GORGY RULA
Nilinaw ni Janine Gutierrez ang sinasabi ng iba na parang nag-"hard launch" ang relasyon nila ni Jericho Rosales sa magkasunod na burol ng mga lola ng aktres na sina Pilita Corrales at Nora Aunor.
Bagamat malungkot na okasyon iyon, marami ang natuwa at kinilig sa suporta ni Jericho kay Janine.
Sa burol ng Mamita Pilita ni Janine noong April 17, 2025, kabilang si Jericho sa mga nagsalita para magbigay ng tribute sa namayapang Asia's Queen of Songs.
Bahagi ng pahayag ng aktor sa sarili: "I'm here because I'm supporting an amazing family.
"It's the first family, large, huge family, na sobrang tight-knit. If you want a definition of a family, this is the family.
"And I've been so honored to just, you know, I've been spending time with them because I'm Janine's boyfriend."
Nag-trending at naging laman ng balita ang deklarasyong ito ni Jericho.
Read: Jericho Rosales makes it official: “I'm Janine's boyfriend.”
JANINE CLARIFIES "HARD LAUNCH" OF RELATIONSHIP WITH JERICHO
Nakaharap ng entertainment press si Janine sa launching niya bilang endorser ng health care plan na iCare, na ginanap sa Henry Sy Sr. Auditorium ng St. Luke's Medical Center, sa BGC, Taguig, nitong Biyernes, June 20.
Inusisa siya tungkol sa deklarasyon ni Jerciho sa burol ng Mamita Pilita ng aktres.
Paglilinaw ng Kapamilya actress: “Actually, that’s funny because it wasn’t really a hard launch.
“It wasn’t an announcement.
"Everybody went up para magbigay ng message. Nagpakilala na kung bakit sila nandun.
"Like Diego [Gutierrez, her brother], kumanta. ‘Ako po si Diego, ako po yung apo ni Mamita.’
"Or even si Sir Gary [Valenciano], ‘I’m here because of Mamita.’
“Like everybody, of course, parang yun yung introduction mo sa isang event. So, nakakatawa na yung pick-up nila was nag-launch.
“But it was really just an introduction.
"Siyempre, hindi naman lahat ng tao dun na nakilala na niya.
"Even ako, like, I don’t know everybody there, sa dami ng mga malalapit kay Mamita at kay Mama Guy.
"So, parang polite lang na magpakilala."
Dagdag ni Janine, “But you’re right, sobrang grateful ko sa support niya talaga, as in sobra-sobra, kaming buong pamilya.”
Totoo bang si Echo pa ang kumuha ng mga marshall sa lamay ni Mamita?
Oh, well…
Read: Shuvee Etrata publicly declares Anthony Constantino her "TDH"
JERRY OLEA
Marami ang naintriga sa launch ng bagong endorsement ni Janine noong April 9, 2025 sa Boracay.
May sampung kulay orange na paraw na nakahilera sa white sand beach ng naturang isla gamit ang nakakaintrigang linyang “Janine Gutierrez, said yes!”
Parang nag-'yes' sa proposal na buong akala ng iba ay kay Jericho Rosales iyon.
“Nadamay pa siya,” napangiting pakli ni Janine.
Natuwa si Janine sa naturang campaign dahil nakuha nito ang atensiyon ng karamihan.
Pati ang nagbigay ng bulaklak doon sa media launch ay Jericho ang pangalan, kaya natawa na lang ang Kapamilya actress.
Ang sabi naman ng President at CEO ng iCare na si Mr. Geronimo V. Francisco, nagpapasalamat silang tinanggap ni Janine ang alok nilang maging endorser.
Magandang engagement daw ito sa kanila.
Pero diin niya, “It’s not a love story, but a life story.”
Read: Trans woman Kylie Celebre falls in love with trans man Jan Pablo
HEALTH CARE IS A PRIORITY
Para kay Janine, priority talaga sa kanya ang health care kaya pagkatapos niyang mag-commit sa naturang health insurance ay ikinuha rin dw niya ang kanyang pamilya.
Pati ba si Jericho ay ikinuha na rin niya ito ng health care plan?
“Actually, hindi pa. Mamaya tatrabahuhin natin!” natatawa niyang pakli.
“Pero I got na for my family. Ate din kasi ako, e.
"So, apat kaming magkakapatid, ako talaga yung in-charge na bumili ng health care para sa kanila.
“Pero actually, since there’s so many choices with their plans, kaya na nilang magbayad ng sarili nila.
“So I was able to get for my parents and my three siblings.”
Ayon kay Janine, sa panahon ngayon, lalo na sa trabaho sa entertainment na erratic ang schedule at madalas ay puyatan, mahalaga talagang pangalagaan natin ang ating kalusugan.
“Sometimes no matter how well you take care of yourself, hindi mo talaga maiwasan, hindi mo masabi kung anong puwedeng mangyari...
"Kasi, meron kang peace of mind na, you know, tuluy-tuloy ka sa trabaho.
“Tayong mga freelancer, di ba? Kakaiba yung schedule, lahat tayo, kung anuman ang trabaho nagpupuyat.
“So, it’s really just nice to have that peace of mind na there is that support system that will take care of you whatever happens,” saad ni Janine.
Read: Jiro Manio mulls Coco Martin’s offer to join Batang Quiapo
NOEL FERRER
Napapag-usapan din ba nila ni Echo ang mga ganitong plano na dapat i-prioritize ang health care sa kanilang magiging pamilya kung sakali?
Ayon kay Janine: “Well, health talaga napapag-usapan namin.
"Kasi, with our work, yung trabaho, di ba? Medyo physical, puyatan, and emotional din also.
“So, talagang puhunan namin yung health, e, and time lahat naman ganun.
"So, palagi talaga naming napapag-usapan yung health and how to be healthier... or, you know, para sa pamilya namin.
“Ako dati, sa mga lola ko, yun talaga yung nasa isip ko.
"So, health is really so important to me.
"And I’m happy to have a partner in health… na talagang parehong priority sa akin.”
