PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gen Z singers Isha, Maki, BGYO, Fyang, Kai take over OPM scene

PBB Gen 11 housemates Fyang Smith at Kai Montinola, recording artists na!
by PEP Troika
Published Jul 3, 2025
gen z singers
Gen Z singers (from left) Isha Ponti, Maki, Fyang Smith, and Kai Montinola release new singles.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

GORGY RULA

Mensahe para sa mga Gen Z ang bagong kanta ng singer-composer na si Isha Ponti.

Kaka-celebrate lang ni Isha ng kanyang 19th birthday.

Isinabay niya ang kanyang birthday celebration sa launching ng bagong single niyang "Dyahe." Ginanap ito sa Hard Rock Café ng Conrad Manila noong Sabado, June 28, 2025.

Sa edad na 19 ay 17 songs na pala ang naisulat ni Isha na siya rin ang nag-record.

Ayon kay Isha, talagang naka-relate siya sa "Dyahe" dahil mula mismo sa karanasan niya ang hugot nito.

“It’s my experience,” pakli ni Isha.

Read: Lea Salonga, bibigyan ng bituin sa Hollywood Walk of Fame

MAKING THE FIRST MOVE

Meron daw kasi siyang nagustuhan na siya mismo ang nagparamdam, at hindi siya nadyahe.

Ayon kay Isha, ganun na ang ibang kabataan sa kanilang generation, na silang mga babae na mismo ang nagpapahiwatig sa lalaking gusto nila.

Alam daw niyang marami sa mga kabataan ngayon ang na-experience ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’ve met someone who changed my life,” napangiti niyang pahayag.

“Actually, it’s my first time, writing something like that.

“Kasi yung uso sa generation natin ngayon, parang puro mixed signals, situations sa mga Gen Z ngayon…

“Yes! It’s different in our generation right now, na parang ang nangyayari, sila na yung nagpi-first move madalas.

“Mga torpe, pero nagpapakita naman sila ng pahiwatig, pero gusto nila kami ang mag-first move.

“It’s a love-hate relationship, e. Mixed feelings talaga when it comes to that song.

"Kasi, like, parang yung ayaw mo, pero gusto mo. Ganun po yung meaning ng song."

Read: Vice Ganda, pinatutsadahan sina Ricky Reyes at Renee Salud?

NOEL FERRER

Nilinaw ni Isha Ponti na hindi lahat na babaeng Gen Z ay ganun. Depende rin daw.

Pero tiyak na marami raw sa mga kabataang girls ngayon ang maka-relate sa kanta niyang "Dyahe."

“It depends on the girls on how they're gonna interpret it as parang mas gaganahan ba sila umamin sa crush nila or ewan… yeah! It’s my experience, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsisimula nang mag-promote si Isha sa latest single niyang ito na nasa Spotify na at iba pang digital platforms.

isha ponti
Isha Ponti

FRONT ACT AT MARCO SISON'S CONCERT

Magpo-front act si Isha sa nalalapit na concert ni Marco Sison na gaganapin sa The Theater at Solaire sa July 25 na pinamagatang Marco Sison Seasons of OPM.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Special guests ni Marco rito sina Vice Ganda, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at Martin Nievera.

Gusto rin sana ni Isha na makagawa ng kanta para sa mga kilala nating singers.

Saad niya: “Hopefully po makagawa ako ng song sa BINI. Actually, any artists today parang okay sa akin, basta nagkakasundo kami sa vision sa music, ganun.

“Iba-iba po ang genre ko when it comes to song writing, e. Depende po sa trip ko.”

Pero may dream daw talaga siyang maka-collab.

“Ang hirap na pong makapag-connect sa kanila, pero for sure SB19 or Maki,” napangiti niyang pakli.

Read: Hubadero 2025 2Q: Male nudity in films, on stage, online

JERRY OLEA

Ang daming mga bagong awit at mang-aawit, na nakaka-relate ang mga Gen Z — ang mga indibidwal na isinilang mula 1997 hanggang 2012.

Yung mga angst at mensahe ng mga kanta, swak sa emo at timpla ng mga kabataan nowadays, kahit sa mga twentysomething.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAKI

Panibagong kulay ang hatid ni Maki sa kanyang latest single na “Kahel na Langit,” na kumuha ng inspirasyon sa isang taong itinuturing na takbuhan sa panahon ng pagsubok.

maki
Maki

“The feeling of yearning or longing for someone after realizing na ikaw lang ang nagbubuhat sa sarili mo tapos wala kang taong mapag-vent out,” saad ni Maki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bago ka matulog, maiisip mo na nami-miss mo yung taong napagsasabihan mo ng mga problema mo.”

Isinulat at iprinodyus ni Maki ang awitin kasama sina Tati de Mesa, Jacob Clemente, at Shadiel Chan. Inareglo naman ito ng kanyang banda na the Zushibois na binubuo ng producers na sina Tati, Job Lopez, Sammy Icaranom, at Ian Moscare.

Si Maki rin ang nag-co-direct ng music video nito kasama si Ingrid Ignacio ng Wonderlast.

Tampok ang bagong awitin at iba pa niyang color-themed anthems na “Dilaw,” “Namumula,” at “Bughaw” sa album niyang KOLORCOASTER na ilulunsad ngayong taon.

Kamakailan ay kinilala si Maki bilang Asian Artist of the Year sa 2025 Music Rank Asian Choice Awards sa Japan.

Nasungkit ng “Kahel na Langit” ang pinakamalaking streaming debut para sa isang OPM song sa Spotify Philippines, kung saan nakakuha ito ng 206.5K streams sa unang araw.

Nakakuha rin ito ng mahigit 3 million streams sa loob ng labing-isang araw at tampok din sa iba’t ibang editorial playlists tulad ng Spotify New Music Friday Philippines at Hot Hits Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dustin Yu admits he was jealous of Will Ashley

FYANG SMITH

Ganap nang recording artist ang Pinoy Big Brother: Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith matapos ilunsad ang kanyang five-track debut EP na Forever Fyang tampok ang “Mishu (Nasaan Si Fyang?)” at “Tayo Hanggang Dulo.”

Mula sa komposisyon nina Trisha Denise at Dennis Campaner ang “Mishu,” habang isinulat nina ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at Perry Lansigan ang “Tayo Hanggang Dulo.”

Tampok sa mini album ang feel-good vibes at kuwento ng pag-ibig, magmula sa kilig hanggang sa pagkakaroon ng pangmatagalang koneksiyon.

Kabilang din dito ang tatlong bagong kanta na “Clingy AF” na isinulat ni Gabriel Tagadtad, “Kaya Mo Ba” nina Jeremy G at Jarea, at “Para Shoot” na mula sa award-winning composer na si Jungee Marcelo.

fyang smith
Fyang Smith
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BGYO

Magpapaibig ang BGYO sa kanilang bagong dance-pop single tungkol sa pagiging hopeless romantics na pinamagatang “All These Ladies.”

Alay nila ito para sa lahat ng mga kababaihan.

Fresh look ang BGYO members na sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate sa official music video ng kanta na napapanood na sa BGYO Official YouTube channel.

Handog ng ABS-CBN Music International ang “All These Ladies” na sumailalim sa recording habang ang grupo ay nasa Los Angeles, California, USA, noong Agosto 2024.

Sinusundan ng “All These Ladies” ang paglunsad ng BGYO EP noong Marso tampok ang key track nito na “Divine.”

BGYO
BGYO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAVEN

Naglunsad ng dalawa niyang komposisyon, “Gustong Gusto (I like it so much)” at “Papunta Na Ako (I’m on the way)” ang baguhang singer-rapper na si MAVEN na kauna-unahang hip-hop artist na nag-debut sa ilalim ng Star Music label ng ABS-CBN.

Si MAVEN o Dustin Gipala sa totoong buhay ay isa sa mga naging contender ng "Tawag ng Tanghalan Kids" Season 1.

Naging bahagi rin siya ng blind auditions ng The Voice Kids taong 2015.

Naging aktibo siya bilang cover artist sa YouTube simula 2019.

Bilang artist, nais ni MAVEN na maghandog ng relatable at totoong kuwento sa kanyang mga hip-hop composition.

Aniya, “Real sh*t, real-life, and authentic lahat ng ilalabas nating music, abangan niyo.”

Tungkol sa init ng damdamin na dala ng pag-ibig ang kanyang R&B track na “Gustong Gusto (I like it so much).”

Samantala, ang pop R&B track na “Papunta Na Ako (I’m on the way)” ay tungkol sa katiyakan na papunta na ang isang tao sa kanyang minamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Atong Ang, Gretchen Barretto tagged by Alias Totoy in missing sabungeros case

maven
MAVEN

LYKA + MARIELLE

Nagsama ang “Tawag ng Tanghalan” champions na sina Lyka Estrella at Marielle Montellano para sa kanilang ballad single na “Wish You The Best.”

Umiikot ang awitin sa pagbitaw sa masasakit na alaala ng pag-ibig at pagkakaroon ng kapayapaan upang palayain ang taong dating iniibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagmula ito sa komposisyon ng award-winning songwriter na si Jungee Marcelo at produksyon ni Soc Villanueva.

Unang nakilala si Lyka nang hirangin siya bilang grand champion ng “TNT” Season 6.

Kasunod nito, inilabas niya ang debut single na “Hawak Mo” noong 2023 na naging soundtrack ng Kapamilya series na Nag-Aapoy Na Damdamin.

Samantala, nakilala si Marielle bilang unang kampeon ng “Tawag ng Tanghalan: Duets” kasama si JM Dela Cerna.

Noong 2018, inilunsad niya ang first single na “Talaga Ba.” Nagkaroon naman siya ng kolaborasyon kay JM na “Pag Ang Puso Ang Nagsabi” noong 2024.

lyke & marielle
Marielle Montellano and Lyka Estrella
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAI MONTINOLA

Recording artist na rin ang Pinoy Big Brother: Gen 11 finalist na si Kai Montinola matapos ilabas ang kanyang debut extended play (EP) na Kaileidoscope, na nanguna agad sa iTunes Philippines albums chart.

Umiikot ang mini album sa tema ng pag-ibig, self-worth, at emotional growth.

Kasama sa mga awitin nito ay “Hay Naku,” “Self Love Era,” “Overthink,” “Kung Pwede,” “For You,” “No Conversation,” at “Shooting Star” tampok ang PBB Gen 11 alum na si Jarren Garcia.

Pinaghalong Filipino, Ingles, at Cebuano lyrics ang ibinida ni Kai sa key track na “Overthink,” na nagpapaalala na dapat maging maingat sa pag-ibig pero huwag hahayaan ang sarili na i-overthink ang damdamin.

kai montinola
Kai Montinola
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELA KEN

Pag-ibig na hindi mabitawan ang ibinida ng singer-songwriter na si Angela Ken sa awiting “Pwede Bang Mamaya?”

Mula sa orihinal na komposisyon ni Angela ang awitin na tungkol sa paghingi ng ilang oras para makasama pa ang taong iniibig, kahit na patungo na ang relasyon nila sa pagwawakas.

“Gumawa ako ng kanta para sa mga taong ayaw nating magpaalam kahit ramdam na nating umaayaw sila. It’s a song that validates your heart’s plea,” saad niya.

Unang nakilala ang Kapamilya artist nang ilabas niya ang breakout hit na “Ako Naman Muna” noong 2021.

Kasunod nito, inilunsad niya ang self-titled debut album na umani na ng mahigit 50 million streams sa Spotify.

Patuloy niyang ipinamalas ang musicality sa recent singles na “Alas Diyes” at “Sikulo” na hit collaboration niya kina Maki at Nhiko Sabiniano.

Read: 8th EDDYS: Alden Richards, Arjo Atayde magkatunggali for best actor

angela ken
Angela Ken
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gen Z singers (from left) Isha Ponti, Maki, Fyang Smith, and Kai Montinola release new singles.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results