GORGY RULA
Nagbabalik-acting sa pelikula ang aktres na si Angelica Panganiban sa pamamagitan ng Unmarry ng Quantum Films at Cineko Productions.
Bukod kay Angelica, nagbabalik din sa pelikula ang co-star niyang si Solenn Heussaff.
Kasama rin sa cast ng Unmarry sina Zanjoe Marudo at Tom Rodriguez; sa ilalim ng direksiyon ni Jeffrey Jeturian.
Huli naming napanood si Solenn sa special participation niya sa Encantadia Chronicles: Sang’gre, at si Angelica naman ay sa stageplay na Don’t Meow For Me, Catriona sa nakaraang Virgin Labfest.
Ang huli namang pelikulang ginawa ni Angelica ay ang Love Or Money, na pinagbidahan nila ni Coco Martin noong 2021.
Read: Angelica Panganiban, made-"devirginize" na sa teatro
ANGELICA PANGANIBAN'S ACTING COMEBACK
Sobrang na-enjoy ni Angelica ang pag-arte sa entablado dahil ibang disiplina ang natutunan niya rito. Pero bukas naman daw siya sa posibilidad na umarte sa teleserye o pelikula.
Noong nakapanayam ng PEP Troika si Angelica sa Virgin Labfest, sinabi niyang puwede siyang magbalik-teleserye o pelikula kung talagang gusto niya ang project at puwede niyang pag-aksayahan ng panahon.
Saad ng aktres: “Ano lang siguro, ganito na lang. Parang kumbaga, for me siguro yung motto, nagre-reflect sa akin na time is gold, di ba?
“Mas gusto kong i-spend yung time ko kasama yung asawa’t anak ko. Kesa may gawin akong isang bagay na half-hearted ko lang siyang ginagawa.
“Depende talaga.”
Nagustuhan ni Angelica ang istorya ng Unmarry na tumatalakay sa mga mag-asawang maghihiwalay na inaayos ang kanilang annulment.
Nagustuhan ni Angelica ang material ng pelikula kaya tinanggap niya ito.
Sinabi noon ng aktres sa Virgin Labfest na dapat ay gusto niya talaga ang material. Kung napilitan lang siyang gawin ito, makikita raw ng mga manonood na half-baked lang.
“Kailangan talaga kumpleto, e, para talagang hindi rin half-baked pag pinapanood ng mga tao. Bakit parang hindi niya gusto yung ginagawa niya?” sabi pa ni Angelica.
Kasama rin sa Unmarry sina Eugene Domingo, Nico Antonio, Donna Carriaga, Johnny Revilla, Jervi Wrightson (Kaladkaren), Adrienne Vergara, Zack Sibug, at Shamaine Buencamino.
Read: UPDATED. ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje
JERRY OLEA
May pelikula na noon si Angelica Panganiban na The Unmarried Wife (2018) kasama sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino, sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.
For sure, iba naman ang kuwento nitong Unmarry.
Nakaka-excite ang pagbabalik-pelikula ni Angelica, lalo pa’t ang magdidirek ay si Jeffrey Jeturian.
Sa Virgin Labfest nga, sold out ang lahat ng performances ng set na kasama ang Don’t Meow For Me, Catriona.
NOEL FERRER
Sobrang na-excite ang talent kong si Adrienne Vergara noong in-offer sa kanya ang role bilang kapatid ni Angelica Panganiban sa Unmarry.
Imagine, buong paghanga at pagmamalaking winelcome nina Adrienne si Angelica sa mundo ng teatro.
Paunti-unting nagbabalik si Angelica, at ngayon naman sa pelikula.
Saka na muna siguro ang teleseryeng napabalita ring gagawin ni Angge.
Malamang tinatantiya rin lang muna niya kung paano ibabalanse ang kanyang pagiging nanay sa pagbabalik-aktres niya.
Basta, support tayo kay Angelica sa lahat ng magagandang gagawin niya!
Read: Is Jimuel Pacquiao engaged; expecting a baby with rumored fiancee?
