GORGY RULA
Kaagad pinik-ap online ang ipinost ng celebrity lawyer at film producer na si Atty. Joji Alonzo sa Instagram Stories tungkol sa pagsasampa ng reklamo ng P-pop group BINI.
Hindi ganoon kadetalyado ang ipinost ni Atty. Joji sa kanyang social media account, pero mahihinuhang nakatakdang magsampa ng complaint ang all-girl group.
Ang BINI ay kinabibilangan nina Gweneth "Gwen" Apuli, Maraiah Queen "Aiah" Arceta, Sheena Mae Catacutan, Mikhaela Janna "Mikha" Lim, Mary Loi "Maloi" Yves Ricalde, Jhoanna Christine Robles, Stacey Aubrey Sevilleja, at Ma. Nicollete "Colet" Vergara.
Read: Shaira Diaz tells husband EA Guzman: "Magiging masaya ka na mamaya."
Ang bilis mag-assume ng netizens na bloggers ang sasampahan ng reklamo kaugnay ng mga negatibong isyung kinasasangkutan ng BINI na nagsimula sa pagkain nila ng Pinoy streetfood.
Read: BINI sparks buzz over dislike for Betamax, hopiang baboy
BINI TO FILE CYBERLIBEL AGAINST XIAN GAZA, BLOGGERS?
Ilan sa mga nabasa naming komento ng netizens ay si Xian Gaza ang blogger na hula nilang sasampahan ng BINI.
Karamihan ay nabastusan sa komento ni Xian na ipinost nito sa Facebook.
Pero walang sagot sa amin ang kampo ng BINI kung sino ang irereklamo nila. May nagsabi lang sa aming bloggers daw ito.
Cyber libel daw ang ihahaing reklamo laban sa kanila.
Inaasahan ang personal na pagsasampa ng grupong BINI ng kanilang complaint sa city prosecutor's office.
Ayon pa sa ilang napagtanungan namin, first complaint pa lang daw ito dahil meron pang kasunod.
Abangan na lang natin kung sinu-sino ang irereklamo ng BINI at kung totoong may bloggers silang kakasuhan.
Hintayin na lang daw ang pag-file nila ng reklamo.
Read: Ralph de Leon clarifies real score with AZ Martinez
NOEL FERRER
Ayan kasi, huwag basta-basta magpapakawala ng mga salitang makakasakit at di mapangangatawanan.
Mukhang may sasampolan at tuturuan ng leksyon si Atty Joji at ang BINI.
Sana’y may matutunan, hindi lang silang sangkot kundi pati tayong lahat sa dapat asal sa social media at sa publiko na rin in general.
Peace!
JERRY OLEA
Sikat na sikat ang BINI, na panghuling nagpasiklab sa Alagang Suki Fest ng Unilab at Mercury Drug noong Hulyo 31 sa Smart Araneta Coliseum.
Kabilang sa apat na kinanta roon ng BINI ang "Shagidi," the music video of which was launched noong 8-8, Agosto 8.
Masa-shagidi kaya ang blogger/s na inireklamo ng BINI ng cyber libel?
Abangan, Blooms!!!
