GORGY RULA
Masaya ang kuwento ni Sylvia Sanchez tungkol sa pagdalo niya sa katatapos lang na Cannes Film Festival 2025.
Nagpaka-faney raw siya talaga nang makita sa personal ang ilang Hollywood stars, kagaya ni James Franco, at nakipagpa-picture.
Nakatsikahan ng PEP Troika si Sylvia sa look test ng pelikulang I’m Perfect, na ipoprodyus ng pag-aari ng kanilang pamilya na Nathan Studios, noong Huwebes, June 5, 2025.
Read: Sylvia Sanchez ayaw isapelikula ang kuwento ng kanyang buhay
SYLVIA SANCHEZ MEETS JAMES FRANCO
Tuwang-tuwa raw si Sylvia nang nakita niya si James Franco sa labas ng venue ng awards night ng Cannes.
Nag-uusap sila ni Direk Arvin Belarmino nang dumaan ang Hollywood actor.
Kuwento ng premyadong aktres: “Sabi ni Direk Arvin, ‘James? James Franco,’ ganun si Direk.
"Ako, hindi ko nakita. Akala ko, ano, sabi ko, ‘James Franco?!’
“So, nakalagpas na siya sa amin. Sabi ko, ‘James Franco?’
"Tumingin siya [James] sa akin, tapos nag-sign siya [parang tumuturo]. Gumanun lang siya na hindi ko alam na, 'Okay, thank you, o babalik ako.' Basta hindi ko alam.
“So, nangyari, usap-usap kami ni Direk Arvin, biglang five minutes after, biglang merong lumalabas, tapos tumingin sa akin, sabi niya [James], gumanun.”
Sumesenyas daw ang Hollywood actor na parang kumakaway sa kanya.
Patuloy na kuwento ni Sylvia: “Nagpa-picture kami. Akala ko… James Franco, tapos ako naman, alam mo na-excite ako.
“Pinanood ko ang Spiderman, e, kasi gusto ko siya dun, e.
"So, nakaganun ako, tapos sabi niya, nakaganun lang ako, biglang bumalik siya. Yun pala yung sign niya na sandali lang, sumenyas.
“Ako naman, oh, wow, nabalikan ako. Di ba, parang… kasi ang iba, wala na yun, e. Siya bumalik tapos nag-respond. Pero bumalik siya after five minutes.
“Ay, sabi ko talaga, 'Ay! Magpapa-picture ako!' Nagpa-picture kaming dalawa.
“E, ang asawa ko [Art Atayde], nandun. Ang asawa ko naman, hindi niya maalala si James Franco.
“Sabi ko, ‘Halika, picture tayo.’ Picture kami mag-asawa.
“Tapos after nung picture, sabi niya [James], ‘Thank you.’
"Sabi ko, ‘Thank you, James Franco.’
"Sinabihan ko siya na mabait siya, na di ba yung gesture niya na lumabas pa, balikan ako after five minutes, tapos magpa-picture, iba yun, nakakatuwa yun.
“And hello! Hollywood actor, alam natin na hindi sila masyadong nagpapa-picture. Pero siya, bumalik talaga.
“Ayun! Nakakatuwa siya.”
Read: Sylvia Sanchez, maraming aral na natutunan sa pagsali sa MMFF

JERRY OLEA
Bukod kay James Franco, nakunan daw niya ng pictures at videos sina Halle Berry at Cate Blanchett. Pero wala silang pictures together.
Nakapag-picture din sila kay Elle Fanning, na nakilala sa pelikulang Maleficent, at kay Jeremy Strong ng The Apprentice.

Kuwento pa ni Sylvia Sanchez: “Pero meron akong nagpapa-picture kami kay…
"Kasi sabay sila, ater nung awarding, yung lalabas na, paglingon ko sa asawa ko, paglingon ko, ‘Oh my God! Ang ganda-ganda niya, si Elle Fanning! Yung anak ni ano [Angelina Jolie] sa Maleficent. Ang ganda-ganda!’
“Sabi ko, ‘Asawa ko, sandali, picture kayong dalawa.’
“Ano sila...pleasant naman siya, kasi pumayag naman siya. Ang bait nila!”

Kakaibang experience daw yun sa kanila dahil talagang malapitan nilang nakita at nakapag-picture sa mga kilalang Hollywood stars.
“Lumalabas yung pagka-faney ko! Fangirling, alam mo yun. Iba e! Hollywood actor yun, e, tapos pinapanood natin yun,” bulalas ni Sylvia.
Read: Sylvia Sanchez recalls delaying Arjo Atayde's entry into showbiz
NOEL FERRER
Bale pang-apat na taon nang dumadalo si Sylvia sa Cannes International Film Festival, pero hindi raw muna sila namili ng mga pelikulang idi-distribute ng Nathan Studios.
Ang kakaibang experience niya sa pagdalo ngayong taon ay nakarampa sila sa red carpet.
Co-producer ang Nathan Studios, kasama si Mr. Alemberg Ang, sa Japanese film na Renoir.
Kasali sa main competition ang pelikulang ito na idinirek ni Chie Hayakawa, na siya ring direktor ng critically acclaimed film na Plan 75 (2022).
CO-PRODUCER OF A JAPANESE FILM
Sabi ni Sylvia, maganda itong collab nila ni Alemberg Ang sa Renoir dahil talagang naging bahagi raw sila sa production nito.
Lahad ni Sylvia, “Pag sinabing makikipag-collab tayo, makipag-co-prod tayo ng pelikula abroad.
"Ibig sabihin, sila ang gumagawa, nagbigay lang tayo ng pera. Nag-share lang tayo ng pera. Hindi ganun.
“Kaya proud kami ni Alem sa pelikulang ito kasi nagpunta ng Japan ng one week, nag-shooting kami dun. Part kami sa production.
“Then, nagpunta din dito ang buong team, pati ang bida. Nag-shoot kami sa Tali sa Batangas, nang walang alam, ha? Tahimik lang talaga lahat.
“So, kami ni Alem, hindi kami naglagay lang ng pera. Parte kami dito.
"Pati ang umpisa ng script, binigyan kami ng script. 'Okay na ba kayo, wala ba kayong comment dito, baka meron kayong gustong idagdag sa mga eksena.'
“Meron din kaming ahhh… binigyan din kami ng karapatan na maging parte dun sa script.
“From the start hanggang matapos, nandun kami.
"Kaya proud kami na kahit sasabihin na hindi naman Pinoy movie iyan, yung trabaho namin bilang producer, part kami… alam mo yun?”
Dito raw napagtanto ni Sylvia na puwede talagang makipag-co-produce ang mga local film production sa ibang bansa kagaya ng Japan.
“Para sa akin kasi, parang opening din yun natin sa Japan, na mga Pinoy puwede palang makipag-co-produce sa atin. Meron pala silang pera na puwedeng makipag-collab sa atin.
“So, yung idea nila, puwede kaming kumuha ng Pinoy. At hindi lang yun sa mga pagko-co-produce, kundi pati yung mga artista later on.
"Opening ito, e, na puwedeng makapasok ang mga artista sa Japan.
“Puwedeng director later on, mga staff, mga crew, yun ang nakakatuwa,” sabi pa ni Sylvia.
Read: Janice de Belen gets surprise chopper ride from her “fan” Sylvia
