JERRY OLEA
Magpupugay si Gerald Santos sa yumaong National Artist na si Nora Aunor sa concert niyang Dreams na gaganapin sa Disyembre 3, 2025, Miyerkules ng 7:00 P.M., sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Lubos ang pasasalamat ni Gerald kay Ate Guy sa pagsuporta nito sa kanyang career.
Pinanood ng Superstar ang dalawang concert noon ni Gerald.
“She went out of her way para lang mapanood ako noong time na iyon, and I really appreciated that,” sabi ni Gerald nang makatsikahan ng PEP Troika nitong Agosto 6, Miyerkules ng hapon, sa Relish restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.
“At doon ko nakita ang sincerity ni Ate Guy. Tapos nagkaroon na rin ako ng opportunity to have a friendship with Ate Guy.
“Kasi napakabait ni Miss Nora Aunor. And I love her. I’m a Noranian as well.
“So, you know, ito yung opportunity ko para masuklian naman yung kabutihan niya sa akin.”
Read: Jak Roberto reacts to ex-girlfriend Barbie Forteza's rumored relationship with Jameson Blake
GERALD NEVER GOT THE CHANCE TO WORK WITH NORA
Hindi nagkatrabaho sina Nora at Gerald, pero kinanta ng Prince of Ballad ang theme song ng teleserye ni Nora na Sa Ngalan ng Ina (TV5, Oktubre-Nobyembre 2011) at pelikula nitong Isa Pang Bahaghari (MMFF 2020).
“Gustung-gusto kong makatrabaho si Ate Guy. Meron na nga sanang actually… na almost na magka-movie na magkatrabaho kami,” pagtatapat ni Gerald.
“Unfortunately yun nga, di na po inabot.”
Pagpupugayan din sa Gerald Santos: Dreams concert ang OPM icons na sina Pilita Corrales, Freddie Aguilar, Hajji Alejandro, at Rico J. Puno.
GORGY RULA
Bakit Gerald Santos: Dreams ang title ng solo concert niya sa December?
“Ito ang pinaka-main event ng aking taon,” pahayag ng 34-anyos na Prince of Ballad.
“It’s all about my dream songs, yung mga songs na gustung-gusto ko nang kantahin way, way before pa pero I never has an opportunity.
“Kasi yung mga concerts ko before, laging may theme. Like last year, Grateful. Tapos this year nung January, Courage. Nung July, Gives Back.
“So this time, it’s all about my dream songs. Hindi ako malilimitahan when it comes to repertoire.
“Dahil iyon yung mga gustung-gusto kong kantahin. Pinapakinggan ko lang siya na, ‘Sana, makanta ko ang kantang ito.’
“And ito, I’m really happy na I have this opportunity this time.”
DREAM CONCERT REPERTOIRE
Kabilang sa repertoire ni Gerald sa Dreams concert ay mula sa mga Broadway musical na Sunset Boulevard, Jesus Christ Superstar, Pippin, at Cats.
“For the announcement of my special guests, masusurpresa kayo,” nakangiting sambit ni Gerald.
“Abangan niyo na lang yan sa aking social media accounts. Ia-announce namin yan very soon.”
Read: Red Sternberg's wife recalls heartbreaking day the actor died
NOEL FERRER
Papuntang New York, USA, si Gerald Santos sa Agosto 12 para dalawin ang girlfriend niyang si Grace Torrecampo.
Three weeks doon si Gerald para makapag-bonding sila.

Sa October 19 ay may charity concert naman si Gerald sa Notting Hill sa West London, England.
“It’s a little bit relaxed. Gusto ko lang pasayahin yung mga kababayan natin sa London,” saad ni Gerald.
“Mabigyan sila ng kaunting entertainment, and at the same time, makatulong din.”
Beneficiaries ng charity concert ang St. John’s Church sa Notting Hill, at iyong Courage Movement na itinatag ni Gerald.
Third time na ito ni Gerald na mag-concert sa London.
Ang unang dalawa ay noong nagmi-Miss Saigon siya, 2018 at 2019.
Siyangapala, next year ay ipagdiriwang ni Gerald ang 20th anniversary niya sa entertainment industry.
