JERRY OLEA:
Tanggap ni Direk Brillante Mendoza ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pelikula o serye.
"Ang AI, kapag ginamit mo naman siya nang tama, makakatulong siya, di ba?” pahayag ng 65-anyos na direktor.
Nakapanayam siya noong Hulyo 30, 2025, Miyerkules ng gabi, sa The Secret Garden, Busilak St., Mandaluyong City.
"Siyempre, di ba, kami, kapanahunan namin, encyclopedia pa. Pero ngayon siyempre, with AI, madali na, di ba?
"Pero at the same time, dapat alam mo kung paano mo siya gamitin at kung saan.
"Hindi mo siya puwedeng i-resist! Kasi nandiyan iyan. Technology iyan, e. Di ba? Part iyan," paliwanag ni Direk Brillante.
Dagdag niya, "Alam mo, sa totoo lang, in five years time, mag-iiba na. Major ang magbabago sa ating industry because of AI and some other things."
Read: Brillante Mendoza, dinamdam ang pagpanaw ng malalapit na kaibigan
brillante mendoza on HUMAN CONNECTION
Mas convenient na ang filmmaking ngayon dahil napakaraming puwedeng gamitan ng AI?
Diin ni Direk Brillante: "Ang hindi kaya ng AI, iyong human connection," pagmamatwid ng multi-awarded director.
"Hindi kaya ng AI iyan. Iyung ating culture, hindi kaya ng AI iyan. Magpu-provide lang siya kung ano ang available.
"Ang culture kasi, kailangan ng human connection. Di ba? Hindi iyan kaya ng AI."
Mas dapat daw hasain ng artists ang aspetong ito.
"So dapat iyong mga artist, halimbawa iyong mga creators or something, di ba, iyan ang dapat nilang pangalagaan, di ba? Huwag silang mawalan ng human connection.
"Kasi kapag puro AI lang, e, di ano lang ang kausap mo, robot lang the whole time.
"E, tayo, iyon lang ang ating quality. Iyon ang ating pinaka-strength as creators, di ba? As storytellers, di ba?
"Hindi naman iyung ipu-provide lang sa iyo ng AI."
NOT YET USING AI
Ginagamit na ba ng kanyang production ang AI?
"So far, hindi pa. Wala pa kami sa ganun,” sey ni Direk Brillante.
"Wala pa kami sa ganun! Unang-una, hindi naman kailangan ng AI ng production ko, kasi indie lang kami. Hindi naman kami mainstream, di ba?
"Iyung AI, magwu-work siya, kasi pang-effects. Mga big production."
Read: Bea Alonzo confirms relationship with Vincent Co
GORGY RULA:
Dapat na bang i-embrace ng local entertainment industry ang AI?
"Hindi naman i-embrace; use it wisely," bulalas ni Direk Brillante Mendoza.
"Di ba? Iyung gamitin lang siya kung saan nararapat. Na hindi magte-take over ang AI sa creativity ng mga creators, ng mga artists, ng mga storytellers."
Sa isang festival ng short films, may kategorya para sa AI.
"Oo nga, may ganoon na. May ganoon na talaga. Mayroon na ngang kurso na AI, e," saad ni Direk Brillante.
"Parang college course na AI, meron na. Hindi natin puwedeng iano iyan. Part na iyan ng ating buhay.
"Well, in the future, hindi na natin kailangan ng cellphone. In the future, nakadikit na lang sa mata natin ang computer, di ba?
"Wala na tayong hawak. Ang hahawakan mo, ganun na lang," pagmumuwestra ni Direk Brillante sa kunwari’y hologram sa harap niya. "Gaganun ka, kasi ang nakikita mo sa mata mo.”
Read: MC and Lassy reveal losing P10 million to gambling
NOEL FERRER:
Ano ang pakiramdam niya sa mabilis na advancement sa technology?
"Ako, I’m glad I’m still alive to experience it. Kasi ako talaga, nandodoon ako sa transition ng sobrang primitive pa na filmmaking," lahad ni Direk Brillante Mendoza.
"Napagdaanan ko ang 16 mm, 35 mm, hanggang sa tumawid na siya sa ano. Di ba, hanggang sa tumawid na ng 2010.
"Nag-digital na ang projection, hindi na siya 35. O ngayon, nasa AI na tayo, di ba?
"Dyusko! Kaya laking pasalamat natin na na-experience natin lahat iyan.
"Hopefully, makikita ko pa in the future kung bibigyan ako ng pagkakataon ng Panginoon, na makita ko pa iyung advancement in the next five or ten years.
"Kasi grabe ang bilis! Ha! Ha! Ha! Ang bilis! Iyung ine-expect mo na parang ano, one year lang, ‘Ay! One year lang, iba na?!’
"Di ba? Alam mo kahapon, in-scroll ko iyung cellphone ko. Kasi, di ba, iyung cellphone natin, nakikita mo iyung 2010, tapos puwede mo siyang i-advance, ganun-ganun, 2015."
Paano na lang daw sa mga susunod pang taon.
Dire-diretso pa ring musing ni Direk Brillante: "Feeling ko, my god! Ano kaya ang mangyayari sa 2050? Siyempre wala na ako. Pero nandidito, nakikita mo na sa cellphone iyong mga dates.
"Kung buhay ako, nandidito, date ito ng birthday ko. I will be 95, I will be 100. I’ll be 105 kung buhay ako.
"Pero siyempre, parang hindi mo alam kung kailan ka mawawala dito. Gaano na kaya ka-advance by this time ang mundo?
"Lumilipad na kaya tayo nun? I mean, di ba? E, wala na tayo lahat by that time. Gusto kong malaman, parang…
"Hanggang saan kaya ang advancement ng mundo? Di ba? Parang nakaka-excite, nakaka-overwhelm!
"So parang hindi na siya sci-fi film. Para na siyang reality. Di ba?"
Read: Barbie Forteza and Jameson Blake spotted HHWW at GMA Gala 2025
ADVANCEd tech IN CHINA
Sabay binanggit ni Direk Brillante ang aniya'y advanced technology sa China.
"Kasi sa China, hindi na sila nagga-Grab. Lumilipad na iyung pagkain nila sa drone, di ba?
"Pag nagpa-deliver ka, nasa bintana mo na iyung drone, kukunin mo na lang ganun… drone na lang na gaganun-ganun, dala-dala iyung pagkain mo.
"Wala nang pera doon. Online na lahat, cashless transaction. Very rare na gumamit ng pera. Di ba, imagine mo?! Tapos may taxi drone na."
Ipinauubaya ni Direk Brillante sa Panginoon kung hanggang kailan siya mabubuhay.
better TO GIVE THAN TO RECEIVE
Inaasam ba niyang maging National Artist bago siya bawian ng buhay? Considering na andami na niyang achievements bilang filmmaker…
"Hindi ko iyan tinitingnan sa ganoong aspeto. Tinitingnan ko palagi kung ano iyung maibibigay ko," sabi ni Direk Brillante.
"Kasi alam mo, pag talaga you feel it truly in your heart — walang eklat — it feels so fulfilling.
"Alam mo, iyong master class ko na nga lang, iyung parang pag nakikita ko, ‘My god,’ sabi ko sa kanila, alam mo pag iyung lalapit sa iyo ang estudyante tapos yayakapin ka, ‘Direk, salamat, ha?’
"Parang ano ba ang nagawa ko? Nagdaldal lang naman ako dito, di ba? Nag-share lang ako ng experience.
"Pero para sa kanila, parang it’s a lifetime learning, alam mo yun."
