GORGY RULA
Ayaw mag-comment ni Ruru Madrid tungkol sa susunod na project na gagawin niya sa GMA-7 pagkatapos ng Lolong: Pangil ng Maynila.
Napabalita noon na ang susunod niyang gagawin ay ang Hari ng Tondo.
Pero napabalita ring kay David Licauco na raw ito ibibigay. Ang latest ay si Ruru na naman.
Wala pang kumpirmasyon ang GMA-7 na gagawin na ito ni Ruru, pero mukhang sa kanya na nga ito.
Read: Vice Ganda, binuweltahan ang bashers ng kanyang mga pelikula
Sa 8th EDDYS Awards noong Linggo, Hulyo 20, 2025, ay kinumusta ito ng PEP Troika sa kanya.
Pinaghahandaan na ba niya itong panibagong action-drama na gagawin niya?
“Naku! No comment po muna ako diyan, Tito Gorgy!” kaagad na sagot sa akin ni Ruru.
Pero nagpapasalamat naman ang Kapuso actor dahil kasama siya sa pinagpipiliang gumanap sa proyektong ito.
“Of course, I’m very happy na, you know, na kino-consider po ako para po sa proyekto na yun.
“For me kasi, alam niyo naman po siguro kung gaano ko po kamahal yung paggawa ko ng aksyon. Ahhh... ito po ay passion ko talaga.
"So, para po mapili po dito at makunsidera, isang malaking karangalan po sa akin,” dagdag ni Ruru.
Patuloy raw siya sa pag-aaral ng iba’t ibang skills, kabilang ang martial arts, dahil gusto niya talagang mag-action.
“For now, ako naman, kahit may proyekto man o wala, patuloy ako nagpe-prepare.
"I always want to challenge myself na, you know, magkaroon ng mga bagong skills na puwede ko pang maipakita sa bawat project na ginagawa ko.
“So, na-excite ako sa mga future plans for me at sa mga gagawin ko pa.
"But, for now, I just wanna enjoy this moment dahil nakatanggap ako ng dalawang parangal mula sa EDDYS. Thank you po,” sabi pa ni Ruru.
Read: Woman extorts PHP503M from monks; uses sex videos for blackmail
JERRY OLEA
Masaya si Ruru Madrid dahil napapansin na raw ang kakayahan niya sa larangan ng pag-arte.
Nakaapat na trophies na siya para sa kanyang pagganap sa Green Bones.
Itong sa 8th EDDYS ang latest niya.
Nakuha niyang muli ang Best Supporting Actor trophy, pero ka-tie niya rito si Aga Muhlach para sa Uninvited.
Bukod dito ay nakasama rin si Ruru sa EDDYS Box Office Heroes.

“Grabe!" bulalas ni Ruru. "Kasi isipin niyo, 12 o 13 years na ako sa industriya, at ito pong parangal na ito sa isang proyekto, nakatanggap po ako ng apat na parangal.
“So, isang malaking karangalan po sa akin yun. Pero sabi ko nga, ang mga awards ay hindi lang naman yan basta trophy para sa akin.
“Para sa akin, yun po ay magsisilbing paalala na dapat hindi ako makampante. Dapat hindi ako makuntento.
“Kumbaga, patuloy kong gagawin lahat ang aking makakaya para patuloy na makagawa ng mga makabuluhang programa, ng mga proyekto, ng mga pelikula na siyang makakapagbigay ng inspirasyon para sa mga manonood.
“Yun lang naman po yung layunin at hangarin ko sa buhay na hindi po para… you know, para magpasikat or para makatanggap ng marami pang awards. Hindi lang po yun.
“Kumbaga, for me, malaking bonus yun, but I’m very grateful na pinagkalooban ako ng ganitong biyaya,” saad ni Ruru.
Read: Janella Salvador accused of being third party in Klea Pineda-Katrice Kierulf breakup
8TH EDDYS DELAYED TELECAST
Magkakaroon ng delayed telecast ang 8th EDDYS sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, at may worldwide streaming sa iWantTFC sa Hulyo 27, Linggo.
Ang 8th EDDYS ay presented by Playtime PH in partnership with Newport World Resorts and ABS-CBN.
Co-presented by Globe, Sound Check, and Unilab; kasama sina Senators Camille Villar, Mark Villar, and Chiz Escudero; Beautederm Corporation, Luxxe White, Puregold CinePanalo Film Festival, Kat Corpus, and My Daily Collagen.
Special thanks to Ka Tunying, Jollibee, Bait Lehem, Cong. Toby Tiangco, Echo Jham, San Miguel Corporation, A-list & Partners, JN events team, and Juancho Robles of Chan Robles & Company, CPAs na EDDYS official auditor, sa kanilang suporta sa 8th EDDYS.
NOEL FERRER
Ang isa pang ikinatuwa ni Ruru sa pagkapanalo niya sa 8th EDDYS ay isinelebreyt nila ni Bianca Umali ang 7th anniversary ng kanilang relasyon.
Noong Sabado, July 19, sila nag-anniversary at kinabukasan, July 20, ay nanalo siya sa EDDYS ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).
“Biyaya nga po ito, kasi sabi ko nga sa speech ko kanina, siya po talaga yung inspirasyon ko dito.
"So, parang… happy po ako na nag-celebrate ako ng anniversary namin, then nabigyan pa ako ng parangal mula sa EDDYS.
"I’m just very grateful po talaga sa lahat ng mga blessings na natatanggap ko,” pakli ni Ruru nang nakapanayam ng PEP Troika pagkatapos ng awards night.
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo

SEVEN-YEAR RELATIONSHIP WITH BIANCA UMALI
Ngayong seven years na sila ni Bianca, naniniwala si Ruru na lalo pang magiging matibay ang kanilang relasyon dahil tinitiyak nilang nasa gitna ang Panginoon sa kanilang relasyon.
“Ang sentro po talaga ng pagmamahalan namin ay ang Panginoong Diyos.
“Sabi ko nga, yung relationship ay hindi po iyan isang madaling bagay na kahit na, alam mo yun, na ang dali lang pag-usapan… ganun, e.
“Ang pagmamahal para sa akin ay choice talaga. Not all the time mahal niyo ang isa’t isa.
"Sa totoo lang, most of the time, inis kayo sa isa’t isa. Pero pinipilit niyong piliin ang isa’t isa sa lahat ng pagkakataon.
"At yun naman yung pakikipaglaban na ginagawa namin sa araw-araw,” sambit ni Ruru.
Kaya ang daming ise-celebrate kapag nakita natin si Ruru.
Deserve niya ang success sa career man at love life dahil pinagsisikapan niya at ibinibigay niya ang lahat para rito.
Masaya tayo para kay Ruru.
