GORGY RULA
Suportado ng Kapuso stars at malalapit kay Barbie Forteza ang premiere night ng pelikula niyang P77 na ginanap sa SM The Block noong Lunes, July 28, 2025.
Nagpakita rin ng suporta kay Barbie ang kanyang mga kaibigang Kapamilya stars, kagaya ni Jameson Blake na inili-link sa kanya.
Kabilang sa dumalo ang Sang'gre star na si Bianca Umali; mga taga-PBB Celebrity Collab Edition na sina Dustin Yu, Bianca de Vera, at Josh Ford; at mga kasamahan ni Barbie sa Pulang Araw na sina David Licauco, Jay Ortega, at Alden Richards.
Read: Kitty Duterte, kumpirmadong karelasyon na ang apo ni Chavit Singson
JAMESON AND ALDEN ON BARBIE'S ACTING
Puring-puri ni Jameson ang performance ni Barbie sa P77.
“Good job! Good job, and the emotions that you showed sa movie was really good and it’s something that everyone should watch. It’s not the typical Barbie,” sabi ni Jameson.
Pagkatapos ng screening, maraming vloggers ang nakakuha ng video nang nagkita sina Barbie at Jameson sa may parking lot at sandaling nagkatsikahan bago umalis.
Read: REVIEW: P77, a chilling blend of horror and social commentary

Puring-puri rin ni Alden si Barbie dahil nung ginagawa ng aktres ang P77 ay kasabay nito ang taping nila sa Pulang Araw, kung saan mahirap din ang role ng aktres bilang si Adelina.
Agree kami sa komento ni Alden na, “Pinataob mo na naman silang lahat! Congrats!”’
Dagdag pang pahayag ng Asia’s Multimedia Star: “This is a very taxing role for her, and I know that she’s filming this hand in hand with Pulang Araw. So, grabe!
“Yun ang gusto ko kasi kay Barbs, e. Kaya masarap siyang katrabaho at saka masarap siyang kasama.
“Kapag meron siyang something on her plate, hindi siya nagbibigay ng half-baked. She always gives it her all.
“So, hindi mo makita yung character niya as Adelina sa Pulang Araw. Dito, this is very different din.
"Parang everything was laid out perfectly for her. I like the film, very much.
“Parang ano kasi si Barbie e, fine wine. Kung yun ay pasarap nang pasarap, siya ay pagaling nang pagaling.
"Pero puwede na rin… hindi, joke lang!”

Forte talaga ni Derick Cabrido ang horror.
Na-achieve niya ang jump scare sa mga eksena kaya sa buong pelikula ay panay ang tili ng mga manonood.
Si Direk Derick ang direktor ng MMFF 2023 official entry na Mallari.
Read: Cha Eun Woo begins mandatory military service, leaves message for fans
NOEL FERRER
Nandoon kami ng aming alaga na si Atom Araullo sa premiere ng P77 bilang pagsuporta sa GMA Public Affairs at GMA Pictures, sa pangunguna nina Nessa Valdellon at Annette Gozon-Valdes.
Kasama rin namin ang aming pamilya na si Jackie Lou Blanco, na sadyang napakagaling sa kanyang kakaibang role sa P77. She really makes every role na markado!
Nakaka-excite lang si Jackie Lou, na lalo pang lumalawak ang artistry sa paggawa ng ganitong pelikula, pagsabak muli sa teatro (may rerun ang The Foxtrot with a new leading man na), at aabangan siya sa kanyang Cinemalaya movie soon!

As for Atom, heto ang comment ng award-winning journalist tungkol sa P77: “Trust the team at GMA Public Affairs to bring heart to the horror genre — and yes, those jump scares got me good!
“Great performances all around, especially from the lead, Barbie Forteza, who truly carried the film. Congratulations to the entire team!”
JERRY OLEA
Kasabay ng P77 na mag-o-open bukas, Hulyo 30, sa local cinemas ang Lasting Moments nina Sue Ramirez at JM de Guzman, at ang exclusive sa SM cinemas na How To Get Away From My Toxic Family starring Zanjoe Marudo.
Nag-red-carpet premiere ang Lasting Moments noon pang Hunyo 2 sa SM Megamall, Mandaluyong City.
Hunyo 4 sana ang playdate nito, pero kakaunting sinehan ang naibibigay noon dito dahil priority ang malalaking Hollywood films.
Nahimok ang writer-director-producer ng movie na si Fifth Solomon na iurong sa July 30 playdate ang Lasting Moments.
Read: Tatlong local films, paurong nang paurong ang playdates

“Pinaghirapan talaga namin itong pelikulang ito at ang masasabi ko, maganda siya,” sabi ni Direk Fifth.
“Kung hindi kayo magandahan, maganda pa rin siya!”
Noong 2021 sinulat ni Direk Fifth ang Lasting Moments. Laganap pa noon ang mga kaso ng COVID-19.
Pahayag ni Direk Fifth: “Nasa bahay ka lang, walang magawa, alone.
"So, naisipan kong magsulat, kasi nakakanood ako ng mga documentaries about sa revelation ng movie na ito.
“So, parang naisip kong gawin siyang pelikula talaga. I think nakita ko na kasi yung parang niche ko, e, bilang storyteller, scriptwriter, director.
“Kaya ko yung comedy pero parang mas nakukurot ko yung puso ng mga tao kapag sa drama.
“Siguro ganun nga, parang yung pinaka-happiest person, sila din yung kayang bigyan ka ng kurot at lungkot sa buhay.”
Read: Superman at The Fantastic Four, umarangkada nang husto sa box office
HOW TO GET AWAY FROM MY TOXIC FAMILY
Nag-special screening ang How To Get Away From My Toxic Family noong Hulyo 21 sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.
May international screenings ito before and after ng showing nito sa SM cinemas.
Co-stars ni Zanjoe sa movie sina Susan Africa, Richard Quan, Sherry Lara, at Nonie Buencamino, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Kuwento ng producer na si Ogie Diaz: “Inilabas na ito sa Los Angeles, California; sa Nagoya, Japan. Iyong mga OFW sa Nagoya, talagang para silang nakikipag-usap sa TV.
“Parang Batang Quiapo na yung lola, ‘Naku, Tanggol! Hindi mo alam, ginagago ka niyan!’ Eto, ganun din.
“So, ‘Ay! Gago!’ Mga ganyan, ‘Tarantado talaga yan!’ ‘Naku, huwag kang maniwala diyan!’ Gaganun kay Arsenio [karakter ni Zanjoe].
“Yung sila mismo, involved. Kaya feeling ko, itong mga nanonood, para silang mga kapitbahay. Parang nakikimarites sa kuwento nung kapitbahay nila.
“So, ganito nga yung pakiwari ko. So, para tayong mga kapitbahay nila na nanonood, nakikimarites.
“Kaya kung mapapansin ninyo, yung mga linyahan dito, hindi melodramatic. Hindi panteleserye.
“Kung ano yung talagang normal na sinasabi at idinadayalog sa pang-araw-araw nating buhay, yun ang ginawa namin dito.”
OFW ang central character na si Arsenio, kaya nakaka-relate dito ang mga Pinoy sa international screenings.
Pagmamatwid pa ni Ogie: “Hindi namin ginawang common yung ending na lagi nating napapanood sa teleserye.
“Tapos kung mapapansin niyo, may pagka-Gen-Z yung atake. So, kahit millennial si Arsenio, Gen-Z yung atake niya.
“Ina-apply namin ito sa makabagong henerasyon para magkaroon din sila ng idea na pag toxic na, awat na.
“Tumakas ka na, at sarili mo naman ang asikasuhin mo. Kaya meron kami ritong, ‘Ako muna, ako naman.’”
