JERRY OLEA
Old-fashioned romance with dashes of millennial twist ang pelikulang Meg & Ryan, na idinirek ni Catherine O. Camarillo mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa.
Love story ito ng yayamaning bad girl na si Meg (Rhian Ramos) at ng middle-class good boy na si Ryan (JC Santos).
Pareho silang solong anak.
Ulila sa ina si Meg, na alcoholic at may daddy issue. Ang daddy niyang si Theo (Cris Villanueva) ay babaero.
Ulila sa ama si Ryan, na tila mama’s boy. Ang ina niyang si Emma (Ces Quesada) ay masugid na tagasubaybay ng mga Koreanobela.
Sa umpisa ng kuwento ay 35-anyos na si Ryan, at isa pa ring virgin.
Read: Netizens are loving Arci Muñoz's “final look”
Pinaglalapit ng tadhana sila ni Meg — sa tulong ng butterfly at flower tattoo.
Maraming sinasagisag ang paru-paru (tagabukid man o tagalungsod) pero puwedeng tanggalin iyon sa pelikula upang mas mapabilis ang daloy ng kuwento.
Pula ang suot ni Meg sa poster. Sa isang eksena, ang panty niya ay pula. Passionate, maalab.
Puti naman ang suot ni Ryan. Malinis, walang dungis.

Ang meet cute nina Meg at Ryan ay sa kalsada.
Ang ikalawang engkuwentro ay sa hotel.
Ang ikatlo ay pagkalipas ng isang taon, kung saan nagkakilala na sila at unti-unting nagkamabutihan.
Ang tanong tuloy ng katotong Nathalie Tomada, bakit nang mag-birthday si Ryan ay 36 pa lang ito? Di ba, nag-fast forward ng one year, bago “nagpakilala” sina Meg at Ryan sa tindahan ng alak, kaya dapat ay 37th birthday na afterwards ni Ryan?
Ang husay-husay ni JC bilang donselyang si Ryan. Andoon ang nuances sa pangamba ng kanyang puso na baka masawi muli.
Read: Standout SONA 2025 attendees showcase modern Filipiniana outfits
CEDRICK JUAN AS JC SANTOS'S BROTHER
Nakakatuwa na gumanap dito bilang pinsan niya si Cedrick Juan, na brother niya sa mundo ng teatro.
Hindi ba’t sa 49th MMFF ay best actor si Cedrick para sa GomBurZa, samantalang best supporting actor si JC para sa Mallari?
At nang mag-gala premiere sa Cinemalaya last year sa Ayala Malls Manila Bay ang pelikula ni Cedrick na Gulay Lang, Manong, namataan namin doon si JC.
Kapuri-puri rin si Rhian bilang Meg, pero may instances na OA ang dating sa amin ng mga hanash ng kanyang karakter.
Nakakakilig at kumukurot sa puso ang kuwento nina Meg at Ryan!
Read: Netizens react to woman changing dog’s diaper on CR's baby table
NOEL FERRER
Ang American actress na si Meg Ryan ay nagbida sa mga pelikulang rom-com noong 1980s at 1990s. Tinagurian tuloy siyang America’s Sweetheart.
Most memorable sa mga ito ang When Harry Met Sally… (1989) na pinagbidahan nila ni Billy Crystal, sa direksiyon ni Rob Reiner.
Andiyan ang fake orgasm scene sa isang diner, kung saan ang isang babaeng witness ay nag-dialogue sa waiter o waitress, “I’ll have what she’s having.”

Kabilang pa sa mga romcom ni Meg ang Joe Versus the Volcano (1990), Sleepless in Seattle (1993), French Kiss (1995), Addicted to Love (1997), You’ve Got Mail (1998), at Kate & Leopold (2001).
Ang Facebook post ng scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa matapos ang premiere screening: “Tired but happy. I went to the premiere of MEG & RYAN (which I wrote about 2 yrs ago) not expecting much — especially with a local film showing now — a tough act to follow (though in a different genre. M & R is Romance Comedy).
“But wow, the reaction inside the cinema was overwhelming! The audience laughed, cried, and swooned.
“Rhian Ramos and JC Santos nailed it! Galing nila! Iba sila dito like you've never seen them before.
“After the show, even strangers came up to congratulate us. I’m humbled. We can’t please everyone... but tonight, the love was real. Even the theme song ‘Torete’ hits different.
“Praying Aug. 6 gives me another reason to smile. Thank You, dear God, for this fulfilling day…”
Para sa mga Pinoy na avid fans ni Meg Ryan, must watch ang pelikulang Meg & Ryan.
Read: Cha Eun Woo begins mandatory military service, leaves message for fans

GORGY RULA
Magaling sina JC Santos at Rhian Ramos sa pelikulang Meg & Ryan.
Pati si Ces Quesada ay magaling din bilang ina rito ni JC. May mga eksena silang nakakaantig sa puso.
Sabi ni Rhian, malaki ang naitulong ni JC sa mga ginagawa nilang eksena. Parang ginaga-guide daw siya sa mga eksena nila.
“He was leading me in the scenes. Kasi sometimes when you do a scene with someone it’s like you’re dancing with them.
“Nagsasaluhan kayo ng ginagawa, parang ganun. So, more of nagsasaluhan kayo ng energy.
“So, I really felt na he would lead me through the scenes,” pakli ni Rhian nang tinanong ng PEP Troika kung ano ang kaibahan ni JC sa mga nakapareha niya sa pelikula.
Maganda ang pelikula. Sana, tangkilikin ito ng mga manonood.
Read: ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje
