JERRY OLEA
Ngayong Hulyo 2, 2025, Miyerkules, ang ika-183 araw ng taon.
Ito ang humahati sa 2025 na merong 365 days.
So far, labintatlo na ang mga pelikulang Pinoy na nag-topnotcher sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines this year.
Ang mga ito ay Balota, Hello, Love Again, Sosyal Climbers, Guilty Pleasure, Sampung Utos Kay Josh, Hold Me Close, My Future You, Ex Ex Lovers, Scarecrow aka Espantaho, Everything About My Wife, Uninvited, And The Breadwinner Is…, at Green Bones.
Read: Justice Secretary Remulla, tinanong sa paglutang ng pangalan ni Gretchen Barretto sa sabungero case

Noong Mayo 23 ay pawang Filipino movies ang Top 3 — Scarecrow, Ex Ex Lovers, at My Future You.
Mula Mayo 23 hanggang Hunyo 6 ay apat na pelikulang Pilipino ang nasa Top 10. Ganoon din noong Hunyo 8, 13-16, 18, at 19.
Pumasok sa Top 10 pero hindi nag-No. 1 ang Jose Rizal, Love Child, Friendly Fire, Crosspoint, at Mujigae.
Ang Miss Universe Philippines docufilm na A Queen’s Runway ay bigong pumuwesto sa Top 10.
Kabilang sa Pinoy movies na mag-i-streaming this month sa Netflix Philippines ang Un-Ex You bukas, Hulyo 3, My Love Will Make You Disappear sa Hulyo 10, Lilim sa Hulyo 17, at Pagtatag! The Documentary sa Hulyo 23.
Read: Aktres, gustong makipagbalikan sa ama ng kanyang anak

TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Kandahar
- KPop Demon Hunters
- Infinite
- And The Breadwinner Is…
- Green Bones
- The Old Guard
- The Fate of the Furious
- 28 Weeks Later
- Straw
- The Crow
NOEL FERRER
Noong Hunyo 18 ini-announce ng ABS-CBN na bida sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa romance-suspense seryeng The Alibi.
Malapit na raw itong mapanood, pero hindi pa natin batid kung kailan ba iyon. Nakaka-suspense?!
Kasama sa mga bumubuo ng The Alibi ang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin, writer na si Danica Domingo, at mula ito sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment — ang parehong grupo sa serye ng KimPau na Linlang.
Ang The Alibi ang next project nina Kim at Paulo pagkatapos ng seryeng Linlang at ang Philippine adaptation ng seryeng What’s Wrong With Secretary Kim.
Bumida rin sila sa box-office hit movie ng Star Cinema na My Love Will Make You Disappear, sa direksiyon ni Chad Vidanes.
KIMPAU ON NETFLIX
Masusubukan ang lakas ng KimPau sa Netflix ngayong buwan.
Streaming na sa Netflix umpisa Hulyo 4, Biyernes, ang serye nilang Linlang aka Deceit.
Sa Hulyo 10 naman ang streaming ng pelikulang My Love Will Make You Disappear.

Posible bang mag-No. 1 sa Top 10 Movies ang My Love Will Make You Disappear, habang No. 1 sa Top 10 TV Shows ang Deceit?
Five consecutive days nang No. 1 sa Top 10 TV Shows ang Squid Game, mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 2.
Bukas, Hulyo 3, Huwebes, ay streaming na sa Netflix ang final season ng The Sandman.
Nakatakda sa Hulyo 15 ang streaming ng 128th and finale episode ng Incognito. Kaya good luck sa Deceit!
Read: Si Xian Lim ba ang tinutukoy ni Vice Ganda sa queerbaiting issue?

TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Squid Game
- Our Unwritten Seoul
- Incognito
- Bet
- Mercy for None
- Oh My Ghost Clients
- Attack On London: Hunting The 7/7 Bombers
- Tastefully Yours
- La Palma
- The Princess Gambit
GORGY RULA
Malaking tulong talaga ang Netflix sa local film producers.
May ilang mga pelikulang sumemplang sa mga sinehan, pero pagdating sa streaming services kagaya ng Netflix ay nangunguna ang mga ito.
Yun din ang inaasahan ng ilang mga maliliit na producers, kagaya ni Engr. Benjie Austria ng BenTria Productions.
Nakausap ko siya sa media conference ng stageplay na Walong Libong Piso na siya rin ang producer.
Katatapos lang niyang i-produce ang Graduation Day na bale pang-apat na pelikulang prinodyus ng BenTria.
Naipalabas na sa mga sinehan ang tatlong pelikulang na-produce niya, pero wala pang naibalik sa ipinuhunan niya. Kaya inaasam na lang daw niyang maibenta ang mga ito sa Netflix.
Sana, tanggapin daw ang mga ito ng Netflix para kahit paano ay makakabawi siya.
“Hindi ko pa iniisip ang ROI. Pero one day siguro magka-ROI ako, pero right now, nagpo-produce na lang muna ako.
“Maganda naman yung mga pelikulang pino-produce ko, mga malalaking artista, pero wala talaga sa sinehan. When it comes to theater, wala talaga.
“So, right now, we are thinking yung sa ibang platform. Pag may bumili, so siguro… para makapag-produce pa tayo uli.
“Kaya nga sabi ko, sana suportahan natin yung mga movies natin kasi sa tingin ko hindi lang naman ako, e. Kung tingnan mo ang ibang sinehan, halos walang nanonood.
“Sana tulungan natin,” saad ni Engr. Benjie Austria.
Read: 8th EDDYS: Alden Richards, Arjo Atayde magkatunggali for best actor
