GORGY RULA
Ang daming taping at shooting na naapektuhan dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan ngayong Martes, July 22, 2025.
Muntik na nga akong maglaro sa Family Feud na dapat ay magte-taping ngayong araw, pero nag-decide ang pamunuan ng game show ni Dingdong Dantes na i-pack up ito.
Mga miyembro ng entertainment press dapat ang maglalaro, pero ang iba ay hindi makakarating dahil sa binabaha ang kanilang lugar.
Ako sana ang isa sa mga papalit, pero na-pack up ang taping dahil marami ngang hindi makakarating.
Pati mga taping ng drama series ay na-pack up na rin, at hanggang bukas na raw yun dahil sa hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan.
Read: Ina ni Paolo Tantoco, nagsalita na tungkol sa pagkamatay ng anak
POSTPONED MEDIACONS, PREMIERE, AND OTHER EVENTS
Na-postpone din ang lunch mediacon ngayong Tuesday ng digital film na The Four Bad Boys and Me starring Anji Salvacion, BGYO Gelo Rivera, Harvey Bautista, River Joseph, Dustine Mayores, and Brent Manalo, sa direksiyon ni Benedict Mique.
In-announce din ng SM Cinema na postponed ang premiere ng pelikulang Sunshine ni Maris Racal, na gaganapin sana tonight sa SM Aura.
Maging iyong VLF XX: Extended performance na nakatakda sa Hulyo 24, Huwebes ng 8:00 P.M., sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Blackbox Theater) ay ipinagpaliban na.
TV RATINGS
Ang isa lang sa magandang nagagawa nitong masamang panahon ay hindi na lumalabas ang karamihan ng mga tao at nagkasya na lang sila sa panonood sa telebisyon.
Kaya kapag may bagyo, mataas talaga ang viewing level ng mga programa sa telebisyon.
Tamang-tama naman noong Lunes, July 21, ay nagsimula na ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na Cruz vs. Cruz nina Vina Morales, Gladys Reyes, at Neil Ryan Sese.
Naka-7.5% ito, at okay rin ang mga sumunod na afternoon drama ng GMA-7.
Masaya si Gladys Reyes sa magandang pagsisimula ng Cruz vs. Cruz nila ni Vina.
“Sana tuluy-tuloy na ito. Puwede naman talaga dahil alam namin masu-sustain namin yung story na magugustuhan ng mga manonood,” sabi ni Gladys sa PEP Troika.
Read: Janella Salvador accused of being third party in Klea Pineda-Katrice Kierulf breakup

Ang noontime show na It’s Showtime ay naka-5.5%, at nag-No. 1 trending topic sa X (dating Twitter) ang paggi-guest ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition Second Big Placer na si Will Ashley.
Ang katapat nitong Eat Bulaga! ay naka-4.3%.
Sumunod sa It's Showtime ang My Father’s Wife na naka-6.6%.
Pagkatapos ng Cruz vs. Cruz ay ang Akusada na gumaganda rin ang rating kaya naka-7.1% ito.
Pagkatapos ng Akusada ay ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-5.7%.
Ang The Lovely Runner ay naka-4.4%.
Ang bongga rin ng Family Feud kung saan kids ang naglaro, naka-10.2% ito.
Pinag-usapan pa online ang guwapitong anak ni Ian de Leon na si Jaden Kristoff de Leon.
Tuwang-tuwa ang mga Noranians dahil puwedeng-puwede talaga itong mag-artista. Pero Inglesero lang daw.
Read: Jaden de Leon, apo nina Nora Aunor at Christopher de Leon, gusto ring mag-artista

JERRY OLEA
Lalo pang lumakas ang ulan kinagabihan ng Lunes.
Sa telebisyon pa rin nakatutok ang mga tao, kahit sa ibang lugar ay nag-brownout na.
Mataas ang news programs dahil gustong malaman ng mga tao kung may bagong bagyo na naman bang papasok.
Naka-16.2% ang 24 Oras, at ang Frontline Pilipinas naman ay 3%, at ang TV Patrol ay 3.3%. Ang Totoy Bato sa TV5 ay 3.3%.
Sumunod sa 24 Oras ang Sang’gre na naka-12.3%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 14.5%.
Malaki ang ambag ng A2Z at Kapamilya Channel kaya ganoon kataas ang rating ng teleserye ni Coco Martin.
Pero kung sa single digit ay 10.1% ang Sang’gre sa GMA-7, at ang FPJ's Batang Quiapo sa TV5 ay 8.3%.

Nung gabi ring yun ay nagsimula na ang It’s Okay To Not Be Okay na naka-7.5%, at ang katapat na Sanggang Dikit FR ay 8.5%.

Sumunod ang Beauty Empire na 5.1%, at ang Sins of The Father naman ay 3.2%.
Read: Red Uncle scandal sa China, binulabog ang buong mundo
NOEL FERRER
Noong Biyernes, July 18, naman ay ang ending ng Mommy Dearest sa afternoon slot at Incognito sa primetime.
Pero simulan muna natin sa It’s Showtime na naka-5.7%, at ang Eat Bulaga! ay 3.7%.
Sumunod ay ang My Father’s Wife na naka-7%.
Ang finale episode naman ng Mommy Dearest ay 7.4%, at ang sumusunod na Akusada ni Andrea Torres ay 6.8%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 5.3%, at ang The Lovely Runner ay 3.6%.
Ang Family Feud ay 8.8%.
Pagdating sa primetime ay naka-13.8% ang 24 Oras, ang Frontline Pilipinas ay 2.5%, at ang TV Patrol ay 2.6%.
Ang Sang’gre ay naka-11.9%, at ang FPJ’s Batang Quiapo naman ay 13%.
Bongga ang finale ng Incognito na naka-8.9%, at ang Sanggang Dikit FR ay 7.8%.
Ang Amazing Earth ay 3.8%, at ang Sins of the Father ay 3.9%.
Read: Janus del Prado clarifies post about Awra Briguela, neo pronouns
