GORGY RULA
Binuksan ng PEP Troika ang isyu ng Senate Bill 2805 nang nakatsikahan namin sa look test ng pelikulang I’m Perfect ng Nathan Studios ang mga bida ritong sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, at Joey Marquez.
Ang Senate Bill 2805 o "Act Strengthening The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) and Appropriating Funds Therefore" ay mas kilala sa tawag na MTRCB Act.
Sponsor ng panukalang ito si Senator Robin Padilla; at co-authors sina Senators Grace Poe, Win Gatchalian, Francis Tolentino, Lito Lapid, Bong Revilla, at Joel Villanueva.
Sa 21 senador, tanging si Risa Hontiveros ang bumoto ng "No" dahil aniya'y masyadong malawak ang kapangyarihan na binibigay sa MTRCB.
Sinisikil nito aniya ang freedom of speech na pinoprotektahan ng batas.
Samantala, hindi inaasahan ang ganitong panukala mula kina Padilla, Lapid, at Revilla na matagal nang bahagi ng entertainment industry.
Nakagugulat din si Poe, na naging MTRCB chairperson mula 2010 hanggang 2012, ngunit anak ng yumaong King of Philippine Movies Fernando Poe Jr. at Queen of Philippine Movies Susan Roces.
Read: Directors guild, tinutulan ang MTRCB Act: "No to censorship!"
LORNA TOLENTINO SAYS NO
Bilang dating miyembro ng MTRCB si Lorna Tolentino, siya ang una kong hiningan ng opinyon tungkol sa panukalang ito ng Senado.
Ang MTRCB Act ay may layuning palawakin ang kapangyarihan ng ahensiya, at saklawin na pati mga streaming service, kagaya ng Netflix.
Dapat bang sakupin na rin ito ng MTRCB?
Tugon ng multi-awarded actress: “Sa akin, hindi na. Kasi nga, bago man ipalabas sa Netflix, may dinaanan na rin.
"May dinaanan na silang regulatory board, lalo na ang mga foreign films.
“Kasi may nakalagay naman dun, e. Pag nanood ka sa Netflix, may nakalagay naman dun, di ba?”
Ang tinutukoy ni Lorna ay ang nilalagay na label ng tema ng palabas na di angkop para sa menor de edad.
Umayon din ang aktres sa sinasabi ng iba na nasa magulang na ang obligasyon para gabayan ang mga anak sa dapat panoorin sa telebisyon o kahit sa gadgets.
Saad ni LT: "Yung mga manonood naman, kontrolado naman ng magulang kung ang mga anak nila ayaw nilang papanoorin sa Netflix.
"E, di tanggalin nila yung Netflix kung ayaw nila. Kung hindi nila nababantayan ang mga anak nila, huwag na sila mag-subscribe."
Tuluy-tuloy ang litanya ng premyadong aktres tungkol sa ipinapasang batas na ito.
"Para namang ano… marami namang dapat na ipasa na batas.
"Yung pag tungkol sa health, yan, mas madami tayong pag-usapan diyan.
"Mas madami pa dapat maayos na tungkol sa mga hospital, di ba?
"Sa ibang bansa, ang gaganda ng hospital nila. Ang ganda ng mga benefits na binibigay sa citizens nila, lalo na when it comes to health. Sana dun na lang.
"Yun ang mas pagtuunan nila ng pansin: yung mga health issues, education, agriculture," sabi pa ng premyadong aktres.
NOEL FERRER
Nasa huntahan din sina Janice de Belen at Joey Marquez na nagbigay rin ng kanilang opinyon sa isyung ito.
JANICE DE BELEN SAYS NO
Sabi ni Janice, bilang isang magulang, alam niya kung paano bigyan ng kalayaan ang mga anak sa gusto nilang panoorin sa kanilang tahanan.
Pahayag ni Janice: "Sa akin, ha? Magulang ako.
"May mga times na nagugulat din ako sa napapanood mo. But at the same time, pag lalo mong sine-censor, paano yung freedom?
"Kasi may mga bagay na puwedeng i-censor, may mga bagay na huwag naman. I believe in regulation more than censorship.
"I believe that you should also trust that the parents will be able to fix that, na masasabi nila sa mga anak nila kung ano yung dapat at hindi dapat na panoorin."
Sumingit agad si Lorna sa usapan: "Kung wala silang panahon na bantayan ang mga anak nila, huwag sila mag-subscribe!"
Dagdag na pahayag ni Janice: "Saka may parental controls naman yan, e, di ba? Kahit sa telepono, may mga parental controls.
"Parang ikaw, pag magulang ka, at lahat pinapanood mo, wala kang problema, di ba, kasi adult ka na, e.
"Huwag mo ipagamit yung telepono mo sa mga anak mo para doon sila manood.
"Alam mo, bata pa yung mga anak ko, hindi ko na sila pinipigilan manood ng gusto nila. Kasi, naniniwala ako na naturuan ko na sila.
"So, sila mismo, hindi sila nanonood ng hindi dapat.
"Kasi kapag ikaw ang nagbigay ng malisya, mas excited sila na kailangan nilang malaman kung ano yun."
JOEY MARQUEZ SAYS NO
Tumango si Joey Marquez sa sinabi ni Janice tungkol sa pagbibigay-malisya.
Ani Joey: "Parang nilalagyan natin ng malisya yung mga papanoorin. Sila yung naglalagay ng malisya, e.
"Sa tingin nila masama, sa tingin ko naman hindi, nakakaano.
"May mga opinyon tayo, e. Huwag niyo kaming diktahan kung ano yung pagkakaintindi namin.
"Tayo lang naman ang nagbibigay ng malisya pag ganun, e.
"Kung walang malisya sa atin… they will take it as long as walang malice yan."
JERRY OLEA
Hunyo 2, 2025, Lunes, inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2805 o MTRCB Act sa ikatlo at huling pagbasa.
Hunyo 4, Miyerkules ng gabi, naglabas ng statement ang Directors' Guild of the Philippines, Inc. (DGPI), na mariing tumututol sa panukala.
MTRCB REPLIES TO DGPI STATEMENT
Ngayong Hunyo 5, Huwebes ng hapon, nag-isyu ng statement ang MTRCB bilang sagot sa pahayag ng DGPI sa Senate Bill No. 2805.
Ayon sa Executive Director II ng MTRCB na si Roberto C. Diciembre (published as is):
"The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) calls out the Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) for its irresponsible claim that the Agency is being used as a ‘cash cow.’
"This is an unfair and baseless claim.
"The MTRCB is a government agency with a clear mandate to protect the public, most especially children, from harmful content.
"To describe our mandate as profit-driven is both misleading and disrespectful to the 31 board members, many of whom the DGPI knows and may have worked with in the past.
"The remark disrespects the dedicated men and women of the MTRCB who have devoted their careers to monitoring, reviewing and rating thousands of local and international materials to ensure they align with contemporary Filipino cultural values. These 31 Board Members are the ones who actually review and classify the materials submitted to the MTRCB.
"We categorically reject this unfounded accusation.
"The MTRCB is a regulatory body created by law to classify content in a way that protects the viewing public, especially minors, while recognizing constitutional freedoms and respecting the rights of the public and the stakeholders we are duty bound to serve.
"We also note that while Senate Bill No. 2805 was recently passed on third and final reading in the Senate, its counterpart measure in the House of Representatives has yet to be passed.
"With the 19th Congress ending next week, the measure is unlikely to be acted upon in the current Congress. This means the bill is still far from becoming law and presents ample opportunity for further scrutiny, refinement, and consultation.
"We appeal to all stakeholders to approach this matter with reason and respect. We expect no less than civility from entities like the DGPI, which is not a government agency, especially in public discourse.
"While the amendments in the recently-passed SB 2805 seek to include online streaming platforms and online curated content providers (OCCs) and streaming videos on-demand (SVOD), the Board does not seek to rate or review these materials. There is no prior restraint or a mandatory review before content is shown.
"Rather, the measure seeks to ensure that the State is not left helpless in addressing valid concerns and issues such as harmful online contents, particularly materials involving child abuse, exploitation, or voyeurism.
"This is by way of appropriate mechanisms for cooperation between the MTRCB and OCCS and SVODs and adoption of safeguards such as ‘safety by design’ principles, and the creation of structured feedback mechanisms and accountability.
"Finally, we emphasize that MTRCB performs in duties under PD 1986 without censorship, without prior restraint, and with full respect to the constitutionally-guaranteed freedom of expression.”
Dahil sa usapin ng impeachment kay Vice President Sara Duterte at itong balitaktakan sa MTRCB Act, matabunan kaya ang isyung kinakasangkutan ni Ivana Alawi?
