PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla, inalala ang huling pag-uusap nila ni Lolit Solis

Tingin ni Bong, masaya si Manay Lolit sa pagdalaw ni Gabby...
by PEP Troika
Published Jul 6, 2025
Gabby Concepcion and Bong Revilla at the wake of the late Lolit Solis
Bong Revilla (right) sa pagbisita ni Gabby Concepcion (left) sa lamay ni Manay Lolit Solis: “Pero I’m sure, happy si Nay. Dahil sabi ko nga, ‘O, Nanay! Nandito ang iyong first love!’”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Absent si former Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa 80th birthday lunch ni Manay Lolit kasama ang mga alaga noong Mayo 21, 2025, sa Oriental Palace restaurant sa Morato Ave., Quezon City.

Sabi ni Manay Lolit, naiirita si Bong sa paulit-ulit na pagtatanong kaugnay sa pagkatalo nito sa eleksyon noong Mayo 12 kaya hindi ito pumunta.

Present naman doon ang butihing maybahay ni Bong na si Congresswoman Lani Mercado.

Early birds sa nasabing pagtitipon ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, saka si Benjie Paras at ang wife nito.

Dumating din doon sina Lorna Tolentino, Gladys Reyes, mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, at Mommy Chat na kinatawan ni Pauleen Luna.

Punong-abala sa birthday lunch sina Faye Lorenz, Pat-P Daza, at Tet de Joya na madalas ka-lunch ni Manay Lolit.

Bukod-tanging ang PEP Troika ang imbitadong taga-media sa partikular na pagtitipong iyon, kunsaan ang daming off-the-record na kuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre pa, kabilang sa mga nabanggit ang dating alaga ni Manay Lolit Solis na si Gabby Concepcion.

May mga ni-reveal si Manay Lolit kaugnay sa makasaysayang Manila Film Fest Scam 1994.

Iyon na ang huling pakikipag-bonding with Manay Lolit sa kanyang mga alaga na buhay siya.

LOLIT DAY 1 OF WAKE

Ang sumunod na pagtatagpu-tagpo ng kanyang mga alaga ay sa kanyang lamay. Pumanaw si Manay Lolit noong Hulyo 3, Huwebes, ng 12:55 A.M. dahil sa acute coronary syndrome.

Sa unang araw ng burol sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Ave., Batasan Hills, Quezon City, katabi ng St. Peter Parish: Shrine of Leaders, noong Hulyo 4, Biyernes ay nagpuntahan na ang mga alaga niya.

Noong Biyernes ng umaga dumating mula sa U.S. ang 53-anyos na panganay ni Manay Lolit na si Sneezy Solis McDonald.

Ang bunso ni Manay Lolit, ang 52-anyos na si Sloopy, ay sa Hulyo 7, Lunes ng 11:00 P.M. pa ang dating sa Pilipinas mula sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Early birds sa lamay noong Biyernes ng hapon ang mag-asawang Tonton at Glydel.

Dumating din sina Benjie, Gladys, mag-asawang Christopher at Sandy, Lani with son Bryan Revilla, Paolo Contis, Amy Austria, Direk Chito S. Roño, at Mommy Chat with Pauleen Luna.

Siyempre pa, andoon ang madalas ka-lunch ni Manay Lolit na sina Faye, Pat-P, at Tet. Namataan din namin sa first night sina Princess Revilla, Isabel Rivas, Cory Vidanes ng ABS-CBN, Redgie Magno, Cristy Fermin, Mr Fu, Rommel Chika, Mama Loi, Precy Ejercito, at Bernard Cloma.

Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga wreath, may mga switching ng mga puwesto, pero hindi natitinag sa kinalalagyan sa may ulunan ni Manay Lolit iyong wreath mula kay Bong Revilla.

Celebrities pay last respects to talent manager/host/reporter Lolit Solis
Seen at the wake: Bong Revilla, Lani Mercado, Lorna Tolentino, Yasmien Kurdi, Paolo Contis, Benjie Paras, Gorgy Rula, Christopher de Leon, Amy Austria, Tonton Gutierrez
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

LOLIT SOLIS DAY 2 OF WAKE

Sa ikalawang araw ng lamay doon sa Aeternitas, present pa rin sina Tonton, Glydel, Lorna, Paolo, Amy, Christopher, Sandy, Benjie, at Lani.

Dumating si Bong Revilla. Andoon din ang mga alaga ni Direk Chito na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario ng Streetboys, Gina Alajar, Mommy Carol ni Judy Ann Santos, Ali Sotto, Arnold Clavio, Bambbi Fuentes, Ma’am Wilma Galvante, Atty. Joji Alonso, Kuya Lhar Santiago, Tirso Cruz III and wife Lyn, Yasmien Kurdi and husband Rey Soldevilla, at Niño Muhlach na may dalang ilang kahon ng ensaymada.

Siyempre, andoon sina Faye, Pat-P, at Tet. Dumating din si Wilson Lee Flores ng Kamuning Bakery.

Nangako si Sir Wilson na magdadala afterwards ng mga tinapay. More and more ang arrival ng wreaths. Nasa labas na iyong iba dahil wala nang paglagyan sa loob ng Selene chapel.

Pinagkaguluhan nang lubos si Gabby Concepcion sa lamay noong Sabado ng gabi. Ayon sa current manager ni Gabby na si Popoy Caritativo, nagpaalam lang si Gabby sa taping sa Libis, Quezon City, para dumalaw kay Manay Lolit, at kailangan nitong bumalik agad sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inusisa namin kapagkuwan si Bong Revilla kung sa tingin ba niya ay masaya si Manay Lolit sa pagdalaw ni Gabby.

Mabilis na sagot ni Bong, “Oh, yes, nakita ko si Gabby kanina. Masaya si Nanay na nakaharap niya si Gabby!”

Noong buhay pa si Manay Lolit ay nagkita sila ni Gabby sa Camp Crame habang nakakulong pa doon si Bong.

Sorpresa noon ni Bong para kay Manay Lolit si Gabby, na may regalong chocolate. Naloka si Manay Lolit nang may nagsabing expired na iyong chocolate.

“Hindi naman alam ni Gabby yun,” sabi ni Bong.

“Pero I’m sure, happy si Nay. Dahil sabi ko nga, ‘O, Nanay! Nandito ang iyong first love!’”

Celebrities pay last respects to talent manager/host/reporter Lolit Solis
Gabby, Lorna, Bong, and Lani at Manay Lolit's wake
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Ok yung gesture ni Gabby Concepcion na magbigay pagpapahalaga kay Nay Lolit Solis na talagang nag-alaga sa kanya.

Ang susunod na aabangan ay yung ibang inalagaan pa ni Nay Lolit na sina Mark Herras, Nanette Medved, Daisy Reyes, at maging si Rosanna Roces.

Wala namang inoobliga sa sitwasyong ito; kusang loob ito ng mga natulungan at naging kaibigan ni Nay Lolit.

Babalik tayo mamaya ulit, at magpapasalamat sa mga katulad ni Concert King Martin Nievera, na kahit hindi naging manager si Nay Lolit ay laging nagpapahalaga sa kabutihang nagagawa ng tao sa kanya.

GORGY RULA:

Ten years old pa lang daw si former Senator Bong Revilla Jr., “nanay” na niya si Nay Lolit Solis.

Ayon kay Kuya Bong: “Si Nanay Lolit, panahon pa ng tatay ko. That long. Tawag nga niya sa daddy ko, Mang Ramon. Bata pa lang ako noon…

“Matagal na, tapos yun nga, naging manager ko siya. Ni Lani, the whole family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa halos limang dekadang naging nanay-nanayan niya si Nay Lolit, nag-away ba sila?

“No, never naman. Wala akong natandaan. Pinapagalitan niya ako! Pagka natsitsismis ako,” natatawang pagtatapat ni Kuya Bong.

Ipinagtatanggol niya si Lani. Ahhh, mami-miss ko siya. Kasi hindi pupuwedeng lumampas ang isang linggo na hindi kami mag-uusap.

“Kaya nakakalungkot na wala na siya.”

Kumusta ang huling pag-uusap nila ni Nay Lolit?

“Alam niya na I’m so down, siyempre yung pagkatalo ko. Sabi niya sa akin, ‘Lahat ito, lilipas. Wala kang kasalanan sa bayan.

“‘Basta, you just have to be strong at makakaya mo yan. Bangon lang. Gawa tayo ng pelikula. Balik ka sa TV.’

“Sabi ko, ‘Gusto ko munang magpahinga, Nay.’ Sabi niya, ‘Hindi! Bangon lang! Laban lang tayo!’

“Sabi ko, ‘Ikaw ang kumusta na?’ ‘Eto, buhay pa ako,’ sabi niya. Tapos yun… nakakalungkot.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bong Revilla (right) sa pagbisita ni Gabby Concepcion (left) sa lamay ni Manay Lolit Solis: “Pero I’m sure, happy si Nay. Dahil sabi ko nga, ‘O, Nanay! Nandito ang iyong first love!’”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results