GORGY RULA
Nagkaroon ng minor accident si Ynez Veneracion sa set ng Mga Batang Riles nang kinunan ang finale scene nila noong Sabado, June 14, 2025.
Ikinuwento ni Ynez sa PEP Troika noong Miyerkules, June 18, ang nangyari sa kanya nang kinunan ang eksenang nasusunog sa may riles.
Ayon kay Ynez, ang eksena ay bubuksan niya ang pinto para makalabas sila ni Jillian Ward.
Nung binuksan niya ang pinto, may isang mabigat na kahoy na natumba, at nabagsakan ang kanang kamay ng aktres.
Tumama raw ito sa hinlalaki niya na naging sanhi ng pagka-fracture nito.
Ipinakita sa amin ni Ynez ang daliri niya na hindi muna makakahawak dahil sa nabiyak ang buto nito.
Hindi na raw siya nakatayo sa sobrang sakit kaya nag-cut na ang direktor.
Read: TV Ratings: Sang'gre, tumalab ba ang powers sa Batang Quiapo?
View this post on Instagram
THE SHOOT MUST GO ON
Dapat ay isusugod na siya sa hospital, pero hindi pumayag si Ynez dahil kinaya naman daw niya.
“Gusto nila, ayoko e. Kasi I still have three more scenes,” sabi niya.
“Kesa tapusin, hindi naman siya namaga agad, e. Kung kaya ko naman yung pain, why not? Wala namang dugo, hindi naman ganun kaano na dalhin sa hospital.
“Walang dugo, kaya mo yung pain, e... kung kayanin mo, tiisin mo. Pero kung may dugo yun, siyempre papadala na ako sa hospital.
“Nandun ako sa bina-balance ko yung sitwasyon, kasi iniintindi ko rin sila na talagang in a hurry sila. Naghahabol sila for airing, e.”
Nagpapagaling pa ngayon si Ynez, at tinanggal na ng doktor ang cast sa daliri niya.
Nahihirapan lang daw siya ngayon dahil hindi siya nakakahawak ng gamit kapag halimbawa nagme-makeup, kumakain o magsusulat.
Pero nagpapasalamat si Ynez sa Panginoon dahil sa magandang project na ito na ibinigay sa kanya ng GMA-7.
Dapat ay guesting lang daw itong role na ipinagkatiwala sa kanya, pero umabot pa hanggang ending ang kanyang karakter na si Dolor.
Read: Raheel Bhyria at Anton Vinzon, nalungkot sa pagtatapos ng Mga Batang Riles
NOEL FERRER
Nilinaw ni Ynez Veneracion na hindi siya pinabayaan ng production staff ng Mga Batang Riles nang naaksidente siya.
May medic naman daw sa set na kaagad nagbigay ng first aid.
ZEPHANIE TO THE RESCUE
Pero bumilib ang aktres sa co-star niyang si Zephanie dahil kumpleto raw ito sa gamit pati gamot na ipina-take sa kanya.
Kuwento ni Ynez: “May medic naman, e… luckily si Zephanie, napakabait. Siya yung nagsilbing nurse ko that night. ‘If you need anything ate, ha?’
"Ganyan siya, may gamot. Ready lang siya sa lahat. May gamot siya, may pain reliever siya... ang galing.
“Nakaalalay siya sa akin. Mabait na bata yun, hindi mo akalain. Kasi nag-uusap lang kami sa set, e.
“Dito ko nga na-realize, kapag may mga ganyan, malalaman mo kung sino ang nasa tabi, mag-aasikaso sa iyo, may care.”

Naging close daw talaga sila ni Zephanie, na madalas niyang nakakatsikahan sa tent.
“Nung una, akala niya parang mataray ako.
“Actually, karamihan dun, impression ko dun, kasi mataray yung mukha ko, yung dating ko.
"Pero pag nakasama na ako talaga, yun, gusto ang sabi nila.
“Natutuwa siya na masaya naman pala akong kasama, katrabaho. Yun yung mga narinig ko sa record,” saad ni Ynez.
Nakita kasi ni Ynez ang video message ng mga kasamahan niya sa Mga Batang Riles para sa kanyang kaarawan.
Read: "Roda," may kissing scenes sa dalawang makisig na aktor
JERRY OLEA
This Friday, June 20, ang airing ng finale episode ng Mga Batang Riles.
Tiyak na mami-miss daw ni Ynez ang mga kasamahan niya sa seryeng ito dahil naging close silang lahat.
Magaan daw katrabaho ang lahat, mula sa mga artista hanggang sa production staff.
“Naging close ko si Miguel [Tanfelix], si Diana [Zubiri], lumalabas kami lagi ni Diana e. Tapos si Miguel din, halos lahat, sina Kuya Dick [Paulate].
“Saka ano, sobrang gaan ng trabaho. Sobrang gaan nilang lahat katrabaho kasi lahat mabait, walang may ere, walang mayabang.
“Ta's, sa ganyan kasi sa serye, merong ganyan, e. Akala mo kung sino, ang hirap katrabaho, may mga ganun, kainis katrabaho, mayabang, ayaw makihalubilo.
"Dito, wala talaga. Once na magsama-sama kami, tawanan, kuwentuhan, ang gaan. Kaya ang sarap,” sabi ni Ynez.
View this post on Instagram
ON MIGUEL TANFELIX AND ANTON VINZON
Puring-puri rin ni Ynez sina Miguel Tanfelix at Anton Vinzon.
“Magagalang sila, magagaling pa, magagalang pa," pakli niya.
"Si Miguel, magaling na aktor, mabait. Gustung-gusto ko paano siya napalaki ng magulang niya, sobra. Yung breeding, iba din talaga. Magalang na bata, alam mo talaga na may pinag-aralan.
“Ang anak din ni Roi Vinzon, una niyang teleserye, pero in fairness, gumaling siya. Yung mga una niya kasi, medyo nangangapa siya. Which is understandable naman. Bata pa, e, 16, nag-17.
"Pero ngayon, magaling na siya. Natuto siya sa lahat, e, experience.
"Yung galing naman, nakukuha yan sa experience, e.
"Minsan kahit na anong workshop mo kung wala ka namang project, kung hindi mo naman nagagawa yung skills, wala.
"Workshop ka lang nang workshop, hindi mo naman naa-apply."
Read: Emilio Daez at River Joseph, "nagpalit" ng roles sa Love at First Spike
