JERRY OLEA
Napaiyak ang 79-anyos na si Odette Khan nang makita at mayakap ang 85-anyos na si Perla Bautista sa Araw ng Pagkakaisa ng Pelikulang Pilipino noong Agosto 9, 2025, Sabado, sa Valencia Events Place, Quezon City.
“Oo naman, kasi parang may konting ano siya, di ba? May dinaramdam,” malumanay na sambit ni Odette sa eksklusibong chikahan with PEP Troika.
Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda's Duterte joke at concert

Sina Odette at Perla ay parehong honorees bilang Movie Icons sa 8th EDDYS Awards noong Hulyo 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay City.
Present doon si Odette, pero si Perla ay hindi nakadalo dahil masama ang pakiramdam.
Ikinatuwa ni Odette na present din sa Araw ng Pagkakaisa ng Pelikulang Pilipino ang iba pang senior stars gaya nina Marita Zobel, Jaime Fabregas, Ronnie Lazaro, Bembol Roco, Rhene Imperial, Pilar Padilla, Pepito Rodriguez, Eva Darren, Leo Martinez, Edu Manzano, Archi Adamos, Direk Joel Lamangan, National Artist Ricky Lee, at Direk Laurice Guillen na honoree rin sa 8th EDDYS.
Read: Ramon Ang: "Si Atasha is a very nice lady.”

IN MEMORIAM
Nakakalumbay lang siyempre iyong IN MEMORIAM 2025 sa programa...
Napabuntong-hininga si Odette, “Well, pasalamat tayo, buhay pa rin. Marami, maraming pumunta. Alleluia!
“Ako, ang prayer ko kay Lord, I’m not ready. Puwede ka namang makiusap sa Panginoon, e. I’m not ready.”
Ipinagdarasal niyang hindi pa siya handang mamatay?
Tumikwas ang kilay ni Odette, “Natural! Ano, sabihin ko, ‘Lord, get me!’? Ayaw ko. Takot ako. Marami pa akong pagkukulang.”
Pagkukulang kanino?
“Sa Itaas, sa Panginoon. Gusto ko lang mabuhay pa. Ewan ko, takot ako ibaon sa lupa,” pagtatapat ng veteran actress.
“Parang nakikinig ang Diyos…”
Read: Lian Paz details how Paolo Contis reached out to visit kids
NOEL FERRER
Naging best supporting actress si Odette Khan sa PMPC Star Awards for Movies, FAMAS, at Gawad Urian para sa pelikulang Bar Boys (2017).
Ni-reprise ni Odette ang papel niya bilang Justice Hernandez sa pelikulang Bar Boys: After School.
Nae-enjoy pa rin niya ang pag-aartista?
“All my life! Ako, nag-Grade 1, alam ko mag-aartista ako’t gagawin ko. And I did it!” bulalas ng beteranang aktres.
Ang huling teleserye ni Odette ay ang FPJ’s Batang Quiapo. Wala pa raw iyong kasunod.
Aniya, “Di ba, GMA ako? Ewan ko sa manager ko, bakit inano niya ako doon sa Batang Quiapo na kalaban. Di ba?”
Gusto niyang magteleserye muli sa Kapuso Network?
“Gusto ko talaga, GMA ako nag-umpisa, matagal. At kapag nagre-rate ang show mo, may additional yon.”
Read: 73rd FAMAS: Judy Ann, Marian, Kathryn, Vice, Dennis, Alden, among nominees
ODETTE IN MUDRASTA
Siyangapala, kasama si Odette sa pelikulang Mudrasta, Ang Beking Ina! kung saan title role si Roderick Paulate, at ipapalabas na sa Agosto 20, Miyerkules.
Nasa cast din ng Mudrasta sina Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Celia Rodriguez, Elmo Magalona, Arkin Magalona, Ruby Ruiz, Debbie Garcia, Awra Briguela, Joel Saracho, Sunshine Teodoro, Mel Kimura, at Emmanuel de la Cruz, sa direksyon ni Julius Ruslin Alfonso.
GORGY RULA
Bilib na bilib si Odette Khan kay Ruru Madrid sa akting nito sa teleseryeng Lolong. Sa 8th EDDYS ay lumapit si Ruru kay Odette at nagpalitrato rito.
Siyempre, masaya si Odette sa pagkapanalo ni Ruru bilang best supporting actor sa 8th EDDYS, katabla si Aga Muhlach ng Uninvited. Inaasam ni Odette na makatrabaho si Ruru.
ODETTE WANTS TO RTURN TO GMA-7
Ano ang panawagan niya sa GMA Network?
“Actually, dapat lahat ng network, kumikita. So I hope, as God is my witness, gabayan kayo ng Nasa Itaas, ng Panginoon to have good talents, good shows,” tugon ni Odette.
“Para matulungan niyo ang mga direktor niyo, mga taong nanonood, at pati kayo na rin. Tuluy-tuloy ang pag-unlad ninyo.
“Gusto ko ngang bumalik sa Seven, e… Sa tagal ko sa Seven, oras umayos yung mga ginagawa ko na teleserye na hindi ako bida, ha? May dagdag sila.
“At hindi ko naman ginagamit yun sa masama. May pinapaaral akong anak, may tinutulungan sa probinsya.”
Hanggang ngayon, may pinapaaral pa siyang anak?
Paglilinaw ni Odette, “Tapos na ang anak ko pero meron pa rin akong mga tinutulung-tulungan.”
Bakit gusto pa rin niyang magtrabaho kahit 79 anyos na siya?
“E, passion yon, e! E, pag manonood ka ng TV, ‘Gago!’ Ba’t ka gumanun? Ikaw mismo, sumasagot sa mga gawa nila,” saad ni Odette.
“Parang gusto mong lumabas. E, di lalabas ka na lang sa TV, enjoy ka pa.
“Na I would always say, to act you do not act. You listen to the directions. Give it all you have para i-comment ng direktor, ‘That’s very good!’”
