PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr., ikinasal na

Wedding guests, sinunod ang mahigpit na kahilingan ng bagong kasal.
by PEP Troika
Published Jun 1, 2025
bobby ray parks jr. zeinab harake wedding
Content creator Zeinab Harake and basketball player Boby Ray Parks Jr. tie the knot in a Christian wedding ceremony held at Crystal Palace of Aquila in the Sky in Tagaytay City, on June 1, 2025.
PHOTO/S: Nice Print Photography

GORGY RULA

Simple at very intimate ang pag-iisang dibdib ng social media influencer na si Zeinab Harake at ng basketbolistang si Bobby Ray Parks Jr. ngayong Linggo, Hunyo 1, 2025.

Ayon sa isang kaibigan ng PEP Troika na naimbitahan sa kasal, ginanap ang Christian wedding nina Zeinab at Bobby Ray sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay City.

Read: Zeinab Harake engaged to Bobby Ray Parks Jr.

Natupad ang hiling ng bagong kasal na walang kukuha ng pictures o videos ng kanilang seremonya.

Sabi naman ng isa pang guest, walang plus one ang mga imbitagong guest dahil limitado lang ang kanilang inimbitahan, na karamihan ay very close sa kanilang dalawa.

Pero kahit paano ay marami pa rin daw dumalo.

Ang tantiya ng pangalawang source ng PEP Troika, mahigit 100 guests ang dumalo sa kasal.

THE WEDDING ENTOURAGE

Ang ina ni Ray Parks Jr. ang naghatid sa kanya, at nandoon din daw ang sister at brother nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Zeinab naman ay hinatid ng kanyang ama.

Ang anak ni Zeinab na si Bia ang isa sa flower girls.

Habang ang isa pa niyang anak na si Lucas ang ring bearer.

Ilan sa mga kilalang personalidad na bahagi ng entourage ay ang mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga na kasama sa principal sponsors.

Sabi ni Toni, first time niyang magninang sa kasal.

Ilan pa sa bahagi ng entourage ay sina Alex Gonzaga, Loisa Andalio, at Yassi Pressman.

Namataan din doon si Andrea Brillantes kasama ang boyfriend nitong si Sam Fernandez, at si Awra Briguela na kaibigan ni Zeinab.

At this writing ay nasa reception na sila.

Bandang 4:30 ng hapon na raw nagsimula ang seremonya.

Congratulations sa bagong kasal, Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake!

Read: Zeinab Harake sees herself settling down with boyfriend Bobby Ray Parks Jr.

NOEL FERRER

Ang dinig namin ay ninong at ninang din ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, pero hindi sila nakarating sa wedding ceremony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May promo pa kasi si Dingdong ng movie nila ni Ma’am Charo Santos na Only We Know. Ang sipag nilang mag-mall show ha!

Hindi namin alam kung humabol ang mag-asawa sa reception.

Ang motif ng kasal ay burgundy red, at napakaganda raw ni Zeinab sa kanyang off-shoulder wedding gown na parang mermaid cut.

Sinunod din ng invited guests ang request nina Ray at Zeinab na walang magsusuot ng black at white.

Karamihan sa mga dumalo ay naka-navy blue, grey, beige o chocolate brown.

Wala talagang panakaw na kumuha ng pictures o video dahil ito ang mahigpit na bilin ng bagong kasal.

Kaya ang lumalabas pa lang ngayon ay ang prenup photos nila.

Read: Zeinab grateful to fiance for helping her overcome depression

zeinab bobby ray prenup photos
Bobby Ray Parks Jr. and Zeinab Harake prenup photos
Photo/s: Nice Print Photography
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Pinost ng Nice Print Photography sa Facebook page nito ang pre-nup photos nina Zeinab at Ray na kinunan sa Dubai.

“Our love is the vehicle, the road is the adventure,” sey ni Zeinab.

Cheers! Mabuhay ang bagong kasal!!!

Read: Zeinab Harake gets inked by legendary tattoo artist Apo Whang-Od

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Content creator Zeinab Harake and basketball player Boby Ray Parks Jr. tie the knot in a Christian wedding ceremony held at Crystal Palace of Aquila in the Sky in Tagaytay City, on June 1, 2025.
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results