JERRY OLEA
Hindi nasorpresa si Direk Roman Perez Jr. sa pagpapakitang-gilas ni VR Relosa sa dulang 3 Men On An 1sland noong Hunyo 28, 2025, Sabado ng gabi, sa teatro ng PhilStagers Foundation (PSF) sa Balic-balic, Sampaloc, Manila.
“Alam kong gagalingan ni VR. Hindi ako na-surprise. Pinaghandaan niya iyan!” bulalas ni Direk Roman, na ilang beses naidirek si VR sa VMX (dating Vivamax) movies.
“Pinaghandaan yan ni VR. Ganoon siyang artista, e, saka nagwo-workshop ngayon yan, kay Direk Rahyan Carlos.
“Alam niyang mangyayari ito. So, nakakakita tayo, nagta-transform na yung mga actors ng VMX, no, sa stage.
“Ang gandang pihit nung karera.”
Read: Vice Ganda, pinatutsadahan sina Ricky Reyes at Renee Salud?

DENISE ESTEBAN AND VR RELOSA AS THEATER ACTORS
Ang VMX star na si Denise Esteban ay naging understudy ni Elora Españo sa pagtatanghal ng dulang Anino sa Likod ng Buwan noong nakaraang Marso sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
Sa rerun ng Anino sa Likod ng Buwan mula Oktubre 17 hanggang Nobyembre 9 sa kaparehong venue, ka-alternate ni Elora si Denise sa ilang performances.
Matutuloy pa ba ang pagtatambal nina VR at Denise this year para sa dulang Junk Shop (na unang ginampanan nina Angeli Bayani at Lao Rodriguez)?
Pagtatapat ni Direk Roman: “Ang problema namin, si Denise nga po. Itong rerun ng Anino sa Likod ng Buwan, halos half pala sa kanya. Half-half sila ni Elora.
“So nagbe-beg off siya, at naghahanap kami ngayon ng babaeng bago. Naghahanap kami ng babae na kasinggaling.
“Pag naging available naman si Denise, magsasama naman silang dalawa ni VR.
“Kanina, nakita ko si Vance Larena, e. Inaaya ko. Parang gusto.”
Sa Junk Shop ay game na mag-frontal si VR.
Si Vance ay nag-frontal na rin before sa entablado.
Dagdag ni Direk Roman: “Kaya tinatanong ko siya, ‘Ready ba si Vance?’ ‘Oo, ready kami, Direk, basta kasama ko yung girlfriend ko!’ sabi niya.
“GMA Sparkle daw yung girlfriend niya.”
Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case
GORGY RULA
Tinanong ng PEP Troika si Direk Roman Perez Jr. kung paano nila naayos yung Vivamax movie na “tinakasan” ni Karen Lopez.
Pinalitan ba si Karen at ni-reshoot ng iba ang mga eksena niya?
“Ano po, e, inayos po namin yung istorya. Kasi po, malaking problema, e,” lahad ni Direk Roman.
“Malaking dagok yung nangyari. Hindi ko alam kung A nagtanan, B umayaw na ba talaga, C meron lang problema?
“Pero again, ginawan ng paraan. Ginawan ng paraan ng management para ma-solve iyong eksena niya.
“Mapapanood pa rin naman natin yung mga eksenang nagawa niya noong Day 1. Nakapag-shoot siya, e. Nakapag-shoot po siya…
“But of course, important din… kasi bago yun. Bago siya, saka launching dapat niya.”
Read: VMX star Karen Lopez issues apology for sudden disappearance

WILL ROMAN PEREZ JR. DIRECT KAREN LOPEZ AGAIN?
Ilu-launch pa ba niya si Karen sa kabila ng lahat?
Napapailing na sabi ni Direk Roman: “Actually, ako ang kumatok sa condo nila kaya sabi ko nga kay Kuya Lito [de Guzman], i-solve nila yung problema nila.
“Kasi, malaking dagok, ilu-launch natin siya, tapos hindi pala siya willing na mai-launch.
“Pero apparently ngayon, bumabalik. Bumabalik, nag-sorry na kina Boss Vic [del Rosario Jr.]. Nag-sorry na sa management.
“Inaayos po ngayon yung kanyang career. Ngayon, nag-sorry naman na sa akin, personal. Pinalitan namin siya sa ibang scenes.
“Pinalitan namin yung ibang eksena niya. Pero makikita pa rin siya sa pelikula.”
Kukunin niya uling artista si Karen Lopez?
Mabilis na sagot ni Direk Roman, “Naku, hindi na po! Honestly, hindi na po!”
Anim na taon na sa Viva si Direk Roman, at first time niyang nakaengkuwentro ng kagaya ni Karen.
“Nirerespeto naman natin yung mga problema ng iba. Baka meron siyang personal problem,” saad ni Direk Roman.
“Yun nga, sabi niya sa social media, meron daw siyang mental health problem. May family problem.
“So OK lang naman. OK lang naman din na patawarin natin. Patawarin natin pero hindi na uulit. Hindi na uulit!
“Hindi na po natin kukunin. Kasi, alam na po natin ang work ethics.”
Read: Hubadero 2025 2Q: Male nudity in films, on stage, online
NOEL FERRER
Nangalahati na ang taon. Sinu-sino kaya sa Vivamax stars ang aangat sa mga susunod na buwan?
“Mga bagong selection na ang pinapasikat, ano,” matamang sambit ni Direk Roman Perez Jr.
“Sabi nga nila, ang bilis tumanda ng mga babae at lalaki sa Vivamax. Pero apparently, maraming bago ngayon.
“Si Ashley Lopez, yung Queenie de Mesa, and Divine Villareal. Mga bago.
“Yung Aliya Raymundo, siya ang pinakahino-hone na mag-lead. Eighteen years old, matapang, bata, maganda. Kamukha ni Alma Moreno.
“Kamukha ni Miss Ness noong kabataan niya. Siya ang isinusulong na mag-queen.
“Kasi siyempre, si Angeli Khang, nagpapahinga ngayon. Pati si Robb Guinto. Nasa London. Sabay silang nagpapahinga.
“Kaya sabi ko nga, may new breed na. Siguro every year talaga, may lalabas na new breed na bagong pagpapantasyahan ng mga tao.”
DIREK ROMAN'S VISION FOR VMX
Ano ang vision niya para sa VMX?
“Ang vision ko, actually vision din ito ng company, magre-remake kami ng apat na classic na erotic movies ng Viva,” pagsisiwalat ni Direk Roman.
“Gagawin namin ang reimagined version ng Ekis. Ako, gagawin ko ang reimagined version ng Balahibong Pusa this July, with the support of Direk Yam Laranas.
“Bago lahat ang mga actors. Maglu-launch ng panibagong set ng actors.”
Ang Ekis: Walang Tatakas (1999) ay pinagbidahan nina Sunshine Cruz at Albert Martinez, sa panulat at direksyon ni Erik Matti.
Ang Balahibong Pusa (2001) ay tinampukan nina Joyce Jimenez, Rica Peralejo, at Jay Manalo, sa direksyon ni Yam Laranas.
Read: 8th EDDYS: Alden Richards, Arjo Atayde magkatunggali for best actor
