JERRY OLEA
Flood control.
Contractors.
Nepo babies.
Disney princesses.
Iskolar ng bayan.
Luxury cars.
DPWH.
Ghost projects.
Substandard.
Senatongs.
Congtractors.
Read: Sarah Discaya, ginisa ng mga senador sa Senate hearing
MISSING ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA...
Sa pag-ariba ng mga usaping ito, nakaka-miss ang satirical sitcom na Abangan Ang Susunod Na Kabanata (1991-1997) na ang scriptwriter ay si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Jose Javier Reyes o Direk Joey.
Tampok sa sitcom na ito na ipinalabas sa ABS-CBN sina Noel Trinidad, Tessie Tomas, Anjo Yllana, Joji Isla, Nova Villa, Roderick Paulate, Carmi Martin, Sammy Lagmay, Winnie Cordero, Jennifer Sevilla, Jolina Magdangal, Ina Raymundo, Freddie Webb, Carmina Villarroel, at Nanette Inventor.
“Kaninang umaga…” natatawang pasakalye ni Direk Joey sa opening ceremony ng Philippine Film Industry Month (PFIM) 2025 noong Setyembre 1, 2025, Lunes, sa Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
“Di ba, dapat, may first day of classes ngayon sa La Salle? E, biglang bumagyo, kinansela ang classes. Lahat, naging online.
“So, ang lolo, ang agang nagising, gumawa ng Zoom. Binuksan ko yung Zoom, nag-aabang ako.
“Wala ni isang estudyante na nag-Zoom sa akin. Para akong dyunga!
“E, dahil wala akong magawa, nanood ako ng Senate hearing ng flood control.
“Tapos in between, pinanood ko yung mga YouTube videos ng mga nepo babies.
“Kung meron lang Abangan…, ano, alam mo, kating-kating-kati ka, hindi ba? Na i-spoof ang mga iyan, ano?! Di ba?
“E, wala, e! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: Michael V., "nadawit" sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senado
NORMALIZING CORRUPTION
Kung naambunan lang sana kahit PHP1B ang FDCP para sa mga proyekto nito… makakatulong sana sa Oscars campaign ng Magellan ni Lav Diaz!
“E, nakita mo naman ang nangyari! Sa kauna-unahang pagkakataon, lumubog ang Miriam College at Ateneo sa baha!” napakunot-noong bulalas ni Direk Joey.
“Hindi ba? Talagang… wala, e! Kanina nga, I couldn’t help myself. I had to pause. Sabi ko, nakakadismaya.
“Kasi, na-normalize na ang corruption. Hindi ba? Na-normalize, I mean, sabi ko, ‘Buti na lang, wala akong anak at mga apo.’
“Kasi kung may anak ako at mga apo, anong bayan ito kung hindi malulutas ito?
“Kailangan, may makulong! Kailangan, may makulong para ma-justify ito. Kung hindi, ano lang ito?
“Ano ito, moro-moro? Kailangan, may makulong. People must pay for this.
“Pero alam mo, aliw na aliw ako, first time akong nanood ng mga video ng mga nepo babies. Nababaliw ako!”
Ang daming nepo babies na walang pakundangan kung ipagyabang ang kanilang mga luho at kaeklayan. May paborito ba siya?
Mabilis na sagot ni Direk Joey: “Ay! Meron. Sa Lululemon. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Iniisip ko, grabe ang binili nito sa Lululemon, ha? Di ba?”
Sana, may gumawa ng documentary tungkol sa nepo babies…
“Pero it’s incredible. It’s incredible.”
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews
NOEL FERRER
Nasabi ko na ang posisyon ko rito: “Siguraduhin nating may managot, nang sa gayon hindi na siya maulit.”
Hindi lang yan para sa mga politiko o sa mga tao sa gobyerno, maging sa mga journo natin.
This is the true role of journalism, not to glorify, but to question; not to make people feel good after an interview, but for them to explain; not to enable, but to expose.
To put public officials and even celebrities, idols and media personalities to account.
Ituloy natin ang pagre-report nang maayos, pagmamatyag, pagsusuri, at pagsulat nang walang strings attached. Para sa bayan!
In a time when journalism holds the power to shape narratives, it becomes clear who the real journalists are: the ones who give voice to the voiceless, the ones who give power to the powerless.
Sila na siyang nagbabayad at nagdurusa dahil sa corruption.
From former Ateneo PolSci Chair Carmel Abao: “28 Cars? The Discayas insist that this was the result of hard work. Ah. Pero bakit ang construction workers ay masipag din — baka mas masipag pa nga kaysa sa mga employer nilang contractor pero bakit hindi sila yumayaman?
“Ni hindi nagkaka kotse o kahit man lang motorsiklo o hirap sa pamasahe.
“So, same industry — construction — pero may mayamang mayaman at mayroon namang mahirap na mahirap.
“Bakit pinapayagan ng lipunan natin ang ganito?”
Read: Sarah at Curlee Discaya, minumulto ng pagpapakita nila ng yaman
SENATORS, MEDIA, DPWH
Perhaps the Senate should just ask Senator Mark Villar who was the DPWH Secretary from 2016, during the Duterte administration: anong nangyari?
Bakit naibigay ang flood control projects sa mga katulad ni Discaya? Bakit hindi napansin ang ghost projects?
Nakakatawa sina Senator Bato dela Rosa at Senator Bong Go, biglang nagmukhang santo.
E, kasama sila sa pamunuan noong panahong yumayaman si Discaya.
So, hugas-kamay na lang? Worse, laglagan lang ng pwedeng ilaglag?
What a circus PH politics has become. Totoo nga na weather-weather lang yan.
About media, I want to know more about ways moving forward.
In the meantime, what exactly is supposed to happen to Korina Sanchez and Julius Babao? Do they just continue to be (famous) journalists as if nothing happened?
What do the networks think about this issue? What is the official position of networks?
Where are the institutional voices? Ano na?
Paano ba aayos ang media? Paano aayos ang Pilipinas?
Puwedeng daanin sa comedy. Pero kailangan din ngayon ng paninindigan.
Read: NUJP urges journalists to uphold ethics amid Mayor Vico Sotto row
MAYOR VICO SOTTO ON SENATE HEARING
As for Mayor Vico Sotto, na tunay na may kakayahang magtanong at mag-analisa nang maayos sa nakapaka-complex na isyu na ito (more than some of the sitting Senators), heto ang magagandang bago niyang punto:
“I hope all relevant authorities act quickly, before they get away. We will continue to do our part.
“Hindi tayo papayag na basta na lang tatahimik at mawawala ang isyu pagkatapos ng ilang buwan; kailangan may managot.
“Contractors, Politicians, and DPWH and other government employees. Kung hindi, paulit-ulit lang ‘to mangyayari sa bayan natin.
“For next hearing, I hope both the contractors and the DPWH officials will be asked directly: Totoo ba na naga-ADVANCE ang ibang contractor ng hanggang 40% ng project cost sa mga congressman/politiko? Or, whatever the rate may be, is it true that there is an ‘SOP’ or kickback for DPWH projects? Ano ang hatian?
“Wala naman sigurong aamin, pero malay mo…
“At para sa Discaya group, sana hindi lang si Madam Cesarah ang ipatawag, dahil mukhang mas may alam ang kanyang Campaign Spokesperson and DPWH Project Mistermind na si Curlee ‘Great Pacific’ Discaya.”
Siya nawa!
Read: Vico Sotto explains need to call out journalists on Discaya issue
GORGY RULA
Obserbasyon ng iba sa nakaraang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee, parang nakukulangan sila sa pag-iimbestiga ng mga senador.
Isa ako sa nangangambang baka wala ring mapupuntahan ito.
Baka kapag may pumutok na bagong eskandalo, makalimutan na ito. Patuloy pa rin tayong nakalubog sa baha.
Sa akin lang, nabuking na rin lang itong contractors na wala naman pala silang nagawa sa naisara nilang kontrata sa flood control, bakit hindi nila ito gawin ngayon?
Managot sila sa ginawa nilang iregularidad, pero dapat nilang gawin at tuparin ang kontratang ibinayad sa kanila ng gobyerno.
Gawin na ninyo ang mga proyektong napanalunan ninyo sa hokus pokus na bidding. Ayusin ninyo ang pagkagawa sa flood control.
Kahit paano ay makabawi-bawi naman kayo sa kasalanan ninyo sa taumbayan.
Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices
