatawanan nilang nagiging mas mabuti at mahuhusay na tao sila dahil sa isa’t isa, G lang!
Read: Richard Gomez apologizes to journalists for "media spin" allegation
