JERRY OLEA
Halos apat na dekada na si Korina Sanchez-Roxas sa pagiging broadcast journalist. May pagkakataon bang natakot siya sa isang coverage?
“I was following the drug trail,” pagbabalik-tanaw ni Korina noong Hunyo 6, 2025, Biyernes, sa Bahay Na Puti sa P. Tuazon Blvd., Cubao, Quezon City.
“Saan galing ang source? Walang gustong gumawa. Napunta ako sa Ozamiz. Kuratong Baleleng.
“I remember, ako ang pina-stop ng management. Ako ang pina-stop. Kasi parang masyadong delikado.
“E, during those days, parang they give all those assignments to the boys.
“So, ako naman, hindi naman ako… nakakatawa nga, e. Ininterbyu ko si Sofronio. Sofronio Vasquez, di ba?
“Tapos sabi niya, ‘Oy! I’m from Ozamiz!’ Sabi ko, ‘Oh! Kurating-Baleleng!’ ‘You know, Miss K,’ sabi niyang ganon, ‘You know, Miss K, I am proud to say that the founder of Kuratong-Baleleng is my grandfather!’
“Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin,’ sabi niya. ‘Hindi ko alam kung ano yung pinagsasabi nilang kung anu-ano! Ang alam ko lang, mahal na mahal ako ng lolo ko!’
“Yun naman ang sabi niya. He said this on air, ha?!”
Ang Kuratong Baleleng ay isang notorious organized crime syndicate na sangkot sa mga krimen, trafficking, pagnanakaw, at sugal.
Read: Korina Sanchez on how she adapts to ever-changing TV landscape
KORINA SANCHEZ'S CHILDHOOD
Noong bata pa siya, matapang na talaga siya?
Tumango si Miss K: “Malakas na talaga ang loob ko. Kasi parati akong naiiwan sa bahay, nagwo-work yung parents ko.
“Bata pa lang ako, lalabas na ako ng gate. Ang layo ng lalakarin ko. Di alam ng mga yaya. Kaya kung saan-saan ako nakakarating.
“Ano kami noon, e, V. Mapa. Aabot ako ng ano, E. Rodriguez! Ang layo nun! Ang layo nun, nilalakad ko lang. Ganun.
“Pag nakaipon na ako ng barya dun sa alkansya ko, bubutasin ko na yun. Para maka-shopping-shopping ako ng kung anu-anong candy, mga rice crispy diyan sa mga dadaanan ko. Buko!
“Tuwang-tuwa ako noon! Feeling ko, freedom. Naku, kung saan-saan ako nakakarating!
“Ang layo nun, di ba? Sta. Mesa, e. Sta. Mesa, V. Mapa, tapos aabot ako ng E. Rodriguez. Dadaan ako pa-Araneta Avenue.
“Pag walang ginagawa. Kung hindi naman, aakyat ako ng bubong. Doon ko dadalhin yung meryenda ko.
“Yung katabi namin, squatter’s area. Doon ako kumakain, pinapanood ko yung buhay-buhay ng mga squatters.
“Kaya alam ko yung kaning-baboy, kung saan ibinabagsak. Ganun. Nakakatuwa pag naalala ko.”
Nag-cover na rin si Miss K ng Moro International Liberation Front (MILF).
Read: Korina Sanchez on how she adapts to ever-changing TV landscape
NOEL FERRER
Ano ang insights niya sa paglaganap ng fake news? Kalat na kalat ang misinformation, disinformation, at malinformation sa social media.
“You know, unless Meta itself self-regulates the information that goes on online, there’s nothing you can do about it,” pagmamatuwid ni Korina Sanchez-Roxas.
“AI na lang, di ba? May nakita ako, sumasayaw ako ng BINI, e… mukhang tunay.
“Wala kang magagawa. I think, unless something really, really catastrophic happens, there's not going to be any regulation.
“Imbes na idisiplina, tinanggal nga ng Meta ang fact-checking, right? Yung fact-checking component nila, tinanggal nila.
“So, all you can do is to police yourself and to make sure that the news that you consume, you have all sides to it. You double-check.
“Kasi ilang beses na akong napadalhan ng mga fake news na, ‘Ha?! Totoo ba ito?!’
“Pag chineck mo, ‘Ay! Hindi pala.’ Hindi pala, di ba?
“So I guess parang ano, parang it’s still… the best source to look at, for me, ha — television.
“Because television has a hierarchy of accountability. So in television, if you get in trouble, you can get sued.
“You know who the owner of the platform is. You can run after them. There’s a check and balance. In law.
“Online, it’s still a work in progress. So the best source I think still is articles with a byline.”
Read: Netizens react to Dingdong Dantes and Karylle sharing stage on It's Showtime
STRUCTURE OF ACCOUNTABILITY
Ang mga mapagkakatiwalaang personalidad na katulad niya…
“Yeah, but you don’t know when I’m going to turn weird, right?” sambit ni Korina.
“It’s still, I mean, if it were my own vlog, medyo alam mo nang editorialized na yan, right?
“Kasi walang accountability. Walang structure of accountability.
“But if you listen to me in ABS-CBN then, or in say Agenda today, Bilyonaryo [TV], I have bosses. Merong structure, merong may-ari ng platform to keep you in check.
“Somebody lost her job because nagkamali ng facts in my place of work.
“So I think that’s the best way because journalists of before were trained like that. Yung talagang pinag-aralan ang journalism.
“Which is not to say, yung hindi nag-aral ng journalism ay hindi tama ang sinasabi.
“Yung training lang talaga ng accountability. And parang making a distinction between opinion and fact.
“Very recently on TV5, we had a debate. Mainstream journalism versus vloggers.”
GORGY RULA
Ano ang masasabi niya sa vloggers na naghahatid ng “commentary news”? Naba-bother ba siya?
“It's bothersome if it is a lie. It is bothersome if it is made up, right?” paliwanag ni Korina.
“Or if it is presented as fact when it is unchecked information, unverified. Or if it is opinion passed on as fact.”
Read: Katrina Velarde, "balik-pango" matapos ipatanggal ang nose implant
FAKE NEWS PEDDLERS
Merong radio and TV broadcasting station na sinasabing fake news peddler, di ba?
“This is the argument. Bakit, perfect ba ang mainstream? Perfect ba ang mainstream?
“Hindi ba’t may interes din yung mga may-ari ng mga platform na yan? May media bias, and then, so may ganyan, di ba?
“O, anong mga interes ang pinoprotektahan ng may-ari ng platform na yan, that’s why it’s so important to know who owns the platform.
“Pero at least, yung nakikinig, if you are discerning, you know. ‘Ahhh, hindi nila gagalawin yan, kasi yan din ang negosyo nila, e.’ Di ba?
“Pero all other news, you know na more likely than not, kasi puwede kang ihabla, e. Puwede kang ihabla because there’s an entity that you can actually make accountable.
“Pero isa pang napag-aralan ko in my Masters in Communication na muntik na akong mag-drop out dahil hindi ko maintindihan.
“Kasi matanda na ako noong mag-Masters ako, e. Precisely para I can catch up on the culture, on the changing culture.
“Parang, is there really such a thing now as really raw truth?
“Because truth now can also be subjective.
“Is there such a thing now as unbiased presentation of a story? Because if you’re choosing between a clear evil and a clear good, wouldn't you side with the good?
“Siyempre yung presentation mo, naka-tweak towards the good, right? Kunwari merong isang mamamatay-tao. Isang pinatay. In cold blood.
“Talaga ba, uupo ka ng isang oras with the mind of a murderer? And try to justify what his murderer deed.
“Hindi, e. Di ba, madalas, hindi na iniinterbyu yung pumatay. Dito na lang tayo sa biktima.
“So that’s what we’re trying to say na it can’t totally be balanced. Especially if it’s between good and evil.
“Not in all cases, but you know. Pagdating sa ganun, mamimili ka din.
“E, ngayon, problema, yung mga bata ngayon, hindi namulat sa ganoon. Tulad namin, yung mga 40 and above, or 45 and above, na nasanay na dati, ang source — diyaryo, radyo, at saka TV.
“Ngayon, ang dami na, sobra!”
Read: Korina Sanchez recalls might-have-been with ABS-CBN: "Bakit niyo ba ko pinakawalan?"
NEW SOURCES OF NEWS
Tiktok! Ang daming nakikibalita sa Tiktok!
“Yeah… si Mar [Roxas, her husband], parating nanonood ng vloggers. Matutulog na lang kami. Napapanaginipan ko na nga,” pagsisiwalat ni Korina.
“Sabi ko, ‘Bakit ba yan ang panghele natin para makatulog?’ Parang yun ang lullaby niya.
“Sabi niya, ‘I'm just fascinated with how they're able to tweak the story, the narrative to their advantage, and they’re succeeding.’
“Parang pinag-aaralan niya yung anatomy ng fake news.”
Ano ang pinakamatinding fake news na ginawa sa kanya?
KORINA ADMITS PAST RELATIONSHIP WITH PNOY
Napamulagat si Korina: “Ako, meron ba? Fake news about me? Ahhhh! Parang may anak daw ako kay Ping Lacson?! Ano ba?!
“Hindi ba, may ganoon? May ganoon ako dati, ha? Dati. Pero iyon ang naaalala ko na, ‘ANO?!’ Hindi ba?”
E, iyong tungkol sa kanila ng yumao nang Pangulong Noynoy Aquino?
“Naging boyfriend ko talaga si PNoy. Baka iyan ang headline mo, magalit sa akin ang asawa ko!” bulalas ng tinaguriang "Multimedia Platforms Kween."
“Totoo naman iyon… it was so short-lived. Parang we were together for eight months. That’s my shortest ever.
“Kasi ako, pag nagkarelasyon, five years, seven years. Ganoon. Eight months, e, anak ng Presidente. Andaming option.
“Ha! Ha! Ha! Di ba? Saka hindi na kami nagkikita. Yun ang ano noon, e.”
