GORGY RULA
Hindi napigilan ni Rey "PJ" Abellana na ilabas ang kanyang sama ng loob sa dating asawang si Rea Reyes.
Naghayag ng kanyang saloobin si PJ sa eksklusibong panayam ng PEP Troika sa contract signing ng pelikulang gagawin niya sa Utmost Productions noong Sabado, Mayo 31, 2025.
Hihingan sana namin siya ng reaksiyon tungkol sa banta ng anak niyang si Carla Abellana na magsampa ng reklamo laban sa isang blogger na nagbalita tungkol sa kanila ng dating asawang si Tom Rodriguez, pero mismong si Rey ang nagbukas ng usapin tungkol sa interview ni Julius Babao sa mag-inang Rea at Carla.
Read: Carla Abellana mulls filing libel complaint against online site
Na-upload ang panayam kina Rea at Carla sa YouTube dalawang linggo na ang nakararaan.
Sa isang punto ng panayam ni Julius sa mag-ina, tinanong si Rea kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ni Rey.
Mabilis na sagot ni Rea: “He cheated on me! Yeah! As simple as that!
“He cheated on me, I found out.
"I left him when Carla was two. My eldest was three, she was two.
"I found out that he was cheating on me, and then I left him.
“I moved in with my mom. So, nag-umpisa akong magtrabaho. Kasi siyempre I have to provide sa mga anak ko.
"So, ang mommy ko ang nagpalaki sa kanila talaga. Laking-lola sila talaga."
Ang ina ni Rea ay ang pumanaw na veteran actress na si Delia Razon.
Pagpapatuloy ni Rea tungkol kay Rey: “And he eventually married that woman that he cheated on me with, had two daughters with her, then left her because he cheated again on her for a third, who he married na naman ngayon, and then he has a daughter and a son.
"So, he has six children with three different women.”
Si Rea ay dating aktres.
Nagkasama sila ni Rey sa dating soap opera ng GMA-7 na Anna Liza, na pinagbidahan ng yumaong teen star na si Julie Vega.
Umere ang Anna Liza mula 1980 hanggang sa pagkamatay ni Julie noong 1985.
Read: Julie Vega: ang dating karibal ni Janice de Belen sa telebisyon at popularidad

REY PJ ABELLANA REACTS TO EX-WIFE'S INTERVIEW
Sa panayam naman ng PEP Troika kay Rey, inalmahan nito ang mga pahayag ni Rea laban sa kanya.
Saad ni Rey: “Lately, may napanood ako na interview with Julius Babao.
"Medyo naging personal ang dating sa akin na may binitawan sila na against me, you know. Especially yung mother ni Carla, ex-wife ko.
“Unexpected na supposedly private matters na ito… na on my side, supposedly all this time I’ve been quiet, you know…
"After the separation with the mother, I’ve been really quiet, until napanood ko yung interview nila with Julius Babao. Ahh... brutal, you know.
“May mga statement na binitawan na talagang against me na talagang... the way I feel sa mga binitawang statement, yun bang kailangang masagot ko siya.
"Yung point na kasiraan ko na, e, ang mga binitawan.
“Yun bang parang husgado na supposedly the best is marinig both sides, hindi lang yung isang panig na makikinggan o maririnig.
“Eto yung level na dapat parehong panig yung maririnig, yun.”
Tinanong namin si Rey kung alin sa mga sinabi ng mag-ina ang gusto niyang sagutin.
Tugon ng aktor: “Sa child support, sa being a cheater.
"It was even emphasized na I cheated with my first wife, cheat pa rin ako sa second wife ko, you know, di ba?
“Ano ang alam nila sa second wife ko, e, wala na sila sa picture, di ba?”
Himutok pa ni Rey: “All the while, wala akong nilalabas against them.
"Kung tahimik sila, bakit sila may mga binitawang statement na kasiraan ng Rey PJ Abellana?
“Yun lang yung point ko diyan."
Read: Carla Abellana addresses alleged rift with dad Rey "PJ" Abellana: “He is still my father.”

ON CHILD SUPPORT
Sinagot ni Rey ang tungkol sa child support na hindi raw niya ibinigay kay Carla at sa ate nito.
Ayon sa aktor, may dahilan kung bakit hindi siya nakapagbigay ng child support sa dalawang anak nila ni Rea.
Pahayag niya: “Sa child support alone, bakit nila sasabihin yun na hindi ako nagbibigay ng… nag-provide ng child support, after pigilan nila ako na magbigay ng child support?
"They restrained me na magbigay ng child support.
“Kaya hindi ko nagagawa yun dahil pinigilan nila ako from the very start after the separation.
“Paano ko ipagpilitan yung sarili ko kung ayaw nila? Ganun yun!
"And most probably, hindi alam ng dalawang bata na bakit hindi ako nagbibigay ng child support. So that’s what I mean.
“All the while, I’ve been just quiet. Kasi para sa akin, edukado tayo, e.
"I mean, educated enough to be able to understand and figure out kung ano yung pribado at dapat na ikuwento sa publiko."
ON CHEATING ALLEGATION
Sa isyu naman ng pagtataksil, makahulugan ang mga binitiwang pahayag ni Rey.
Sa sarili niyang salita: “Pinu-point nila na ako ang cheater. Ang question, kung ang side nila ba, hindi nag-cheat?
“Yun ang hindi naitanong. Kung ang side ba ng mama ni Carla ba, hindi nag-cheat?...
“Alangan namang ako lang yung batuhin ng bato. Sila ang naglabas niyan, e. May proof tayo diyan.
“I-retrieve mo sa YouTube yang interview nila with Julius Babao, compared to now… that I’m talking to you now.
“Yung interview nila was very much ahead of what I’m telling you now.
"Sagot lang ito, e. Reaction lang ito ng sinabi nilang mga statements against me.
“Sila yung nag-open up niyan.”
Read: Rey "PJ" Abellana, matagal nang di nakikita at nakakausap ang anak na si Carla
JERRY OLEA
Tanong ng PEP Troika kay Rey "PJ" Abellana: Nag-cheat ba talaga siya noong mag-asawa pa sila ni Rea Reyes? Ang pambababae ba niya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?
“I don’t think so,” mabilis na tanggi ni Rey.
“Mahulihan mo ako ng fan mail, cheating na yun?
“Nasaan yung proof dun na cheating ako? Fan mail lang yun.
"Lahat ng fan mails, meron tayong nag-'I love you' lahat yan, you know. Especially during… in the peak of my career.
“That was the time I’m doing three movies daily. I was filming three films daily, plus the regular show na Anna Liza.”
Dagdag pa ng aktor: “Wala silang sinabi sa side nila.
“It never happened that Julius Babao asked them kung 'yung side niyo ba, walang cheating naman na nangyari?' Walang ganun!
“So, ang mga nabitawang statements na laban sa akin, kasiraan ko.”
Read: Former teen star Leni Santos makes a showbiz comeback; revives loveteam with Rey "PJ" Abellana
REY CLAIMS HE SACRIFICED HIS CAREER FOR HIS FAMILY
Ayon pa aktor, isinakripisyo umano niya ang kanyang career noon upang bigyang prayoridad ang pagsasama nila ng dating asawa.
“From the very start, you know? Ano ba ang naging cause ng downfall ng career ko? It was because I settled with Rea Reyes.
“Pinriority ko yan! Pinrioritize ko siya na exchange of my career, dahil she got pregnant.
“Pag dinetalye ko yan, baka masu-surprise ka,” bitin niyang sabi.
Sa huli, sinabi ni Rey na sana ay malaman din ng publiko ang kanyang panig.
Aniya: “Sana po marinig din nila yung panig ko sa mga binitawan nilang statements o mga salita laban sa akin.
“The best yung marinig niyo pareho para matantiya niyo kung sino ang may bearing sa mga binitawan nilang mga salita at mga kasagutan na sasabihin ko.
“She even said in the interview that after the separation we haven’t seen each other, we haven’t talked with each other.
“Sila yung in the hiding. Hindi ako.”
Naniniwala si Rey na maiintindihan ng anak na si Carla kapag narinig nito ang kanyang panig.
Ano ang mensahe niya para kay Carla?
“Sabi ko nga always na, ‘Papa is just here for you anytime.’
“Sila yung umiwas sa akin. Sila yung ayaw mag-open up sa akin, up to this point.
“Sa akin lang, I know very well na intelihente ang anak kong si Carla.
"Sana ma-gauge niya better what is right and what is wrong. Ganun lang yun,” sabi pa ni PJ.
Nag-text ang PEP Troika kay Carla para kunan ng pahayag tungkol sa interview namin sa kanyang ama.
Pero wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanya habang isinusulat ang artikulong ito.
Bukas din kami kung may nais sagutin si Rea sa mga naging pahayag ni Rey.
Read: Rey PJ Abellana, umaasang magkabalikan pa rin sina Carla Abellana at Tom Rodriguez
NOEL FERRER
Ayaw kong makialam sa pagsagot ni Rea sa issue ng interview ni Carla at ng mommy niya sa isang YouTube program.
Kasi, imbes na mailinaw ang isyu at magkasundo ang dalawang panig ay lalo pang nabubuhay ang mga dating isyu.
Ganito na ba talaga ang level ng diskurso ng isang premyadong news journalist at nagiging branding ay showbiz stars of yesterday na?
Oh well, mukhang wala na ngang basagan ng trip. Iyan na, I guess, ang piniling landas at pagkakakitaan.
Sa takbo ng sagutang ito, hindi ako magtataka na ilinya na rin si Rey "PJ" Abellana sa naturang show.
Whatever sells, ganoon ba?
