JERRY OLEA
Hunyo 18, 2025, Miyerkules, pinost ng VinCentiments sa Facebook at YouTube ang Episode 1 (“Pinakamahina”) ng vertical drama series na Ninang starring Max Eigenmann and Redd Arcega.
Isinulat, idinirek, at iprinodyus iyon ni Darryl Yap.
Sa Facebook, naka-1M views iyon in 18 hours, 4.5M views in 24 hours, at 10M views in 36 hours.
As we write this, naka-19.8M views na iyon.

Ang Episode 2 (“Binyag”) ay pinost noong sumunod na Miyerkules, Hunyo 25. Umabot na iyon sa 9.7M views sa FB.
Nakatsikahan namin si Max nitong Hulyo 1, Martes, sa Rampa Drag Club sa Morato Ave. Extension, Quezon City, matapos ang announcement ng nominees sa 8th EDDYS awards.
Sina Max at RS Francisco ang nag-announce ng mga nominado sa major categories ng nasabing awards ceremony na gaganapin sa Hulyo 20, Linggo, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.
Read: 8th EDDYS: Alden Richards, Arjo Atayde magkatunggali for best actor
MAX EIGENMANN ON HER FIRST VERTICAL SERIES
Kuwento ni Max, tinawagan ni Direk Darryl ang manager niyang si Ricky Gallardo.
Nag-send afterwards si Direk Darryl ng script ng first episode.
“And iyon na!” natatawang bulalas ng multi-awarded actress.
Nagkaroon ba siya ng apprehension na tanggapin ang project?
Mabilis na tugon ni Max: “Not at all. Kasi at the end of the day, I’m an actor, di ba?
"So what makes me feel like… I’m doing my job well, is when I accept characters that I haven’t done before.
“So this is my first-ever vertical series, and it’s also my first time to lead a comedy series.
“And yun, I’d like to think of myself as an out-of-the-box actress so…”
Kumusta ang kapartner niyang si Redd na isang baguhan?
“OK naman. At the end of the day naman, whoever I work with — directors, producers, actors, whether seasoned, veterans, new, young, or older — I always learn from them, e.”
Na-intimidate ba sa kanya si Redd?
“Siyempre, as a young actor, kahit naman ako, ninenerbiyos,” pagmamatwid ni Max.
“Kasi the premise of the series is something I haven’t done. So, kung ako ninenerbiyos — I can’t speak for him — pero sure, pati siya.
“Lahat naman, di ba? Pag first time to work on anything, lahat naman tayo ninenerbiyos.”
Kumusta ang first time na nag-meet sila ni Redd?
“Nag-meet kami sa first day ng shoot. Reading with Darryl, of course,” lahad ni Max.
Ano ang reaksiyon ng mga kakilala niya, pati ng kanyang pamilya, na nakapanood sa Ninang?
“Wala! Parang wala pa yata sa family ko, nakaka-watch!” natatawang sambit ni Max.
“I shared it on Facebook, and on my social media accounts. Pero before ko shinoot yung first episode, ipinabasa ko kay Mommy [Bing Pimentel] yung script."
Read: Si Xian Lim ba ang tinutukoy ni Vice Ganda sa queerbaiting issue?
NOEL FERRER
May mga tumatawag na ba kay Max Eigenmann na "Ninang"?
“Minsan, yes. May mga nagni-‘Ninang’ sa akin sa Instagram, sa Facebook,” saad ng Ninang ng Bayan.
“Meron na ring tumawag sa akin sa isang convenience store.”
Meron na bang gustong “magpabinyag” sa kanya?
“Hindi naman ganun. Pero may mga nagme-message na ano, usually lalaki, ‘Hello po, Ninang!’”
May nag-message o nag-comment na ba na bastos?
“Well, social media regardless of what you do naman, kahit gumagawa ka ng series na ganyan o hindi, meron talagang nagko-comment na bastos, e, regardless,” sey ni Max.
“So, kahit before ko pa ginawa ito, meron na talagang ganun. So it’s not a surprise. Hindi ko na lang talaga siya pinapansin.”
Dalawa ang mga anak ni Max, na parehong lalaki. Edad disinuwebe at katorse.
Si Redd ay 22-anyos.
Read: Kumusta ang ratings ng mga bago at nagbabalik na shows?
GORGY RULA
Sa sukdulan ng Episode 1, tumalak si Ninang Jen, “Ang tigas din ng ulo mo, ha?!”
“Ito, mas matigas, Tita,” sey ni Alfred, sabay kuha sa kamay ni Jen at ipinahawak ang kanyang harapan, saka ngumisi.

Swak na swak ang pasok ng kanta, “Delikado, delikado/ Magagalit ang mundo, galit ang mundo, galit mundo…”
Kumusta nang gawin nila ang eksenang yun? Nakailang take sila?
Napakunot-noo si Max, “Parang dalawa lang ata.”
Kaswal lang? Hindi big deal?
“No! Hindi talaga! Kasi, it’s work, e. Di ba? I’d like to think of myself as an out-of-the-box actor,” tugon ni Max.
“At the end of the day, kahit anong character ang ibigay sa akin, gagawin ko talaga ang best ko.
“Lalo na siyempre kung sobrang drama, pag paulit-ulit, nakakapagod din, di ba?
“Kung ganyan din na may ganyang, di ba, may ganun? Ha! Ha! Ha! Nangyayari… siyempre, do your best na!
“Para isa, dalawa, tatlong take lang, di ba?”
Read: Anne Curtis hits back at netizen who questioned her award for hosting
FROM HEAVY DRAMA TO COMEDY SERIES
Sa mga heavy drama scenes na ginawa ni Max before ay mukhang nade-drain siya emotionally.
Sa comedy series na ito, nag-enjoy lang ba siya? O nahirapan din?
“Nakakatuwa naman talaga kasi siya. Pero I think, in all honesty, I could say that what I had difficulty with is speaking straight Tagalog verbatim,” pagsisiwalat ni Max.
“Kasi there’s a way that Darryl writes, and ayoko din siyang pakialaman, e! Kasi ang ganda ng pagkaka-wield niya ng mga bagay.
“Tapos siyempre malalim din yung Tagalog niya. Yun lang naman, but other than that, I’m having so much fun!”
Ang Episode 3 (“The Secret Code”) ng Ninang ay matutunghayan ngayong Hulyo 2, Miyerkules ng 6:00 PM.

Inihayag ni Direk Darryl na pitong episodes lamang ang Ninang, na tuwing Miyerkules ia-upload ang bagong episode.
Ang pinakamahaba ay iyong Episode 4 (“Ten Commandments”) na sa Hulyo 9 mapapanood.
Ang Episode 5 (“Tapa vs Tocino”) ay sa Hulyo 16 matutunghayan; ang Episode 6 (“4some”) ay sa Hulyo 23; at ang Episode 7 (“Huling Dilig”) ay sa Hulyo 30.
Read: Hubadero 2025 2Q: Male nudity in films, on stage, online
