PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vince Tanada, tuturuan ang kabataan gamit ang musika at teatro

Vince Tanada, gaganap bilang Andres Bonifacio sa isang musical.
by PEP Troika
Published Jul 28, 2025
vince tanada bonifacio musical
Actor-director Vince Tanada will portray Andres Bonifacio in Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musikal.
PHOTO/S: PhilStagers Facebook

JERRY OLEA

Handog ng PhilStagers Foundation (PSF) sa kanilang ika-25 anibersaryo ang dulang Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musikal.

Isinulat at idinirek ito ni Atty. Vince Tañada, na siya ring gaganap na pambansang bayani na si Andres Bonifacio. Understudy niya si Dave Pajanustan.

Magpe-premiere ang musical play sa Agosto 2, 2025, Sabado ng 4:00 P.M., sa St. Scholastica College Theater, Leon Guinto St., Ermita, Manila (malapit sa P. Ocampo o Vito Cruz St.).

Itatanghal ito sa iba’t ibang lalawigan hanggang Abril 2026.

Read: UPDATED. ABS-CBN's Kat Domingo unfairly accused of throwing shade at GMA's Nico Waje

“Hindi po kailangang makalimutan ang kasaysayan,” hinaing ni Direk Vince sa media launch noong Hulyo 27, Linggo ng gabi, sa PhilStagers Black Box Studio, Balic-balic, Sampaloc, Manila.

“Sapagkat kapag kinakalimutan natin ang kasaysayan, hindi natin naitatama yung pagkakamali ng nakaraan.

“Kailangan siguro nating parating tandaan yung naganap sa ating kasaysayan.

“Halimbawa, si Andres Bonifacio. Nagkaroon ng survey sa kanya. At ang survey, papaano siya pinatay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam niyo ba na 80 percent ng ating mga kabataan, sumagot na si Bonifacio ay pinaslang ng mga Kastila.

“Hindi totoo iyon. Pinatay siya ng kapwa natin Pilipino dahil sa awayan sa pulitika.

“Kinakalimutan natin at binabago natin yung kasaysayan sapagkat gusto nating maging mangmang ang ating mga kabataan tungkol sa ating kasaysayan.

“Sabi nga, kapag mangmang ang tao — boboto sila ng hindi tama.

“Boboto sila ng corrupt, boboto sila ng nagmamalabis o pumapaslang, abusado.

“Pero kapag matalino ang kabataan at ang ating lipunan, boboto sila ng tama.

“Kaya patuloy nating inaalis yung kasaysayan sa ating bansa…”

Read: PMPC reveals nominees for 37th Star Awards for Television

vince tanada bonifacio musical
Vince Tañada as Andres Bonifacio
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PHILIPPINE HISTORY NO LONGER PART OF EDUCATION CURRICULUM

Umpisa 2013, hindi na itinuturo ang Philippine History bilang standalone subject sa high school, sa halip ay integrated sa ibang social studies subjects.

“Wala na po ang Philippine History sa ating basic education curriculum. Di ba, nakakalungkot?” sambit ni Direk Vince.

Inalala ni Direk Vince ang episode ng PBB Kumunity Season 10 noong Abril 9, 2022 kung saan may history quiz challenge sa teen housemates.

Sa tanong kung ano ang collective name para sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, ang isinagot at "MaJoHa."

Ang tamang sagot ay GomBurZa.

Read: Here's why "GomBurZa" and "MaJoHa" are trending on Twitter

Pagpapatuloy ni Direk Vince: “Si Luis Manzano, tinanong yung contestant sa game show, ‘Sino yung baliw sa Noli Me Tangere?’

“Ang sagot, ‘Si Sassa Gurl.’ Yung vlogger. Wala na tayong alam sa kasaysayan.

“Kaya kami, ang only weapon namin is to utilize our art to educate our young people about history.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kailangan po natin, mga kapatid, na alamin ang kasaysayan natin sa ating bansa.

“Kanina may nanood sa aming opener. Ang sabi niya, ‘Ako po nag-aral dati. Wala po akong natutunan sa story ni Bonifacio.

“‘Puro mga pangalan, puro mga dates, wala po akong matandaan. Ang boring po!

“‘Pero ngayon na nanood ako ng dula ninyo, naintindihan ko ang buhay ni Bonifacio.’

“Kaya napakaganda po na magamit ang ating sining para makapagturo sa aking kabataan.”

Read: Comedian Bayani Casimiro Jr. dies at 57

NOEL FERRER

Noong 2013 ay ihinandog ng PhilStagers Foundation ang Bonifacio: Isang Sarsuwela.

Noong 2018 naman itinanghal nila ang Supremo Redux: The Musical na tungkol pa rin sa buhay ni Andres Bonifacio.

BONIFACIO, ANG SUPREMO

Ngayong 2025, ihahatid naman ng PSF ang Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musikal. Hopefully ay ma-appreciate ito ng TikTok generation.

“We cannot confine education in the four walls of the classroom!” bulalas ni Direk Vince Tañada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan na po nating gamitin ang musika, ang sayaw, at ang dula para makapagturo sa ating mga kabataan.”

Deliberate ba ang pagtanggal ng standalone subject na Philippine History sa curriculum ng high school?

“Yes po,” mabilis na tugon ni Direk Vince.

“There is a deliberate effort to remove history in our basic education curriculum.

“Because our leaders, most especially ito pong mga dynasty, ito pong mga patuloy na ibinoboto ng mga mangmang na Pilipino, ayaw po nilang ipaalam sa ating mga kabataan most especially ang kasalanan ng nakaraan.

“Sapagkat ayaw po nilang maituwid ang ating kinabukasan.

“Ito pong mga dynasty, ito pong mga dirty politicians, ayaw po nila na mabago ang utak ng ating mga kabataan.

“Pero nagtagumpay po tayo sa pamamagitan din po ng social media, TikTok.

“Ako po, I’m an avid creator in TikTok, ganoon din po sa Facebook. Ipinaglaban po natin, kung naalala niyo, si Kiko-Bam.

“At hanggang sa last week ng survey, hindi po pasok si Kiko-Bam. Sa lahat ng survey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero nagulat po tayo na ibinoto ng mga bagong botante at ng mga kabataan si Kiko-Bam dahil po sa ginawa natin na mga contents sa Facebook, sa Twitter, sa TikTok, at sa kung saan pa.”

Ang "Kiko-Bam" na tinutukoy ni Direk Vince ay sina Kiko Pangilinan at Bam Aquino, na kapwa tumakbo at nanalo bilang senador nitong May 2025 elections.

I’ve always wondered, bakit hindi kasali ang PhilStagers sa PhilStage na organisasyon ng professional theater companies ng Pilipinas (na ilang letra lang ang pagitan sa pangalan nila).

Hindi tuloy eligible sa Gawad Buhay Awards ang mga ginagawa nila — na on its 15th edition na on Wednesday.

Bakit kaya?

Read: Shuvee Etrata on Anthony Constantino: "Ako ang unang nagka-crush."

GORGY RULA

Paano binalanse ni Atty. Vince Tañada ang pagiging writer, director, at bidang artista sa Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musikal?

“As a writer, kailangan ko po talagang magkaroon ng napakaraming pagsasaliksik,” pagsisiwalat ni Direk Vince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At sa akin pong pagsasaliksik, marami po akong natagpuan at nalaman.

“Na si Bonifacio po ay tunay na martir at tunay na bayani ng ating bayan.

“Sapagkat siya po ay nagpamalas hindi lang po ng katapangan kundi ng katalinuhan, at ng labis na pag-ibig sa bayan.

“Ako po bilang isang manunulat, mayroon po tayong mga limitasyon. Kasi hindi naman po lahat puwede nating isulat.

“Kailangan po tayo ay may responsibilidad. As an artist, I am not only writing my whims and caprices.

“I also have to be responsible as an artist and as a Filipino citizen.

“At kailangan ko po na malawak iyong pagsasaliksik ko sa ginagawa kong pagsusulat.

“At nalaman ko po sa lahat ng aking pagsasaliksik na si Bonifacio po ay isa sa ating pambansang bayani.

“Bagamat lagi po nating sinasabi na ang ating pambansang bayani ay si Jose Rizal. Mali po iyan.

“Kasi po, ayon po sa atin pong Heroes’ Commission, mayroon po tayong walong national heroes. Hindi lamang po si Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasama po diyan si Bonifacio. Kasama po diyan si Juan Luna, si Antonio Luna. Si Tandang Sora, ang kaisa-isang babae na pambansang bayani.

“Kaya po mali pong sabihin na si Rizal lang ang ating national hero. Andres Bonifacio is also our national hero.

“Jose Rizal was an American-sponsored hero.

“Noong bandang una po ng ating pag-aaral, kung ang atin pong pagbabasehan ay yung mga olden times’ historians natin katulad nina Zayde, Agoncillo, talaga pong si Rizal ang national hero.

“Kaya lamang po, ngayon po, may makabago na tayong tuklas sa ating kasaysayan.

“At according to our National Historical Commission, hindi lamang po si Rizal ang ating national hero.

“Walo po iyan, at kasama po si Andres Bonifacio.”

Read: Pelikula ni Vice Ganda nagpapakalma ng children with disability

THE CHARACTERS AND CAST

Kabilang sa mga tauhan at magsisiganap sa Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musikal sina Emilio Aguinaldo (Fidel Redado, Joseph Tañada, Lance Cabradilla), Emilio Jacinto (Johnrey Rivas, Ken Intano), Hilaria Aguinaldo (Vean Olmedo, Kanishia Santos, Ella Cristofani), at Gregoria de Jesus (Yvonne Ensomo, Abbey Romero).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andiyan din sina Macario Sakay (Chin Ortega, Carl Rasco), Tandang Sora (Adelle Ibarrientos-Lim, Sarah Javier, Daffodil Abear), Heneral Lachambre (Chris Lim), Mariano Mortel (JP Lopez, Dio Marco), Procopio Bonifacio (James Ramada, Awin Valencia, Peter Parker Tañada), Gobernador Heneral (Gerald Magallanes), Hen. Jose Ignacio Paua (Rotsen Etolle), Agapito Bonzon (Renz Saavedra), Marina Dizon (Bea Marin, Marina Esperida), Komandante Macapagal (Jomiguel Chua), Padre Gil (Ron Garcia), Teodoro Plata (Rajja Mater), at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director Vince Tanada will portray Andres Bonifacio in Bonifacio, Ang Supremo: Isang Musikal.
PHOTO/S: PhilStagers Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results