JERRY OLEA
Post ng ASAP Official sa X (dating Twitter) at Facebook noong Agosto 16, 2025, Sabado, “2 weeks to go! Nagkakaubusan na!” kaugnay sa ASAP England show sa Agosto 30, Sabado, sa Birmingham.
Sold out na raw yung Diamond tickets, at almost sold out yung Platinum.
Yung Gold tickets ay 30% off, ang Silver tickets ay buy 2 for 99 pounds, at yung Bronze tickets ay 49 pounds naman.
Pinost din iyan ng The Filipino Channel (TFC) sa socmed.
Read: Bela Padilla calls out Bureau of Customs for excessive tax charge; bureau chief apologizes

30 KAPAMILYA ARTISTS TO PERFORM IN ASAP ENGLAND
Mahigit 30 iconic artists ang magpapakitang-gilas sa concert party na ito, kabilang sina Angeline Quinto, Bamboo, Belle Mariano, BGYO, Darren, Donny Pangilinan, Erik Santos, Gary Valenciano, James Reid, Joshua Garcia, at Kim Chiu.
Magpapauga rin diyan sina Jona, Klarisse de Guzman, Kyle Echarri, KZ Tandingan, Martin Nievera, Maymay Entrata, Morissette, Ogie Alcasid, Paulo Avelino, Piolo Pascual, Regine Velasquez-Alcasid, Robi Domingo, Sofronio Vasquez, Yeng Constantino, Zsa Zsa Padilla, at iba pa.

NONOY ZUÑIGA CONCERT
Di ba, gustong kunin ni Nonoy Zuñiga na guests sa concert niya sina Regine, Vice Ganda, Pops Fernandez, at Sharon Cuneta pero hindi puwede dahil mag-a-ASAP daw ang mga ito sa England?
Ang concert ni Nonoy na Beyond Gold: Songs of A Lifetime ay nakatakda sa Setyembre 5 sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts, Pasay City.
Siyempre, yung artists na kabahagi sa ASAP England ay sasamantalahin na ang pagkakataong magliwaliw sa Europe, kaya hindi sila puwede sa concert ni Nonoy.
Bonggang-bongga sana kung maliban kina Kuh Ledesma, Lani Misalucha, Rey Valera, at Marco Sison ay panauhin din sa concert ni Nonoy sina Regine, Vice, Pops, at Sharon, di ba?!
Read: Running Man cast member Kim Jong Kook announces his marriage

GORGY RULA
Isang kaibigan naming nakabase sa Birmingham, England, ang nagpadala sa amin ng poster ng ASAP England na gagawin sa August 30.
Ayon sa aming reliable source doon, hindi ganoon kalakas ang bentahan ng tickets. Posibleng magdagsaan iyan kapag nandoon na ang mga artista.
Pero nag-decide na ang promoter nitong babaan ang presyo ng tickets.
Medyo kamahalan dahil nagkakahalaga ang tickets ng 49 pounds hanggang sa 189 pounds.
Star-studded pa naman ang ASAP event kung saan ibinebenta nila roon ang grupong BINI.
Meron pa silang promo na gamit ang code ng Blooms ng BINI, na wala sa lumabas na isang poster.

Hindi ko lang alam kung ano ang mechanics nito. Pero sa isang poster nila ay binabaan na ang presyo ng ticket.
Ang pinakamahal na Diamond ticket na dating 189 pounds, ngayon ay 169 na lang. Pati ang ibang tickets ay bawas na rin ng 20 pounds.
Kaya ba na-sold out na ang Diamond, at yung Platinum ay almost sold out?
Sa store na pinagtrabahuhan ng kaibigan namin ibinebenta ang ilang tickets, at ayon sa kanya, mabagal daw ang bentahan.
Pero kapag malapit na raw ang event ay baka doon na ito lumakas.
Read: Vice Ganda, hindi totoong "nagsumbong" sa entertainment editors
NOEL FERRER
Bilang nasubukan din ang pagpo-produce, alam nating nagpi-pick up ang sales kapag nakita na ng mga kababayan natin ang performers.
I’m sure todo-todo pa ang gagawing promo ng ASAP dito, at walang lugi rito.
Kasi for broadcast din itong show na gagawin nila so may iba’t ibang revenue stream aside from yung concert mismo. May digital pa at online at video on demand.
Gamay na gamay na ng ABS-CBN yan. Hindi sila mangangahas mag-Vancouver at iba pang parte ng mundo kung malulugi lang sila.
Read: Pitong pelikula, pagpipilian para maging PH entry sa 98th Oscars
